I thought this eyes was a blessing.
I remembered my Papa who is always asking me what will happen next in the future using the other people. Mga kasambahay namin, katulong, at mga kaibigan nito. Parang naglalaro lang kami noon ng ama 'ko sa tuwing nakakakita ako ng hinaharap.
I never seen something worst, doon lang talaga sa batang 'yon.
Simula nang mamatay ang aking magulang, I never tried to use my ability ever again because helping one another to get away from their future have a consequnce. Hindi pwedeng tatakbo ang isa... siguradong mayroong maapektuhan.
Just like what happened to my parents. Walang natagpuang bata 'don. I waited for the news for years. Ilang beses 'kong binasa. Pero walang nakita na katawan na bata. I keep waiting for the dead body and somehow, I think that could help me.
Pero wala... Walang nangyari. Walang namatay. I guess I did really saved the boy, at ang kapalit noon ay ang magulang 'ko.
Is that boy... is thankful... at least.
Or the killers are just good to their jobs, at walang nakakita ng katawan ng batang pinatay nila.
Tinignan 'ko si Anaiz. My cousin and I have a huge difference. She is confident, fierce and full of sense. She is also intelligent. Smart. She has it all.
Pero ang hindi 'ko maintindihan, bakit siya natutuwa pag nasa alanganing sitwasyon ako? Pag nahihirapan ako? Hindi ba ay dapat tulungan niya ako?
Pamilya 'ko naman sila.. Bakit nila pinapahirapan ng sobra ang buhay 'ko?
"Anaiz..." I called her while playing with my hands. She is just humming a song and she looks very vibrant and happy.
It's opposite to mine. I hope I can get a life like that. Where I can see myself smiling and humming a song. Napahinto ito sa pagdidilig ng halaman at nilingon ako.
"What?"
"Bakit pangalan 'ko ang nakalagay sa sulat?" I asked her directly.
She tilted her head then smiled, "Ayaw mo ba noon? Ayaw mo kay Matias?"
"Ayoko..."
Bumalik ito sa pagdidilig ng halaman niya. She chuckled then shook her head.
"Hindi naman kita pinapapili," she chuckled while shaking her head.
"Bakit mo naman g-ginawa 'yon? Akala k-ko..."
She looked at me in disbelief. Umiwas ako ng tingin dito.
"Akala mo? Gusto ko si Matias? Nah. Not my cup of tea," she giggled. "Kilala mo naman ang gusto 'ko."
Napayuko ako... Si Dalton ba talaga ang gusto nito?
"Ayoko niyang paglapit mo kay Dalton..."
"Bakit naman? Mag kaibigan--"
Muli itong tumawa at aksidente niyang natapat ang hose sa'kin. Mabilis naman akong umiwas habang siya naman ay napasinghap sa inis.
"Alam mo, you should know your place," itinapat nito ang hose sa'kin kaya't muli akong napaatras, umiiwas sa tubig. "Ganyan. Ganyan kalayo. Lumayo ka kay Dalton kung ayaw mong ipahiya kita ulit. Naiintindihan mo?"
I teared up, "A-Ano ba'ng kasalanan 'ko? Wala naman akong g-ginawa sa'yo--"
"Walang ginawa? You're trying to steal things away from me!" She hissed. Muli nitong tinutok ang tubig sa'kin at tumapat iyon sa mukha 'ko. Nabasa na ang buong katawan 'ko.
Steal things away from her...
"You're just a cunning b***h that I hated! Stop acting like that... na parang kawawa just to get some attention! What a pathetic b***h!" Sigaw pa nito sa'kin at binato ang hose ng tubig.
"H-Hindi 'ko sinasadya.. I am not stealing--"
"Niloloko mo ba ako? Stay away from Dalton! Hindi ikaw ang tipo niya!" She roared. Hinila nito ang buhok 'ko. Napapikit naman ako sa ginawa niya. "Huwag mo abusuhin ang trabaho ni Dalton, you pathetic child!"
Napayuko naman ako. She always say that I am stealing things away from her...
Hindi ba niya nakikita na wala akong ninanakaw sakanya?
Walang-wala ako ngayon.
