BOOK2
"Ikaw"
( ikaw ang lahat sa akin)
Part 10
Kinabukasan , maagang umalis sila Marc pauwi sa kanilang bahay.
Kisses: Pa, bakit tayo umuwi? ?
Marc: may gagawin pa ako. Di ba pupunta tayo sa kanila lolo at lola mo.
Kisses: hehe opo punta tayo doon pa.
Marc: kaya umuwi na tayo kasi ayusin ko muna ang work ko para makapunta na tayo doon.
Kisses: opo pa. Hehe
Mich: nagpaalam ka ba kay tita mo ganda?
Kisses: opo ma. Hehe tabi nya sayaw kami uyit. Hehe
Mich: haha ganun ba? Ok sige sasayaw kayo ulit pag bumalik tayo doon..
Marc: ikaw ate tes, anong desisyon mo?
Mich: bhe, pag usapan nalang natin yan na tayo lang ?.
Marites: hindi na muna siguro ako uuwi sasama nalang ako sa inyo para makita ko doon ang pamangkin ko.
Mich: sigurado ka ya?
Marites: oo ok lang.
Marc: ok kung yan ang gusto mo ate tes, kung tutuusin kahit anong oras naman pag gusto mong umuwi sa inyo ok lang. Sabihin mo lang sa amin.
Marites: ok lang , parang tinatamad pa naman ako umuwi hehe.
Mich: sige ya! ikaw ang bahala.
Marites: at saka isa pa. Alam ko na iiyak ito oh kaya wag na muna.
Mich: haha ? sigurado yan ya.
Marc: sasama nga daw sya sayo eh ?
Marites: kaya nga. ?
Kisses: taan ka pupunta yaya tet?
Marites: sasama ako sa inyo.
Kisses: ta kaniya yoyo at yoya?
Marites: opo! Ayaw mo ba?
Kisses: hehe gusto yeheyy!
Mich: kasi love ka ni yaya ayaw nyang umiyak ka.
Kisses: hehehe opo ma ?
Marc: kaya wag kang pasaway kay yaya tes mo ha.
Kisses: opo pa! Dyink ako miyk paya hindi magayit ti yaya tet hehe.
Marc: very good. ?
Marites: para mabilis ka lumaki at para healthy ka .
Kisses: at maganda pa yaya tet? ?
Marites: opo para maganda pa hehe.
Mich: hahaha? hay naku kisses!
Marc: maganda ka naman talaga!? Kaya wag kang umiyak kasi papanget ka nyan.
Kisses: opo pa hehe.
Marites: dapat palaging nakangiti di ba?
Kisses: opo tsaka dyink ng miyk hehe.
Mich: ngayon alam mo na ha. ?.
Kisses: opo ma. Hehe
Mahigit isang oras na sila sa byahe at dahil sa kadaldalan ni kisses hindi na nila namalayan na malapit na sila makarating sa kanilang lugar.
Mich: bhe daan muna tayo sa kanila kuya badong.
Marc: gusto nyo na bang pumunta doon?
Mich: oo sana.
Marc: mamayang hapon na bhe magpahinga muna kayo.
Mich: ok sige. Patulugin ko nalang si kisses para pagkagising nya saka na kami pumunta doon.
Marc: oo tama kasi kung ngayon kayo pumunta doon aantukin yan .
Mich: sige ganun na lang.
Marc: may pupuntahan pa kasi ako , ihatid ko lang kayo sa bahay.
Mich: saan ka ba pupunta?
Marc: doon sa palayan . Tingnan ko muna doon kasi sabi ni kuya bert malapit na daw anihin kaya tingnan ko muna.
Mich: ah ganun ba? Ok sige.
Marc: para alam ko kung kailan tayo pwede makapunta sa kanila mama.
Mich: sige bhe ikaw ang bahala ako na mamaya magdrive ha. Malapit lang naman eh.
Marc: sige . Kung makabalik ako agad sasama ako sa inyo.
Mich: ok sige.
Pagdating nila ng bahay binaba lang ni Marc ang kanilang mga dala at umalis na din sya agad.
....
Samantalang si Mike sinundo si Sophia sa kanilang bahay.
Sophia: saan ba tayo pupunta?
Mike: basta may pupuntahan lang tayo.
Sophia: daan muna tayo sa gym ha.
Mike: ok sige pero sandali ka lang ha.
