Anger Nanginginig ang aking kalamnan ng bumalik ako sa event hall. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili sa una, pang iinis ni Arianne at pangalawa naman ay ang biglaang pagkumpronta sakin ni Damiel. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang damit. Taas noo kong tinahak ang daan patungo kay Julian, kunot noo niya naman akong binalingan. "Where have you been? Mom and Dad is here hinahanap ka nila kanina." seryoso nitong bulong. "Uh..na..naligaw ako eh.. Hehe.. Ang laki pala nito noh?" naiilang kong sagot sabay lagok sa tubig sa aking harapan. Maya maya pa ay nakita ko na si Arianne at Damiel. Nakangiti ito at malugod namang pinauunlakan ang bawat paghingi ng media sa kanilang litrato. Kita ko naman ang pagbaling ng tingin sakin ni Damiel at paglipat ng tingin niya kay

