Make up
"Nak, mamayang gabi inaasahan ng mga Clemente ang presensiya mo. Kaya pag uwi ng school ay diresto bahay kana okay? Sa mansyon ka na maghapunan. Iniwan ko sa lamesa ang adress." Kausap ko si Mama sa phone.
"Okay, Ma" nagmamadali kong baba sa hagdan ng aming school nilagay ko na ang phone ko sa bag. Handa na akong umuwi ng napadaan ako sa classroom ng Grade 9- E. I know this girl. Busyng busy ang kumpulan na naglalagay ng kolerete sa mukha. Which is prohibited. Any make ups and cosmetics is not allowed. Powder only.
At kaya siya pamilyar!
She is Elisse! Damiel's girl!
"Hello Ladies" I smiled and tried to be polite as much as possible kahit umaangat na ang kilay ko. Tatlo silang babae si Elisse ay busy sa pag apply ng kanyang Lipstick habang ang dalawa ay nagkikilayan. Humarap sila sakin with curiosity in their eyes.
Tinakpan ni Elisse ang kanyang lipstick saka nag angat ng tingin sakin, pinaglapat niya ang kanyang mga labi at inayos nya ito bago tumayo at lumebel sa akin.
Wow! She has the guts huh?
"Yes? Miss President?" hindi nakatakas sa pandinig ko ang sarcasm sakanyang pananalita.
"Oh Hi! I would like to remind you na wearing make ups are not allowed here, baby face powder only. Pwede niyong dalhin pero kung gagamitin niyo, hindi pwede" Malumanay pero may diin kong sermon sakanila.
Umirap lang ang kanyang mga kasama.
"Bakit naman? Our class is over! Pwede na to. Saka ano naman kung bawal? You can confiscate this pero kayang kaya kong bumili kahit ilan pa nito kaya wag kana magpagod!" Pagtataray niya.
"Yes! I know! Pero bawal nga eh, di moba naiintidihan huh? Miss Elisse Elena Navarro?" Hinawakan ko and name plate niya pero hinawi niya ng malakas ang aking kamay at tinulak ako!
Aray ha!
"What the!" Gulat kong sabi.
"Alam mo naiinggit ka lang eh! Kasi you can't afford all these make ups that I have! Yabang mo porket president ka! Parang make up lang sinasaway mo pa! Isusumbong kita kay Damiel! b***h!" At hinatak niya ang buhok ko!
Susugod na ako sakanya ng may mga brasong pumulupot sa bewang ko!
"Let go of me!" Habang pilit na inaalis ang kamay sa aking bewang!
"No Clea! Please stop! Masusugatan kalang!" Alam kong si James ito pero mas nangingibabaw ang galit ko!
Susugod ulit si Elisse ng may humawak sa braso niya, nilingon niya ito at biglang pumungay ang kanyang mata ng nakitang si Damiel ito.
"Damiel! Look what she did to me!" Pilit ang iyak ng pinakita niya ang mapulang braso. Hinagkan naman siya ni Damiel.
"Ha! Maybe you're right Elisse! I can't afford to buy those expensive make ups! Pero not to brag I am way smarter and nicer than you! Maayos kitang inapproach pero bigla ka nalang sumugod diyan! You gotta learn na it's not always about the looks woman! Try mong kainin iyang make up mo baka sakaling gumanda din ang ugali mo!" Galit na galit at pawis na pawis kong sabi. Malakas kong pinalis ang pagkakayakap ni James sakin.
Pinulot ko ang aking bag at nagmamadaling umalis.
"Clea!" Habol ni James habang pinupunasan ko ang aking mukha. Nilingon ko si James ng may pagod na ekspresyon.
"Jameson" I smiled shyly.
Pawis na ako at lukot lukot na din ang uniform ko, buti ay uwian na. Nilabas niya ang kaniyang panyo at pinunasan ang aking mukha. Pinatalikod niya ako at maayos niyang sinikop ang aking buhok para maging isang malinis na pusod. Namangha ako sa ginawa niya kaya walang alinlangan ko lang siyang hinayaan. Hinubad niya din ang kaniyang polo at sinuot sa aking katawan. Buti nalang ay nakashirt naman siya.
"Uh, salamat. Kailangan ko na kasing umuwi" kamot ulo kong sabi sakanya.
"Hatid na kita." Inakbayan niya ako ngunit bago kami tumalikod nahagip ng aking paningin si Damiel na tinatanaw kami, nakapamulsa at may bakas ng galit at sakit ang ekspresyon.