I started to cry while doing the garden. Nagkalat ang putik dahil sa nangyari kanina. I just clean it to distract me from self-destruction and crying harder.
"Oh, saan ka nanggaling anak?" Tawag sa'kin ni Tito. Mukhang nagulat ito sa ayos 'ko. "Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" He shook his head.
Napahinto naman ako ng maalala ang sinabi ni Anaiz. Na nagpapaawa ako just to get some attention.
Napayuko ako at tinignan si Tito. Nag-aalala nga ito... dahil mukha akong kawawa.
I chuckled on him. "Tito napag-tripan ko lang yung mga halaman," I explained.
"You look worst. Halika dito--"
"Okay lang po ako..." I explained myself again. Kumunot lang ang noo nito at umiling.
"Iris, is there a problem?"
"W-Wala po!" Nagulat ako sa tanong nito. May problema ba?
Sa sobrang dami ng problema... ay hindi 'ko na alam ang sasabihin. Hindi 'ko alam kung paano sisimulan..
"What? Is there a problem, Agatha Iris?"
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Tita sa likod nito. Bigla akong napaatras. I hope Tita won't get it wrong... Hindi ako nagsusumbong...
"W-Wala po.." Napayuko ako.
"You're scaring her," suway ni Tito sa asawa.
"Wala pa akong ginagawa," Naramdaman 'ko ang simangot ni Tita sa tono ng boses niya. "Let's go, iwan mo na diyan si Iris..."
"Rosario.."
"How's your campaign?" I heard Tita walked away. Mukhang may pag-uusapan sila patungkol sa politika.
I heard Tito sighed, "Politika talaga ang bungad sa'kin ano?" He laughed.
Tumango ako at ngumiti.
"O siya, Iris. Kakausapin 'ko pa si Rosario... Kumain ka ha."
"Yes po.. Salamat," I bid my goodbye.
Tumango ito bago tuluyang umalis sa harap 'ko. Kinakabahan pa rin ako dahil sa tingin sa'kin ni Tita kanina. Mukhang masisigawan ako ulit pag umalis si Tito. Pero sana ay hindi siya umalis ngayon... Para kahit papaano ay hindi bumigat ang pakiramdam 'ko.
Habang kumakain sa hapagkainan ay purong politika lang ang sinasabi ni Tita. Habang si Tito naman ay napapailing na lang sa pinagsasasabi nito.
"You want a higher position than that? You're already in the congress... Delikado ang mas mataas na posisyon, Rosario."
"Well, pwede na ako sa mataas na posisyon. Ikaw ba? Hanggang ilang araw mo babalakin magpaka-doctor sa iba't-ibang bansa? Mabango na ang pangalan mo dito. You can run as a mayor here... Stop acting like a charity..."
Tinignan 'ko si Anaiz na pinaglalaruan lang ang pagkain niya.
Tinignan 'ko si Tito at Tita na nagtatalo ulit.
Napailing ako at yumuko... I guess this is the unfortunate part for Anaiz...
Nang makarating sa eskwelahan ay hindi na ako nagulat ng pagtinginan ng lahat. Nakakahiya naman talaga ang ginawa 'ko.
Ilang beses akong tumanggi na hindi ako ang nagbigay ng sulat na 'yon... But I guess, walang maniniwala sa'kin.
Nagulat ako ng may bumangga sa'king babae.
"S-Sorry," I apologize immediately then was about to runaway but she hold my arms.
Natural na napapikit ako sa ginawa nito.
"Why? A-Anong kailangan n-niyo?" Sinubukan 'kong kumawala sakanya pero lalong humigpit ang hawak nito sa balikat 'ko.
"Senior high ka talaga huh..." nararamdaman 'ko ang masamang titig nito sa'kin.
"A-Ano..?" Wala namang sumusugod sa'kin ng ganito...
"Stay away from Matias. Ah. Kahit hindi ka na lumayo. Hindi ka naman nila mapapansin," she teased me before pushing my hand out.
Kumunot ang noo 'ko sa nangyari. Matias? That Alejandro Matias?
Hindi 'ko inaasahan na magiging malaki pala ng parte sa buhay 'ko ang sulat na iniabot sa lalaking 'yon.
