HALIYAH ISABELLE'S POV Nang sumapit ang hapon ay mas lalo kong naramdaman ang pagod sa katawan ko. Pakiramdam ko ay bawat hakbang ko papunta sa bahay ay may kasamang bigat na hindi ko maipaliwanag. Masakit ang likod ko. Nanginginig ang mga daliri, at masakit din ang bewang ko. Kaya laking bagay talaga na pinayagan akong mag-leave ulit kahit kaka-uwi ko lang noong nakaraang buwan. Pero kahit nakakapagod man ay ayos lang dahil kahit papaano, nakamit ko na ang simple at malayang buhay... Na noon ko pa ipinagkait sa sarili ko. Ngunit natigilan ako nang makita ko ang isang sasakyan na nakaparada sa tapat ng aming bahay. Kulay itim at pamilyar sa aking mga mata. At bigla ay parang may malamig na kamay na pumisil sa puso ko... Nang aking mapagtanto kung kanino iyon. Nanigas ang buo kong ka