Sophia: sige 30 mins.
Mike: tagal naman ?.
Sophia: eh kasi may kailangan pa akong gawin.
Mike: oo nga sabi ko hehe. Oo nga pala bukas na tayo aalis ha
Sophia: ha? ? bukas na..
Mike: oo di ba! sinabi ko pag uwi nila Michelle saka tayo aalis?
Sophia: buti sinabi mo agad eh di kailangan ko pala talaga dumaan sa gym para makapagpaalam muna sa kanila.
Mike: ok sige walang problem.
Dumaan muna sila sa gym at pagkatapos umalis papunta sa sinasabi ni mike.
Sophia: ang layo na natin ah. Ano ba ang gagawin mo?
Mike: malapit na tayo.
Sophia: malapit na ba?.
Maya maya nagdahan dahan si mike .
Mike: nandito na tayo.
Sophia: anong gagawin natin dito? ?
Mike: di ba sabi mo naghahanap ka ng lupa kaya ito oh binebenta yan ng may ari.
Sophia: eh ang layo naman.
Mike: maganda nga malayo tsaka maganda dito halos ang mga nakatira dito parang mahilig sa gym. At baka marami din ang gustong mag enroll sa pagsasayaw dito.
Sophia: kunsabagay tama ka. Salamat ha hehe.
Mike: ikaw pa ba ? isang kiss lang pwede na ?
Sophia: hehe. Ikaw talaga kuya ??akala mo naman kiss kita agad.
Mike: haha sabay ganun! .. ? ano nagustuhan mo ba?
Sophia: oo naman. Malawak naman eh.
Mike: sige tatawagan ko ang may ari para makapagtanong tayo ng ibang detalye.
Sophia: ok sige.
Tinawagan ni Mike ang number na nakapaskil . At nakipagkita sila sa may ari. Nagkasundo sila sa presyo kaya bago ni Sophia e confirm tinawagan muna nya ang kanyang ama upang sabihin ang kanyang plano. Kaya pumayag din sila agad dahil kasama naman nya si mike.
......
Alas tres ng hapon pumunta sila mich sa kanila badong kaya tuwang tuwa si kisses ng makita si Lily.
Lily: hiiii!! ? nandito na pala kayo. Mwah ? kamusta beh.
Mich: mabuti naman ate ?.
Lily: hi little girl ? ang cute naman hehe ??.
Kisses: ninang hehe ?
Mich: punta ka kay ninang Lily.
Kisses: hehe nahiya ako ma ? .
Lily: haha nahiya daw sya .? ang laki na nya beh.
Mich: malaki na ate hehe.
Kisses: hindi pa ako aying kitet ninang.
Lily: ha??ano daw beh
Mich: hindi pa daw sya aling kisses?
Lily: hahaha !bakit sino nagsabi na aling kisses ka?
Kisses: ti papa tabi nya aying kittet daw ako. .?
Mich: haha niloloko kasi sya ni marc .
Lily: ah kaya pala?. Ang papa pala ang nagsabi. Halikayo muna dito beh sa loob.
Mich: saan sila kuya badong?
Lily: pumunta sila sa kaibigan nya hindi ako sumama kasi masakit ang paa ko. Pumunta din sa palengke ang mama nya hehe.
Mich: buti nalang di ka sumama ate .
Lily: bakit di ka nagsabi na nandito na pala kayo ako na sana ang pumunta sa inyo.
Mich: kanina pa nga dapat kami pumunta dito kaya lang sabi ni marc ngayon daw .
Lily: ah kaya pala. Parang dalaga ka pa rin beh ah?
Mich: haha ate talaga oh.
Lily: sandali may kukunin lang ako.
May kinuha si lily sa loob ng kwarto.
Mich: sweety wala ka palang kalaro dito hehe.
Kisses: dito nayang ako ma hehe.
Mich: ok sige.
Lily: ito oh para sa aking cute cute na inaanak at maganda pa hehe ? .
Kisses: wow!?
Mich: maka wow ka naman!?
Kisses: hehe yook ma oh ang ganda. Tayamat ninang ?.
Lily: nagustuhan mo ba?
Kisses: opo hehe ang ganda po.
Mich: wow! May doll ka na naman ulit.
Kisses: hehe opo ma. Ang ganda ma.
Lily: cute talaga ng anak mo beh ?.