"Is that the senior high school girl who confessed to Matias?"
Iyan ang naririnig 'ko sa tuwing dumadaan sa mga pasilyo. They are calling me a 'girl' and the name next to it is 'Matias'.
Hindi 'ko nagustuhan iyon. Mas lalo lang napunta sa'kin ang atensyon ng lahat.
Natatawang tumingin sa'kin si Anaiz. Nandito siya ngayon sa kwarto. She is scrolling the social media. Laughing so hard.
"You're so famous in our secret file! Akalain mo 'yon?"
Napayuko ako at tinignan ang mga komento sa'kin. Weird girl. Creepy girl. The nerd.
Napahinto ako sa pag-scroll ng makita ang isang comment. My heart ached a bit. Sumakit iyon dahil sa hiya at kaba.
Hindi ba anak 'yan nong dating gobernador na nag-suicide kasi maraming kaso? hahahahah
I bit my lip then looked at my cousin Anaiz. Siya ang may dahilan nito but she's having fun of it. Tuwang tuwa ito.
Tinignan 'ko ulit ang sinabi noong nag-comment. Maraming nagtawanan doon.
They are so rude... How can they laugh at someone's pain? Paano nila kinakaya pagtawanan ang trahedya sa isang tao?
"Anaiz this is not fun..."
Pinipigilan 'ko ang sarili na lumuha ng tuluyan. I can't cry in front of her. It will piss her off.
"At bakit?" Kahit hindi nakikita ang ekspresyon nito, alam 'kong nawala ang ngiti ng aking pinsan sa sinabi.
"Ayoko ng ganito... Pwede ba'ng sabihin mo na lang na napagkatuwaan natin—"
"Now you're suggesting huh?" Tinulak nito ang noo 'ko. "Bakit hindi ka na lang magpa-salamat sa'kin? I am making you famous," she spat.
Umiling ako, "I don't want to be famous. Gusto 'ko lang ng tahimik na buhay—"
"Oh? Ayaw mo maging sikat? Bago 'yon huh," she is giggling.
Hindi niya talaga sineseryoso lahat ng sinasabi 'ko.
I pinched my fingers again. Diniinan 'ko iyon para may maramdaman bukod sa talas ng pagsasalita ni Anaiz.
"Stop being so dramatic, Iris. Gusto mo rin 'to. Ang plastik mo talagang tao," aniya.
Naramdaman 'kong tumayo na ito. She groaned in annoyance.
"Stop being so maarte, Iris. Bakit ayaw mo kay Matias? Sinong gusto mo? Si Dalton?" Halakhak niya.
Bigla akong napatigil ng dumugo ang daliri 'ko... May sugat na naman.
"Hindi mo ba naiisip na ang cringe para sakanya kasi nagliligtas siya ng weirdo na bata? Hay nako, Iris. Ayusin mo muna ang buhay mo!" Sabi nito habang papalabas.
"Sugat na..." I stared at the wound. It's bleeding.
Pero mas masakit talaga ang nararamdaman 'ko sa loob. I can't feel the wound. But I felt how my heart throb inside. Parang pinpiga iyon. My head is telling me a lot.
I bit my lip. Bakit ba nila ako ginaganito?
Napatingin ako sa pintuan. Ano bang kasalanan 'ko kay Anaiz?
Kinabukasan ay kasabay 'ko si Anaiz papasok sa eskwelahan. Everyone knows that I am an orphan. Alam nilang lahat na pinatuloy ako sakanila. Kinupkop. Inalagaan.
Ngumisi si Anaiz, "Una na ako."
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. I am still playing with my hands. I am trying to distract myself to their heavy stares.
Nagulat ako ng may humarang sa'king daan.
Napaatras ako at tumalikod. But someone grabbed my arms. I jolted in surprised. Who is this?
"You. Ikaw ang lumapit sa'kin para mag bigay ng love letter, di'ba?"
Bigla akong napaisip.
Matias?
"Oo Mat. Siya 'yon. Yung kulay bangkay tapos nakatabon ang buhok sa mukha," another man described me.
"Gusto ka ba ni Dalton?"
Napaangat ako ng tingin dahil sa gulat. Saglit 'kong natitigan ang matalas nitong tingin. I was dazed for a moment.
