12

2843 Words
BOOK 2 "Ikaw" ( Ikaw na nga) Part 11 Habang papunta si sophia ng cr iniisip nya ang tumawag kay mike. Sophia: wag naman sana dahil kung nagkakakataon na tama ang iniisip ko hinding hindi ko na talaga sya mapapatawad pa. Pagkatapos nyang mag cr bumalik sya sa loob ng kanilang cabin. Mike: nandito ka na pala. Gusto mo bang kumain muna tayo? Sophia: paano ang bag natin dito? Mike: hindi naman mawawala yan dito. Sophia: sige damit lang naman yan hehe. Mike: ? damit nga lang tsaka hindi yan mawawala dito. halika na nagugutom na rin kasi ako. Sophia: nasa gitna na ba tayo?? Mike: haha wala pa. Di pa nga yata nakaalis eh. Sophia: ganun ba. Anong oras ba aalis? Mike: maya maya pa siguro. Kaya kumain muna tayo. Halika na. Dinala siya ni mike sa canteen ng barko para doon na sila kumain .Unang beses ni Sophia sumakay ng barko kaya namangha sya sa loob nito . Sophia: ang ganda pala talaga ang loob ng barko na to hehe . Mike: mamaya pagkatapos natin kumain libutin natin ang mga sulok nito haha.? Sophia: oo ba hehe. Mike: para hindi ka maboboring. Habang kumakain sila panay ang tunog ng cp ni mike. Sophia: sino ba yan? ? Mike: ah wala yan! Sophia: wala eh kanina pa yan tumutunog ang cp mo bakit hindi mo muna sagutin yan. Mike: mamaya na maingay dito eh. Sophia: maingay? Oh baka ayaw mo lang marinig ko? Mike: di naman sa ganun!? maingay lang talaga dito. Sophia: ok sige ikaw bahala! Nagpatuloy lang sa kinakain si sophia kaya napatingin nalang si mike sa kanya. Mike: bakit kasi tawag ng tawag si arlyn ( sa isip nya) Sophia: mauna na ako ! Tapos na ako! Tumayo agad si sophia at umalis na. Mike:tapos ka na! wait lang ate! .? Sophia: tapusin mo na yang pagkain mo . Mauna na ako sayo para masagot mo na rin ang tumatawag sayo. ( sabay alis) Mike: uyy! Sandali lang! Tsk!? Hindi na lumingon si sophia at patuloy lang sa paglalakad nito. Mike: hindi ko na nga lang to ubusin! Tumayo din agad si mike at sinundan si sophia ngunit hindi na nya ito nakita kung saan dumaan dahil maraming tao. Dumeretso siya sa cabin nila baka bumalik doon ang dalaga ngunit wala din doon Mike: ateee! Wala naman sya dito! ? Nasaan kaya yon? Ah, Baka nasa baba?. Bumaba si mike upang hanapin si sophia ngunit di pa rin nya ito nakita. Mike: tawagan ko na nga lang . Haist! Kringggggg..... kringgggg...... Ilang beses na syang tumatawag ngunit hindi pa rin sinasagot ni Sophia. Mike: nasaan kaya yon? ? Napansin ni mike na malayo na pala sila sa pier. Mike: nakaalis na pala kami sa pier?.tsk! Saan na kaya yon? Naisipan nyang umakyat sa taas at doon nya nakita si sophia na nakatayo mag isa habang nakatingin sa dagat. Mike: nandito lang pala sya. Tsk! Kaya nilapitan niya ito Mike: ate! Akala ko kung bumaba ka na ng barko. Nandito ka lang pala. Galit ka ba sa akin? Napabuntong hininga nalang si sophia. Sophia: may iniisip lang ako. Mike: anong iniisip mo? Pwede ko bang malaman? Sophia: iniisip ko lang kung tama ba ang naging desisyon ko? Nagulat si mike sa kanyang sinabi. Mike: bakit? Anong desisyon ba ang pinag iisipan mo? Ang tungkol ba sa atin? ? Sophia: oo! Naisip ko lang kung tama ba ang naging desisyon ko. Mike: ate, nagsisi ka ba? ? Sophia: hindi naman ako nagsisi ! Parang may iba lang kasi akong