Chapter 5
Fight
Aalis na sana ako ng biglang nagsalita si Damiel.
"Why are you here?" may iritasyon sa kanyang boses
Aba! Gagong to! Kala mo naman siya ipinunta ko!
"Bakit? Ano naman sayo? You own this place?"
"Wether I own this place or not you shouldn't be here late at night!" Giit nya.
Anong karapatan niyang pagsabihan ako? Kinahihiya ba niya nandito ako? Bakit? Dahil di ako elite gaya ng mga babae nila!? Ginagalit ako neto! Akala ko panaman mabait na siya dahil inasikaso niya ako kahapon pero mali!
"Napadaan nga lang ako! Malay ko bang may mambabastos sakin dito! Alam ko ba ha? Di ko naman ginusto yun! Kaya pwede ba Damiel stop being a pest! I said may tinignan lang ako!" Sigaw ko.
"Sino tinitignan mo? Sino? Si James? Is one encounter not good enough for you huh? Clea? at Talagang may mambabastos sayo! What were you thinking? Alam monaman gabi na! Tapos ganyan pa suot mo!" Sigaw niya pabalik. Ramdam ko ang galit at iritasyon niya sa mga salita niya pero I will never back down!
Were making a scene here!
Pati bouncers ay napapatingin na samin pero no one dared na lumapit.
At paano niya naman nabanggit si James? Ibig sabihin nakita niya kami kagabi?
And how could he involved my clothes! Bakit? Oo hindi ito branded! Pero I know how to wear clothes properly! The nerve of this guy!
"Bakit? What's wrong with my clothes huh? Oo na! Hindi na branded! Hindi mamahalin! So what? Eh yung mga babae nyo nga diyan sa loob mga halos wala ng damit sa sobrang iksi bakit sila okay lang? Kasi mayaman sila? Ha? Damiel?" Sabi ko habang dinuduro ang loob ng Cloud 9.
Humakbang siya ng isang beses palapit pero di ako umatras dahil sa sobrang galit ko! Kala mo masisindak mo ako!
No way!
"You got it all wrong lady, you got it all wrong..
I want you stay out of this place because you will never fit in-"
Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla ko siyang sinampal!
"Sino ka para sabihin yan? I will never fit in? Dahil di ako mayaman?" Lumandas ang luha sa aking mata na agad kong pinunasan. No. Not in front of him. This is too even shallow to cry for sa kabila ng problema ko pa.
Tinalikuran ko siya at tumakbo paalis.