Mich: haha mana sa ama daw ate .
Lily: haha ganun ba? ?
Wala ng pakialam si kisses sa kanilang dalawa dahil naglalaro na ito ng manika.
Lily: sandali beh ha kukuha ako ng meryenda natin .
Mich: may meryenda si ninang ?.
Kisses: hehe kain tayo ma.
Lily: haha oo kakain kayo
Mich: kakain daw tayo dito.?
Kisses: opo kati waya tayo food ma ?hehe.
Lily: hahaha ?
Mich: haha sweety talaga oh ?
Kisses: hehehe.. opo waya tayo food
Lily: ang daldal pala nito ah ?
Mich: bagong gising pa yan ate ?
Lily: haha ganun!. Teka sandali.
Kumuha si lily ng makain nila at habang kumakain sila pinag usapan nila ang tungkol sa planong pagpapakasal nilang dalawa ni badong .
Mich: sure ka na ba ate??
Lily: sure na beh hehe wala na kaming choice eh haha tumatanda na kami pareho.
Mich: masaya ako para sa inyo ate hehe.
Lily: ako ang dapat magpasalamat sayo dahil isa ka sa mga nagpayo sa akin noon kaya ito kami ngayon ni badong .
Mich: basta ang pangako mo ha ? .
Lily: kaya nga pumunta ako dito beh haha ?kasi ayokong mawala kayo sa kasal namin at kayong tatlo ang gagawin kong abay .
Mich: talaga! Wow!? kailan ba ang kasal ninyo?
Lily: mga 3months pa naman.
Mich: ah ganun ba! Buti na yon makapaghanda rin kami hehe.
Lily: kaya nga eh. Gusto ko lahat ng mga abay ko mga mahalagang tao sa akin at kay badong ? syempre sila una kong takbuhan pag mag away kami hahaha?joke lang.
Mich: wala ka pa rin pinagbago ate haha loka loka ka pa rin.
Lily: haha ganito na talaga ako beh.
Mich: si ate mayet malapit ng manganak ah.
Lily: oo nga! sabi ko nga sa kanya wag naman sana itaon sa kasal ko
Mich: paano yan ate di naman nya mapigilan kung gusto ng lumabas ang baby nya haha?.
Lily: maipanganak pa nya ang kanyang baby bago ang kasal beh.
Mich : matagal pa naman pala ang kasal nyo.
Lily: kaya nga eh ! baka sa sunod na buwan na sya manganganak.
Mich: excited na rin si ate mayet haha.
Lily: lalaki daw anak nya pina ultrasound na kasi nila .
Mich: ganun ba! Di makatiis haha
Lily: kayo ni marc beh kailan nyo sundan si kisses??
Mich: ewan ko ba ate haha ok lang naman sa amin kung masundan agad pero wala pa eh.
Lily: hindi ka ba gumagamit ng pills?
Mich: hindi ate! Ayaw ni Marc .
Lily: ah baka hindi lang kayo makabuo agad ?
Mich: haha oo nga eh .
Lily: bakit kay kisses ang bilis ? nag double time ba kayo haha.
Mich: haha ? hindi ko nga rin alam ate kasi parang ganun pa rin nung simula hanggang ngayon .
Lily: haha ah baka excited lang ang matress mo noon beh haha ?
Mich: hahaha ??ate talaga.
Lily: parang hindi ka nga nabganak beh eh.
Mich: walang stress kasi te.hehe simula nung nagbuntis ako at nanganak hanggang ngayon kasama ko si yaya tes at si marc kaya sila ang na stress sa akin ? si mama nga gusto din sana sa bahay tumira habang nagbubuntis pa ako kaya lang iniwas ko nalang sya sa stress. Ang sama talaga kasi ng ugali ko ate pag buntis ako . ?
Lily: haha oo nga ! kinwento ni Mayet sa amin ?.
Mich: sinabi ko ko kai sa kanya nung bumisita siya sa amin dati .
Lily: ok lang atleast isang napaka cute na baby ang binigay sa inyo.
Mich: napakswerte ko nga ate kasi binigay ng diyos si Marc sa akin at ito binigyan nya kami ng anak na sobrang daldal. ?
Lily: pero bhe wag kang magalit ha ?hindi mo talaga kamukha si kisses haha ?