naramdaman. Mike: tungkol ba ito sa tumatawag sa akin? Sophia: masama bang makaramdam ng selos? Tama pa ba ito? Mike: haist! tungkol pala talaga sa tumatawag sa akin. Ate, hindi naman siguro ako siraulo na gagawa ng ikakagalit mo di ba?. Sophia: hindi ko maiwasan mike! Akala ko nga kaya ko ng pigilan ang sarili ko pero hindi pala. Mike: Pangako, si arlyn kaibigan ko lang yon kaya wag ka ng magalit. Sophia: kalimutan mo na yon! Pasensya ka na! Di ko lang makontrol ang sarili ko. Minsan naging oa na ang reaksiyon ko. Mike: naintindihan kita! Promise magkaibigan lang kami nun . Sige ipakilala kita sa kanya pag nandoon na tayo . Sophia: ok. ( matamlay nyang sagot) Napatitig si mike sa kanya kaya niyakap niya ito. Mike: ate, hindi ko sisirain ang pangalawang pagkakataon na binigay mo sa akin pangako ko yan . Huwag ka ng malungkot. ? mahal na mahal kita. Sophia: pasensya ka na! Mike: ok lang. Pero sa susunod wag mo naman akong pagtaguan . Pakiusap lang.? Sophia: hindi naman ako nagtago. Mike: hindi daw ! Eh kanina pa kita hinahanap kaya. Sophia: nagpahangin lang ako hehe. Mike: basta lagi mo lang tandaan na mahal kita. Sophia: sorry ! Natatakot lang kasi ako. Mike: di ba napag usapan na natin yan? Sophia: oo nga! eh bakit kasi ayaw mong sagutin ang tawag nya? Kaya napaisip na tuloy ako na baka may tinatago ka sa akin. Napangiti nalang si mike sa kanya. Mike: wala promise!? Sophia:ok sige may tiwala naman ako sayo eh. Mike: wag mo na nga isipin ang mga ganyang bagay . Kaya nga kita dinala dito para magbonding tayong dalawa. Tapos ngayon ganyan ang mukha mo ?. Sophia: huh! Hindi naman ako nakasimangot ah. Mike: hindi nga ba? ? Sophia: hindi noh.. Mike: ok sige hindi na kung hindi! Basta mag smile ka na dyan. ? Sophia: naka smile naman ako ah. ? ( sabay ngiti sa harap ni mike) Mike: yan ganyan! ? Nanatili pa rin silang nakatayo doon habang nakayakap si mike sa likod ni sophia. Sophia: ang layo na natin! Mike: kaya nga eh. Hindi natin namalayan na umuusad na pala kanina ang barko ? Sophia: oo nga nagulat nga ako kanina nung nakita ko na malayo na tayo sa pier. Mike: akala ko nandoon pa rin tayo. Kaya kinabahan ako baka bumaba ka hehe. Baka iniwan mo na ako dito.? Sophia: hindi naman noh! Grabe ka naman.? Mike: hinding hindi mo ba ako iiwan? ? Sophia: hindi syempre! Kanina kasi nainis lang ako tsaka alam ko naman na magkikita pa rin naman tayo sa cabin kaya iniwan kita hehe. Mike: ganun?? Ate, may itatanong lang ako sayo. Sophia: ano yan? Mike: ano ba ang iniisip mo pag kasama mo si kisses? Sophia: ha? ? anong klaseng tanong yan. Mike: basta! hindi ka ba nakaramdam ng kung ano man? Sophia: masaya ako syempre alam mo naman na nag iisang pamangkin ko yon tsaka nakakaaliw kaya kasama ang batang yon. Bakit mo naman naitanong? Mike: wala! naisip ko lang kasi na ang swerte nila brod marc at mich dahil masaya at buo ang kanilang pamilya. Sophia: nainggit ka ganun?? Mike: hindi naman sa nainggit!? Basta parang ang saya lang talaga nila tingnan hehe. Sophia: masaya naman talaga ang pamilya nila. Lalo pa at nagkaroon sila ng anak na sobrang daldal kaya nakakatuwa talaga sila tingnan . Mike: ikaw ate, gusto mo rin ba magkaroon ng pamilya? Sophia: oo naman! lahat naman yata ng tao gustong