KABANATA 40 BLAKE Maaga akong gumising dahil kailangan maaga akong umalis para madatnan ko si Dad sa bahay. Mas mabuting sa bahay kami mag-usap kesa puntahan ko pa siya sa office niya, lalo na’t sigurado akong magtatalo kami ‘pag sinabi ko na sa kanya na uurong na ‘ko sa kasal namin ni George. Natutulog pa si Tina kaya nag-iwan na lang ako ng note para sa kanya. Bago ako umalis, hinalikan ko muna siya sa noo. Bakit sa noo at hindi sa labi? Para kasi sa ‘kin, a kiss on her forehead is the sweetest kiss I could give her. Kung gising siya malamang sinabihan na naman ako nito na ang cheesy ko, pero gano’n ata talaga ‘pag in love. Pagdating ko sa bahay. "Sir Blake!" bati agad sa ‘kin ni Manong Jun. Isa sa mga guard namin. "Musta Manong?" "Ok naman po Sir. Babalik na po kayo rito?" "H

