KABANATA 48 TINA "Mela si—." Bago pa matapos ni Blake ‘yung sagot niya sa tanong nitong babaeng balloon na 'to, "Ako lang naman ang girlfriend niyang lalaking nilalandi mo," sabi ko at tinaasan ko siya ng isang kilay! "Babe, tek—." Hindi na naman nakapagsalita si Blake. "Oh… I see…" ‘Yon lang? ‘Yon lang ang isasagot niya sa 'kin? Mula sa ‘kin inilipat niya ‘yung tingin niya kay Blake nang nakangisi. "Mukhang ‘di sanay ang bago mong girlfriend na may kahati." Ano raw? Kahati? Bakit? Ano’ng ibig niyang sabihin do’n? "Ano’ng sinabi mo? Blake, ano’ng pinagsasabi niyang babaeng ‘yan?!" “Mela, pwede ba?” Tumingin siya kay babaeng balloon na parang sinasabing manahimik ito at pagkatapos ay sa ‘kin naman siya tumingin. “Babe, a—." Mukhang walang balak tumigil ang babaeng balloon, kasi n