magkaroon ng buo at masayang pamilya. Lalo na ako syempre!? Mike: sana kasama ako sa pamilya na gusto mong mabuo hehe. Sophia: oo naman syempre! Paano kaya yon maging masaya kung hindi ikaw ang kasama ko?? weird mo ! Mike: haha joke lang!? kaya ang ibig sabihin nyan handa ka na ?. Sophia: oo naman! Basta ikaw ang kasama ko.naks!haha? Mike: mabuti naman kung ganun! Kasi sa totoo lang ate natatakot rin naman akong bumuo ng pamilya kung hindi kita kasama. Ang gusto ko ikaw ang kasama ko. Kaya kailangan kong paghandaan ang mga bagay na yan nang sa ganun maging masaya tayo . Sophia: naks! May balak nga!? Mike: bakit hindi ka ba naniniwala? Sophia: naniniwala naman! Masaya nga ako na kasama ako sa mga plano mo hehe. Mike: hindi ka na ba nagseselos? Sophia: hindi ko masabing 100% na hindi kasi ang totoo meron talaga ?. Mike: ikaw talaga!?. Wag ka naman ganyan nakakataba kasi ng puso haha? Sophia: eh totoo naman kasi. ? Mike: kaya ngayon napatunayan ko na talaga na hindi nawala ang pagmamahal mo sa akin ? ilove you ate. Sophia: hindi naman talaga nawala yon. ? Mike: alam ko! Natalo lang ng pride mo ang pagmamahal ? di ba? Sophia: ? haha opo. Mike: sabi na nga ba eh! ? Sophia: di na maulit promise.hehe Mike: kahit maulit pa yon alam ko naman ang gagawin ko eh para matanggal ang pride mo ?? . Sophia: ganun?? Mike: oo naman. ? Sophia: teka may signal pa ba? Mike: bakit? Sophia: tawagan ko sana sila ate mich . Mike: sige try mo baka meron pa. Sophia: ikaw na ang tumawag Mike: ok sige sandali ha. Sophia: sabihin ko nandito tayo sa barko hehe. Habang tinatawagan ni mike si Mich nakangiti si sophia sa isang bata malapit sa kanila na kasama ang magulang nito. Mike: hindi niya sinasagot ate. Sophia: tingnan mo kuya oh ang sweet nila hehe. Mike: sino? ? Sophia: ayan oh tingnan mo. Lumingon si mike at tiningan ang tinutukoy ni sophia kaya nakita nya ang mag asawa at ang isa nilang anak na tumatawa. Mike: wag kang mag alala balang araw ganyan din tayo pag ready ka na.? Sophia: anytime kuya ??joke lang hehe. Mike: talaga lang ha?? Sophia: hehe . Hindi ba sinagot ni ate mich? Mike: hindi eh. Hayaan mo na bukas nalang mahina na rin ang signal . Sophia: ok sige. Nakatitig si mike kay sophia habang nakatingin ito sa mag asawa sa di kalayuan sa kanila. Mike: wag kang mag alala ate mukhang handa ka rin naman kaya ituloy ko na ang plano ko ?(sa isip niya). Makalipas ang dalawang oras niyaya ni sophia si mike Sophia: tara na sa baba. Doon na muna tayo. Mike: ok sige doon naman tayo sa cabin natin. Bumaba silang dalawa at pumunta sa kanilang cabib para makapagpahinga. Sophia: may kasama na yata tayo dito Mike: wala yata eh. Tiningnan ni sophia ang ibang higaan Sophia: wala nga ? Mike: mabuti nga yon walang maingay . Dapat nga doon tayo sa suiteroom wala na daw bakante eh kaya dito nalang kinuha ko. Sophia: parang hotel din pala ah haha . Pareho lang ba ang bayad? Mike: hindi! magkaiba ang presyo depende sa gusto mo kagaya dito cabin for 4 dito. Ito lang kasi ang may bakante kaya ito nalang kinuha ko Sophia: eh yong sa maraming tao anong tawag doon. Mike: tourist yata o di kaya super value daw maganda rin sana doon kasi marami kang pasaherong makasalamuha kaya lang maingay. Baka lalo kang