Elisse
Pumasok ako sa school ng normal na parang wala akong problema. Namataan ko pa si Damiel with Aki and James sa may Glee (sing,dance,act & etc) Club.
As far as I know si Jameson lang ang involve sa music dahil marunong siyang tumugtog ng Piano. Pero Akira and Damiel?
I'm sure they are just up for girls dahil karamihan ng magaganda at mayayaman ay nasa Glee Club. Wala akong club na sinalihan dahil president ako ng student organization sa school.
We have various club dito sa school na open for all students na willing i-enhance or ishare ang kani-kanilang mga talento.
Mayroon kaming Art Club, Martial Arts and Boxing, Cooking, Grooming at marami pang iba.
Pero if I will have to choose? I am for Glee as well.
I love to sing.
Pero siyempre sikreto ko lang iyon na pawang kami lang ni Atarah ang nakakaalam.
Ayoko sanang dumaan sa Glee Club pero wala akong choice!
Hindi naman sa umiiwas ako kay Damiel pero ewan ko ba! Naiirita ako sa pagmumukha niya eh!
1,2,3 diretso lang Clea. Okay? Saka bakit ikaw ang mahihiya? Di ba dapat siya?
Tinuwid ko ang aking mukha at derederechong naglakad ng may tumawag sakin
"Clea! Clea!"
Lumingon ako at nakita ko ang aking co student council member na tumatakbo palapit sakin
"Free ka ba this saturday? We're going to have an acoustic night organized by our Glee Club members. Unang chance namin ito na makapag acoustic night! It will be an honor for us if you would join syempre ikaw ang president eh" She smiled widely.
Sumulyap muna ako sa loob at nakita ko ang tingin ni Damiel na nakatuon sakin.
"Uh, hindi ako sigurado Camille. Pero saan ba ito gaganapin?" tanong ko kay Camille.
"Sa Cloud 9! Oh diba? Tutulungan daw kami nila Damiel dahil Tito pala nila ang may ari nun! Magpapa acoustic night daw sila sa may hotel lounge nila oh diba? Exposure yun sa Club namin!" Masayang masayang balita ni Camille.
Napangiwi ako ng narinig ko ang Cloud 9! Tss! So kamag anak pala nila ang may ari nun? Kaya pala kung paalisin niya ako dun ay ganun ganun na lamang!
"Bakit dun? Eh 'diba mayayaman lang naman ang pwede dun?" tanong ko
"Kasi pinupormahan ni Damiel si Elisse! Ayun oh! Tignan mo!" turo niya sa loob ng club.
Sinulyapan ko ang tinuro ni Camille at nakita ko kung pano inakbayan ni Damiel si "Elisse" at sabay may binulong na ikinahagikgik naman ng babae.
Tss? So dito na pala naglalampungan ngayon?
"Bawal yan ah? Camille dapat alam mo yan! Bawal ang PDA sa school grounds lalo na sa loob ng classrooms or clubs! Dapat aware ka diyan dahil iisa lang ang org natin!" Giit ko na may halong iritasyon.
Hinawakan ni Camille ang braso ko na parang nag mamakaawa.
"Clea! Please? Wag mo na sila awayin! Pag ginawa mo yan mawawalan kamin ng chance na makapag acoustic night! Sorry! I know I am being a user pero diba? Chance na ng org namin na makilala. Sa Cloud 9 pa! Eh mayayaman ang nandun ibig sabihin mayayaman din ang makakakita sa amin!" malungkot na pahayag ni Camille.
Bumuntong hininga ako at sumulyap ulit sa loob. This time nakita ko kung paano hinalikan ni Damiel ang tungki ng ilong nung babae sabay sumulyap sakin! Nagkasalubong ang aming paningin pero agad akong umiwas.
"This is my final warning Camille! Kapag dumaan ako dito at nakita ko ulit iyang mga iyan pati ikaw isusumbong ko. Okay?"
"Yes Clei! Thank you!" Yakap niya sakin.
"Sige na, titignan ko kung makakarating ako. Text text na lang" sabi ko sabay alis.
"Talaga? Sa Cloud 9 daw? Wow ha! Seryoso ba si Damiel kay Elisse na handa niyang bigyan ng Acoustic Night? Ha! Eh mas magaling ka pa dun!" Giit ni Atarah habang ngumunguya ng kaniyang burger. Nandito kami sa cafeteria at nabanggit ko nga sakanya ang mga nangyare kanina.
"Oo nga! Wag kana ngang maingay diyan nag aaral ako ditto may quiz kaya sa Math mamaya!"
"Eh what if kumanta ka? President ka ng Org kayang kayang gawan ng paraan yun Clei! Sige na! Sing for us!"
Nanlaki ang mata ko? Me? Singing in front of many people? Elite people to be specific at andun pa sila James!
"No Atarah okay? Wag mo na akong kulitin diyan dahil you know my answer will be no!" mataman kong sabi.