Huy!!! Ren ibalik mo nga dito yang mga aklat na yan.... kinuha mo lang hindi mo naman binabasa...
Ayoko nga!! ano ka chick's....?
Ano ba paano ako makakatapos sa pagliligpit dito sa library kung lahat na lang nang nililigpit ko kinakalat mo naman.... Bakit ba kasi andito ka pa,, kanina pa uwian ah!!
Eh!! ayoko pang umuwi, bakit ba pinangungunahan mo ako?.. nanay ba kita? ha... Ms. Sunget........
Haiz!! ewan ko sayo..Oh! yan. sabay hagis ng piso ni Zel kay Ren.
Ha? aanhin ko ito?.. nagtatakang tanong ng binata.
Eh!! di lumabas ka at bumuli ka ng kausap mo dun oh!! sabay turo sa labas kung saan maraming taong naglalakad.
Bakit ako bibili ng kausap eh.. andito ka naman?... nakakalokong ngumiti ang binata.
Mr. Pasaway... wala ka ba talagang balak tigilan ang mga pang iinis mo saken?
Bakit naman ako titigil eh!!! ang sarap-sarap mo kayang asarin... pikon ka kasi... ha,ha,ha,ha!!:D
HMMMMMMMMM........... Ewan ko sayo!!!!!!! naiinis na naglakad papalabas si Zel....
Oh!! saan ka pupunta?
Ewan ko sayo!!! sigaw na sagot nang dalaga.
Huy!!! pano tong mga lakakalat na libro?
ikaw ang nagkalat kaya ikaw ang mag-ligpit...
Isusumbong kita sa Librarian di mo tinatapos trabaho mo... sigaw ni Ren.
Eh!! di magsumbong kah.. hanggang sa mawala na sa paningin nang binata si Zel.
Haiz!! talaga yung babaeng yun...
Walang nagawa si Ren kundi iligpit ang mga librong nakakalat at pagkatapos ay lumabas na rin siya ng Library.
Habang naglalakad si Zel pauwi biglang may umakbay sa kanya.
Sis.... anyare at mukhang byernes santo yang pagmumukha mo? tanong ni Jen kay Zel.
Para namang may nagbago sino pa ba ang laging nagiging dahilan kung bakt lage akong badtrip?
Ha,ha,ha,ha!!! si Papa Ren ba?
Haiz!! wag mo nga mabanggit pangalan ng kumag na un...
Sis.. naman makakumag ka naman wagas... owch!! para mo na rin akong sinaktan nun.. pahayag ni Jen sabay lagay ng kamay sa tapat nang kanyang dibdib na animoy inaatake sa puso.
Ewan ko ba kasi sayo sis... bakt sa kumag na yun ka pa nagkagusto.. >____0
Tumingin ka kaya sa salamin nang makita mo yang pagmumukha mo.... umayos ka nga dyan Jen..
Ah!! basta Sis gagawin ko lahat para lang mapansin ako nang Papa Ren ko.
Oh!! ayan na pala ung sundo mo.. sabay turo ni Zel sa pulang kotseng paparating.
Ok... sis.. ingat ka pauwi.. teka!! sumabay ka na kaya sake pauwi para hindi ka na maglakad at mamasahe.. nakangiting wika ni Jen
Wag na sis... may pupuntahan pa rin ako bago ako umuwi eh!!
Ok ikaw ang bahala.. basta ingat ka ha?.. see you tomorrow.. sabay beso sa kaibigan bago sumakay sa sasakyan.