Mich: yon nga ang sabi nila sa akin te haha. Meron din naman nagsasabi na ako daw ang kamukha niya depende siguro sa tingin ng mga tao.
Lily: oo nga naman. ?
Mich: alam mo te lalong tumibay ang pagsasama namin ni marc dahil sa kanya hehe. Kasi aaminin ko kahit mahal namin ang isa't isa may panahon talaga na hindi kami magkasundo at minsan nagkasamaan pa kami ng loob
Lily: ganun talaga siguro beh hindi naman maiiwasan yon.
Mich: Kaya minsan pag di kami magkasundo nag unahan kaming dalawa kuha kay kisses? kaya natatawa nalang kami minsan .
Lily: haha may ganun ?
Mich: minsan napapagalitan kami ni yaya tes hehe kaya inaayos na namin bago pa makarating sa kanila mama at papa hehe .
Lily: minsan beh ok lang din ang ganyan may konting tampuhan kasi dyan mo masusukat ang pasensya ninyong dalawa at malalaman mo sa iyong sarili kung paano i handle ang sitwasyon.
Mich: tama ka ate. Kaya naisip ko din yan minsan na hindi lahat ng oras ako ang susuyuin ni marc dapat ako rin ?mag eeffort din ako..
Lily: di pa rin ba nagbago si marc beh?
Mich: hindi ate! kaya siguro mas lalo ko syang minahal at mamahalin pa ? kahit sobrang alaskador lang yon mahal na mahal ko yon?
Lily: haha ganun na nga beh.
Mich: ang masasabi ko lang kahit hindi sya perpektong asawa at ama sa paningin ng ibang tao basta alam ko sa sarili ko na mabuti syang tao at proud akong sabihin sa lahat na isang huwarang asawa at ama ang asawa ko hehe.
Lily: wow! Naks!! ?
Mich: totoo yan ate hehe.. hindi ko man kayang tumbasan ang pagmamahal nya sa akin ngunit kayang kaya ko naman sabihin sa buong mundo kung gaano sya ka bait na tao at kung gaano ko sya ka mahal . Hehe.
Lily: iba ang nagagawa ng tunay na pag ibig beh ? at yan napatunayan na sa katauhan ni Marc alam naman natin lahat kung ano ang nakaraan niya.
Mich: tama ate hahaha.
Lily: ang sarap lang balikan kung paano kayo nag umpisa dati beh hehe.
Mich: yon na ang pinakamasayang alaala na nagawa namin haha ?
Lily: hahaha. ?todamax na away eh
Naputol ang kanilang pag usap ng biglang tumawa si kisses.
Kisses: hahahahaha ???
Mich: haha sweety anong nangyari sayo dyan?
Lily: haha nakikinig siguro sa usapan natin.
Kisses: haha mama yook oh tumawa siya( doll)??
Lily: ah baka napindot mo ang tagiliran nya ?tatawa yan sya.
Kisses: opo ninang haha ?
Mich: hala! Oh ? tuwang tuwa sya.
Lily: haha grabe ang tawa nya oh.
Kisses: mama oh ikaw naman ??
Mich: akin na! Try ko.
Pinindot ni mich ang doll kaya tumawa ito.
Kisses: hahahaha mama tumawa tya uyit?
Mich: haha nakiliti pala sya.
Lily: haha ?parang sya nakilit eh.
Tawa ng tawa si kisses pag tumatawa ang manika .
Kisses: haha mama nakiyiti tya oh.?
Mich: haha ? oo nga eh .
Halos dalawang oras sila doon at maya maya dumating sina marc at badong .
Marc: kamusttttaaaa!?
Lily: ok lang !? nandito na pala sila beh oh.
Mich: magkasama pala kayo bhe ?
Marc: nagkita kami sa bayan kaya hinatid ko lang ang motor sa bahay at sumabay na sa kanya papunta dito.
Mich: ah kaya pala.
Badong: musta mich?
Mich: ok lang kuya?
Badong: mabuti naman ?
Marc: saan si kisses bhe?
Mich: ayon oh sa upuan haha?
Lily: di na kayo pinansin haha.
Marc: anong ginagawa nya?
Mich: pinapatulog ang doll nya na niregalo ni ate lily ?
Marc: aba! Kaya pala. ?
Dahan dahan lumapit si marc sa kanya at narinig pa nya itong kinakausap ang manika.