maboring . ? Sophia: grabe ka naman! dapat tinodo mo na ang pagpa experience sa akin dito haha? eh parang nasa hotel naman dito oh ang tahimik haha. Mike: kung alam ko lang eh di sana doon nalang pala ang kinuha ko kaya lang wala na tayong magagawa nandito na eh kaya dito na tayo.? Sophia: ano pa nga ba. Umupo nalang si sophia sa isang bed kaya umupo si mike sa tabi nya. Mike: gusto mo tabi tayo dito?? Sophia: hehe! Joke ba yan? Mike: haha ? oo nga joke lang. Sige na magpahinga ka muna dyan. Namula si sophia sa biro ni mike kaya pumasok sya sa loob at sinara ang kurtina. Sophia: nanaginip ba ako? Magkasama kami ni mike sa iisang kwarto?? hindi bale hindi naman kami magkatabi. Mike: ate, dito ka muna ha. Maliligo lang ako. Sophia: ok sige. Mike: ikaw din maligo ka na ? Sophia: hay naku! Umalis ka na. Mike: haha ? . Narinig nalang ni sophia na nagsara ang pintuan kaya humiga siya at nagpahinga . Makalipas ang limang mininuto dahan dahan nyang binuksan ang kurtina. At ng makita nya na wala pa rin si mike lumabas sya upang kunin ang kanyang bag. Sophia: nasaan na ba ang bag ko? ? Hinanap nya ito ngunit hindi nya nakita agad dahil nilagay ni mike sa taas. Sophia: ayon pala. Nandito lang pala. Habang kinukuha nya ang bag nakita nya ang cp ni mike sa tabi ng kanyang bag na tumunog . Sophia: akala ko ba wala ng signal bakit may tumatawag sa cp nya? ? arlyn na naman. Sino ba talaga ang arlyn na to. Nagdalawang isip syang sagutin ang tawag ngunit naisip nya na baka magalit si mike at hindi rin tama na pakialaman nya ang gamit ng binata. Sophia: bahala ka dyan magsawa ka sa kakatawag. At dahil hindi nya sinagot kusang tumigil sa pagtutunog ang cp. Ilang sandali lang tumunog ulit ito. Isang text ang nakita nya sa screen na galing kay arlyn kahit hindi nya ito binuksan nababasa nya ang msg nito "Im so excited mike, see you tom....." Hindi nya nabasa lahat dahil narinig nya ang pagbukas ng pinto kaya dali dali nyang kinuha agad ang kanyang bag at umupo sa kanyang bed Mike: oh ate maliligo ka rin ba? Sophia: ha! Ah oo hehe. Mike: sige maligo ka na doon . Sophia: ang bilis mo naman?? Mike: syempre binilisan ko lang kasi baka kung saan ka na nanaman pumunta haha? Sophia: grabe ka ha! ? Mike: sige na maligo ka na kung gusto mo hintayin kita dito. Sophia: mamaya na ako. Mike: ok sige. naiinitan kasi ako kaya naligo muna ako. Sophia: naka aircon naiinitan ka?? Mike: syempre ?. Kinuha ni mike ang kanyang cp kaya nabasa nya ang text ni arlyn. Nakita ni sophia na ngumiti ito. Sophia: may tumawag sayo kanina dyan ah. Akala ko ba walang signal Mike: meron pa naman pero hindi malakas . Sayo wala bang signal? Sophia: wala eh! Patay malisya nalang si sophia ngunit sa kanyang loob maraming syang katanungan na gustong itanong kay mike ngunit pinipigilan na lamang nya ito. Pagkatapos nilang magpahinga lumabas sila ulit ng cabin upang mag ikot sa loob ng barko. Masayang masaya si mike dahil nakikita nya sa mukha ni sophia na masayang masaya ito. Lalo pa ng manood sila ng isang show. Mike: bakit kaya di ka sumali sa kanila? Sophia: hala! ? kasali ba ako dyan? Mike: gusto mo ba? Sophia: wag na! ayoko!? Mike: haha ayaw mo ba? Katuwaan lang naman yan pang aliw lang nila sa mga pasahero para hindi