
Ang kwentong ito ay tungkol kay Raizel M. Panganiban (Zel) na nag-aaral sa Ferytale Accademy, isang kilalang school sa Marikina. Siya ay scholar ng Lee Foundation na pagmamay-ari ng magulang ni Lorence V. Lee (Ren). Si Ren ang mortal na kaaway ni Zel, start pa lang nang pagkikita ang dalawa waring Aso't pusa na kunting magkadikit o magkita ay nag-aaway na.Ngunit, lingid sa kaalaman ni Zel na may lihim na gusto sa kanya si Ren na hindi naman maipagtapat ng binata.Buti na lang andyan lage ang bestfriend niyang si Jenny S. Javier(Jen). Siya ang muse ng kanilang school pero kahit ganun alway's down to earth parin siya. Kaya naman magkasundo sila ni Zel sa maraming bagay maliban na lang pagdating kay Ren ang pag-uusapan. Kung si Zel ay bwisit na bwisit sa binta, si Jen naman ay patay na patay dito.Hanggang pumasok sa eksena si Jess Mark C. Yap (Jess), kababata ni Ren na galing sa Korea. Siya ang naging tagapagtanggol ni Zel laban kay Ren kaya naman nagkagusto si Zel sa binata at para sa kanya siya na ang kanyang Mr. Perfect. Ngunit, Si Jen naman ang gusto ni Jess.
Ano nga kaya ang kahahantungan ng kwentong ito. May pag-asa pa kayang magkasundo at mainlove sa isa't isa sina Zel at Ren? Malaman naman kaya ni Jess ang pagtatangi sa kanya ni Zel at ano kaya ang kayang gawain ni Jen para mapansin siya ni Ren? at ano naman kaya ang magiging reaksyon ni Jen pag natuklasan niyang si Zel Ang gusto ng knyang Mr. Perfect?..
Hay!! tingnan na nga lang natin kung anu-ano ang magic na kayang gawin nang salitang "LOVE" sa kwentong ito.