Kisses: you sleep na ha kati waya dito ang papa mo hehe. Close your eyes na hehe.
Marc: ano yan!
Nagulat siya sa boses ni Marc
Kisses: Papa wag ka ingay matuyog ang baby ko .?
Marc: hehe ganun ba ? ok sige patulogin mo sya dyan.
Hinayaan nalang muna syang mag laro kaya nagkwentuhan nalang muna sila hanggang sa malapit ng dumilim.
Marc: uwi na kami tol .
Badong: sige . Ayaw nyo naman kumain dito?
Marc: sa susunod na haha . Kasi nagluto pala si ate tes ng hapunan .
Mich: next time nalang kuya .
Badong: ok sige walang problema
Lily: punta ako sa inyo beh ha.
Mich: sige ate .
Marc: sige na alis na kami.
Kisses: bye ninang hehe.
Lily: bye ?? cute mo talaga.
Marc: sige tol bukas magkita tayo ulit.
Badong : ok sige, isama mo na si greg ha.
Marc: sige sinabihan ko na sya kanina.
Badong: sige ingat kayo.
Mich: ate alis na kami.
Lily: sige beh. Mag ingat kayo.
Umuwi sila sa kanilang bahay samantalang si kisses hindi na binitawan ang kanyang manika.
.........
Sumunod na araw, umalis sila mike at sophia ngunit nagtataka siya kung bakit sa barko sila sumakay ni mike.
Sophia: ha! Bakit dito tayo sasakay?
Mike: para maiba naman ate. ? di naman tayo nagmamadali eh.
Sophia: boring kaya dito hehe.
Mike: boring kung ikaw lang mag isa eh magkasama naman tayo kaya ok lang di ba.
Sophia: sige na nga nandito na tayo eh.
Mike: maganda dito . Tsaka maraming pasahero oh.
Sophia: marami nga hindi naman natin kilala ang mga yan ?
Mike: haha eh di kilalanin.
Sophia: sira! ?
Mike: halika na pumasok na tayo.
Sophia: ok sige.
Pumasok na sila sa loob para makaayat na sila ng barko.
Kahit naboboringan si sophi tiniis nalang nya ito dahil kasama naman nya si mike.
Sophia: marami din pala ang sumasakay dito.
Mike: oo naman . Mas mura kasi dito kaya ang dami pasahero yon nga lang matagal. Pero gusto ko dito tayo sumakay para matagal tayo makarating doon ??
Sophia: hay naku mike? yan ka na naman.
Mike: bakit? Namiss kaya kita. Magtagal na tayong di nagdedate hehe.
Sophia: kaya dito mo ako pinasakay ganun?
Mike: oo naman! Nasa gitna tayo ng dagat mamaya o di ba. ?
Sophia: sana lang di ako maboring dito.
Mike:wag kang mag alala aaliwin kita ?.
Sophia: haha loko loko. Alam ko na yan sasayaw ka na para kang .......?
Mike: mwahhh???
Hinalikan sya ni mike kaya hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin
Sophia: sira ka talaga. Halika na nga! .
Mike: Halika na?. .
Umakyat sila sa barko at hinanap ang kanila higaan.
Sophia: ang laki naman pala sa loob nito hehe.
Mike: ngayon ka lang ba nakasakay dito?
Sophia: ngayon lang sa ganitong barko.
Mike: tamang tama pala ?
Sophia: hehe experience na rin .
Mike: kaya dapat masaya tayo dito.
Sophia: masaya naman ako .
Mike: mabuti naman. ?
Habang inaayos nila ang kanilang gamit tumunog ang cp ni Mike kaya lumabas siya upang kausapin muna ang tumawag.
Mike: hello! Arlyn.
Arlyn: nasaan ka ba?
Hindi nakasagot si Mike at kinancel nya agad dahil sumunod si sophia sa kanya.
Sophia: kuya mag cr muna ako ha.
Mike: ok sige samahan na kita.
Sophia: wag na! Kasi walang magbabantay sa gamit natin.
Mike: ok sige. Magtanong ka nalang sa crew kung saan ang cr.
Sophia: sige ako na ang bahala.
Umalis si sophia kaya tinawagan ulit ni mike si Arlyn ngunit lingid sa kaalaman nya nagdududa na si sophia sa kanyang mga kinikilos .
Ooooooooooooppppppppsssssss??!!!
ITUTULOY...