maboboring. Sophia: ayoko! nahiya ako. Mike: nahiya ka? o nahiya ka sa akin?? Sophia: haha ? wag na! Mike: sus! ? nakalimutan mo na yata na unang kita palang natin sumayaw ka na agad habang kumakanta ang kuya mo. Sophia: dati yon hehe. Mike: ah nahihiya ka nga talaga! ? Sophia: hehe basta ayoko.! Mike: ayaw nya talaga oh haha. Sophia: ayoko! Alam naman ni sophia na proud si mike sa kanya kaya lang hindi nya kayang sumayaw sa ganitong lugar. Kahit katuwaan lang ito. Mike: sige kung ayaw mo manood nalang tayo may sasayaw pa yata ulit. Sophia: ok sige hehe. Hindi lang sayaw ang napanood nila meron din kumanta at banda. Kaya tuwang tuwa ang mga pasahero habang nanonood. Mahigit dalawang oras natapos ang kasiyahan kaya nung natapos na gumala gala muna sila sa loob ng barko hanggang sa mapagod kaya bumalik nalang sila sa kanilang cabin para magpahinga. Mike: umaga na pala . Kumain muna tayo bago matulog. Sophia: nagugutom ka ba? Mike: medyo! napagod kasi ako.? Sophia: sige halika. Samahan kita pero hindi ako kakain. Mike: ayaw mo bang kumain? Sophia: ayoko! Mike: eh di sige hindi nalang. Mamaya pag di ko na kaya labas nalang ako. Sophia: sige ikaw bahala. Mike: sige na magpahinga ka na. Gusto mong tabihan kita para makatulog ka ??. Sophia: di na kailangan kasi inaantok na ako noh. ? .Dyan ka na nga! Mike: haha joke lang. Ikaw naman. Lumabas si sophia para pumunta ng cr samantalang si mike humiga na sa kanyang higaan habang iniisip ang kanyang mga plano. Kinabukasan ng umaga habang natutulog pa si sophia lumabas si mike ng cabin nila . Mike: ilang oras nalang makarating na kami . Tawagan ko nga muna sila kung ok na ang lahat. Tinawagan nya at kinausap ang kaibigan tungkol sa kanyang plano . At pagkatapos niyang makausap napangiti nalang sya dahil handa na ang lahat. Mike: sana maganda ang kinalabasan nito. Pero kung hindi papalarin tanggapin ko nalang ng maluwag sa loob hehe.. Bumalik sya sa cabin upang gisingin si sophia para makapag almusal na silang dalawa. Mike: ate, gumising ka na . Ilang oras nalang makarating na tayo. Sophia: antok pa ako!? Mike: ok sige matulog ka ng dalawang oras pa. Bilhan nalang kita ng pagkain ha. Sophia: ok sige. Mike: sige matulog ka nalang muna ulit. Lumabas si mike para kumain dahil kanina pa sya nagugutom. Habang kumakain sya tumunog ang kanyang cp at si marc ang tumatawag. Mike: hello brod! Marc: hello brod! Kamusta nasaan na kayo? Mike: hindi ko alam brod kung saan na kami pero malapit na ilang oras nalang. Marc: ah ok sige. Tawagan nalang kita ulit mamaya ha. Mike: nasaan ba kayo? Marc: nandito na sa bahay kararating lang namin . Mike: ganun ba? Salamat brod ha ! Marc: walang anuman haha! Mike: tumawag ba ang kaibigan ko sayo brod? Marc: oo brod maya maya pupunta na kami doon. Mike: sige ! Basta ang sinabi ko ha? Marc: sige kaming bahala haha. ? Basta ikaw ang bahala mamaya ha galingan mo. Mike: bahala na brod!? Marc: sige na brod mamaya na tayo mag usap nandito na ang makulit . Mamaya gusto nyang kausapin si sophia mabuking pa tayo . Mike: sige brod ? Marc: sige bye. Binaba agad ni Marc ng makita nyang papalapit si kisses sa kanya na nakangiti. Ooooooooooooppppppppsssssss??!!! ITUTULOY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD