Good news
Aalis dapat kami ni Atarah para mamasyal sa mall pero nakatanggap ako ng text galing kay mama.
Mama:
Ngayon ang alis ng papa mo pa manila anong oras ka uuwi?
Ako:
Pauwi na po. Antayin nyo ako :)
"Sumabay kana sakin! Hahatid na kita sainyo" sabi ni Atarah.
"Wag na-"
"No! Sasabay ka!" hatak niya sakin.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay naisip ko. Araw araw kami magkasama ng babaeng ito pero ni hindi ko manlang nabanggit sakanya ang problema ko sa school. Kaya naisip ko, today is the right time.
Tinakpan ko ang screen ng kanyang cellphone dahilan kaya napatingin siya sa akin.
"Atarah may sasabihin ako. Uh, Kasi hindi na daw ako makaka enroll next year, may sakit si Papa. Yung kikitain ni Mama sa mga Clemente hindi sapat para saming dalawa ng Papa ko. Mas importante ang kalusugan siyempre" I tried to smile kahit kitang kita ko ang gulat,dismaya at lungkot sa mukha ni Atarah.
"Ha? Bakit ngayon mo lang sinabi? Nakakainis ka naman Clea eh! Akala ko ba bestfriends tayo!" Nagulat ako ng bigla siyang humagulgol. Hinagod ko ang kanyang likod buti nalang wala masyadong pakialam ang driver niya.
"Hindi ko kasi alam paano sasabihin saiyo eh, ayaw kong mag alala ka tsaka kaya naman eh. I mean I know you have your own life too, you have your own problems to face-" katwiran ko na agad niya namang kinontra at nagawa niya pa akong paluin sa braso
"Kahit na! Ang hirap kaya solohin ang problema! You could have just told me edi sana nakakaisip na tayo ng mas magandang paraan!" Pinunasan niya ang kanyang luha. Nakakatuwa siyang tignan para talaga siyang bata. Ang sarap lang sa pakiramdam ng may masasandalan ka sa oras na kailangan mo. You don't feel alone at all. Namula ang kaniyang pisnge kakaiyak pati ang kanyang bangs ay basang basa na din.
Nang makarating kami sa bahay bago ako lumabas ay hinawakan niya ang aking kamay at seryosong sinabi
"Clea! Ako nalang ang mag papaaral sayo! Tutal malaki naman ang allowance ko! Hindi na tayo mag mamall! Ilalaan ko na sayo lahat ng yon!" Natawa ako sa sinabi niya tapos yung mukha niya pa ay talagang seryoso! Kaya kinurot ko nalang ang kaniyang ilong.
No. I will never do that. It will hurt my pride big time. At ayaw kong maging sagabal sa ibang tao.
"Thank you Ta, but no. Look, eto ang dahilan kung bakit ayaw kong magsabi ng problema sa kahit na sino. Even sayo kasi ayaw kong makaabala" I smiled at her then kissed her cheeks goodbye.
Sa labas pa lang ng bahay ay dinig na ang ingay sa loob kaya ng pumasok ako ay nagulat ako ng naabutan ko si Mama, Papa, Kuya Cloud, Ate Sabrina (Gf ni Kuya) at si Baby Chiena!
"Aba kumpleto kayo ha! Ako nalang pala kulang!" Masiglang bungad ko sakanila.
"Tata Yaya!" Bulol na tawag ni Baby Chiena sa akin na agad ko naman kinarga
"Ano?? Kamusta naman ang baby na yan ha??"
"Nako! Kanina ka pa hinahanap niyan Clea! Buti maaga kang umuwi" Sabi ni Ate Sab
"Clea anak! Buti naman at nandito ka na, may good news ang Mama mo sayo" Masaya pero halata ang tamlay sa boses ng aking Ama.
"Makakapag aral ka na next year! Sasagutin ng mga Clemente ang pag aaral mo! Pero siyempre ang kapalit tutulungan mo akong manilbihan sakanila" Masayang paliwanag ni mama.
Seriously? That would be a big help! At isa pa I can return the favor to them by helping my mom! Marunong naman ako ng gawaing bahay eh kaya simpleng simple lang iyon!
Thank you Lord!
"Talaga Ma? That's great! Did you hear that little girl? Makakapag aral pa si Ate next year!!" Sabi ko kay baby chiena habang inikot ikot ko siya!
I am so happy! Very very happy!
"Kelan po pala iyan Ma? I can start asap naman kahit magpalitan tayo ikaw po sa umaga ako sa gabi dahil hapon o gabi na ako nakakauwi!"
"Sabi naman ni Madam Veronica kahit kelan na pwede kana mag simula. Kapag gabi, pwedeng doon ka na matulog bago pumasok sa umaga dahil malapit lang naman sa school mo. Sobrang bait ng mga Clemente anak. Kaya pag nakilala mo sila sa Lunes ay magpasalamat ka" sabi ni mama.
"I definitely will Ma, definitely"
Masaya akong pumasok sa eskwela baon ang magandang balita para kay Atarah! For sure matutuwa yun! Papasok na ako ng nakita ko si James sa bungad ng aming pintuan.
Binasa ko ang aking labi at nilagay ang takas na buhok sa aking tainga.
"James? Sinong inaantay mo? Malapit na dumating si Mrs. Calangian baka makita ka nasa labas"
"I am waiting for you Clea. Can you accompany me to the clinic? Sabi ng adviser natin ikaw lang daw ang pwede dahil di pwede magskip ng class ang iba"
Pinigilan ko ang aking ngisi. Kung siniswerte ka nga naman!
"Ah sure, lalapag ko lang tong-"
"Tabi!" dirediretsong pasok ni Damiel sa gitna namin ni James muntik na akong matumba ng mabangga niya ang aking balikat pero mabilis akong hinila ni James papunta sakanya.
"Careful, man" sabi ni James.
"Tss" sagot naman ni Damiel!
Hindi talaga pwedeng hindi siya mang iinis!