Pero nang makita 'ko ang hinaharap nito ay bigla 'ko siyang tinulak palayo. I spank his hands to get away from him.
"H-Huwag mo akong hahawakan!" I hissed to him before running away.
Kinabahan ako sa nakita. I saw a dark place and he is standing there. Bleeding.
Iyon ang gusto 'kong huling makita. Dugo at pagdurusa.
That man is not normal. I need to stay away from him before I get to know a lot. I can't help... I can't get curious...
Nagtago ako saglit sa isang puno at kinalma ang sarili. My heart is thumping then I remembered a loud shot. Tunog ng baril.
Parehong-pareho sa tunog ng baril.. bago mawala sila Ma....
Hinawakan 'ko ang aking tenga at tinabunan iyon. I saw the blood in my head that made me cry harder.
"Please make it stop... Ayoko na. Ano bang kasalanan 'ko?"
Kinuskos 'ko ang tenga na para bang makakatulong iyon sa pagtakas sa masaklap na memorya. Pero lalo lang lumakas. The loud bang is repeating inside my head. The blood of my parents are scattered everywhere.
Nagulat ako ng may humila sa kamay 'ko.
"Ano bang tinatakbo mo? Puta ang arte—"
Yumuko ako at pilit na kumakawala sakanya...
"A-Ano ba... U-Umalis ka... sorry s-sa nangyari... Hindi 'ko kasalanan..." I pleaded to him.
Yumuko ako at pinupunasan ang luha.
"What the f**k?" Iyon lang ang narinig 'ko sakanya.
Tumango ako, "Sorry!"
I bit my lip harder to stop it from trembling.
"Why are you so stiff? Hindi kita sasapakin—"
Tumango ako at sinubukang hilahin ang kamay 'ko sakanya. Pero wala. Hawak niya iyon ng mahigpit.
"Why are you closing your eyes that hard? Anong meron?"
Naramdaman 'ko ang hininga nito sa ilong 'ko.
Bigla akong natigilan. My mind went blank. Malapit siya... Mas lalong dapat hindi 'ko buksan ang mata 'ko.
"Do I look awful? Hindi ba gusto mo ako—"
"Pakawalan mo ako," I plea. Mabilis akong lumuhod sa harap nito.
Mukhang nagulat ito dahil bigla niyang binitawan ang kamay 'ko. Niyakap 'ko ang sarili at sinubsob ang mukha sa tuhod.
"Ang arte mo," komento niya.
Sanay na ako sa ganon. Si Anaiz. Ganon si Anaiz. Si Tita. Ang mga taong nagpapahirap sa buhay 'ko.
Sa tingin 'ko, ganon din ang lalaking 'to. Pagkatapos noon ay umalis na siya agad. I am pinching my fingers to wake myself up.
Kahit natatakot ay kailangan 'ko ng umalis sa likod ng puno. I already skipped two classes... and I am stupid to do an absent. Hindi pwede.
Mas lalo akong kinabahan maraming tao ang tumititig sa'kin sa paglalakad 'ko. Nagtatawanan. Naghahalo ang sinasabi nila.
Pero naririnig 'ko ang pangalang Matias.
"Hoy!"
Pagpasok 'ko pa lang ay lumapit na agad ang mga kaklase 'ko sa'kin. Yumuko naman ako at umiwas.
"May taglay na landi ka talaga! Di ba si Dalton ang gusto mo? Bakit biglang si Matias?"
May umakbay sa'kin at iniipit pa ang leeg 'ko habang tumatawa.
"Ayos 'yan ha, malaki ang bingwit. Isang Genovese!" Halakhak pa niya.
Genovese?
"Teh, anong laman ng love letter mo? Did you threatened Matias?"
"H-Hindi 'ko alam..."
Hindi 'ko rin naman tinignan. At ano bang sinasabi nila? Halos mamatay na ako sa kaba dahil sa kagagawan ng lalaking iyon?
"Hindi alam? Sus ano nga! Anong sekreto! Ang damot! Hati ta'yo kay Matias—"
"Nasaan si Iris?"
I stilled. Anong ginagawa ni Dalton dito?