Clinic
Sabay kaming naglakad ni James sa corridor. Hindi maiwasang mapatingin at mapaismid ang mga babae sa amin dahil kasama ko siya. Bawat babaeng nakakasalubong naming ay napapatingin at bumubulong.
"May sakit ka?" basag ko sa katahimikan naming dalawa.
"Oo eh, medyo mainit ang pakiramdam ko" Tipid siyang ngumiti sa akin.
Jameson is really a handsome guy. Nakayuko siya habang naglalakad, at ako naman nakatingin sakanya.
He's clean cut hair matches his straightened polo shirt habang nakapamulsa. This time wala na siyang piercing. Ibang iba siya nung araw na nakita ko siya nun sa club.
"Uh, nurse I'm here with my classmate Jameson Bradley T. Adams. Here's his clinic slip permit from our current subject teacher" I smiled sa nurse na nakaduty ngayon.
Pag may cases na ganito ako na talaga ang naghahandle. My adviser and principal trusts me so much. Kapag may classmates ako or schoolmates na may sakit and available ako, ako ang naghahatid sakanila sa clinic dahil ako ang top sa class okay lang na makapag skip ako kahit konti dahil naihahabol ko din naman.
"Check nga ng temp mo" sabay lagay ng termometer sa kilikili ni James. After few secs hinugot niya ito at winagwag "Uhmm? Okay naman. Normal naman ang temp mo. Baka naiinitan ka lang? Per your records you are from England kaya baka nasanay ka na sa ganung weather. So ganito, ikukuha nalang kita ng ice bag. Lagay natin sa ulo mo" The nurse smiled and umalis para kunin ang ice bag.
"Galing kang England? Alam mo bang pangarap ko lang dun?" Masigla kong sabi sakanya.
"Really? Well, the place really nice and cold. Kaya nga, baka naninibago lang ako dito" He smiled at me. My heart melts. God! Yang ngiting yan yung mag papa oo sayo kahit wala pang tinatanong!
"Here, Clea, Please help Mr. Adams dahil kailangan ako sa Elemetary department. If the patient is fine already, pwede na kayong bumalik sa mga rooms nyo" The nurse smiled as she exit.
Sinunod ko naman ang sinabi ni nurse. Nilagay ko ang ice bag sa ulo ni James. It feels akward though, nakatitig lang siya sa akin.
"You know what? I don't get it why you and Damiel always fight. Mabait ka naman." He smiled and shrugged.
"Uhm, siguro hindi lang kami match ng ugali? Uh, paano ba, pag kausap ko kasi si Damiel damang dama ko ang agwat naming dalawa, na mayaman siya, mahirap lang ako" I smiled weakly.
"Wala naman masama sa pagiging mahirap. At isa pa, wala iyan sa status mo sa buhay kung paano mo pakikitunguhan ang isang tao. Hindi ka naman mukhang mahirap" Seryoso niyang sabi.
"Hahahaha, weh? Ikaw ha! Bolero ka!"
"No, totoo! You are very pretty, slender and neat unlike the other girls na sinasabi mong mayaman" He smiled
"So sinasabi mong madudumi sila? Hahaha" at nagtawanan pa kaming dalawa. Ang dami naming napagkwentuhan. Nalaman kong magkababata silang tatlo as in since 1 year old hanggang mag binata.
Kahit saang school pala may magkasama sila, pero dahil parepareho silang palaaway ay palipat lipat sila ng school nung nasa England sila. They have been to different countries nadin. Nalaman ko ang mga hilig ni James like golf,billiards and ATV.
Pero nagimbal ang aming kwentuhan ng biglang malakas bumukas ang pinto!
"Uh, hinahanap na kayo" malamig na sambit ni Damiel sabay iwas ng tingin at naglakad paalis.
Anong problema nun???