KABANATA 4

2436 Words
Everyone never looked at me the way Dalton did. Puno ng pag-aalala lagi ang mga mata nito, maybe that's why I am looking and thinking of him everyday. "Anong ginawa sa'yo ni Matias? I heard he pulled you or something. Sinundan ka pa niya...." He softly asked me. Nag-aalala.  Walang nagtanong sa'kin ng kahit sino kung ayos lang ako. Anong nangyari sa araw 'ko. But when I met Dalton— nag-iba ang tingin 'ko sa araw-araw 'kong pamumuhay kahit konti. Usually when I am talking to Dalton—I felt light and shy. Pero nang maalala ang sinabi ni Anaiz sa'kin ay bigla akong nanlambot. Hindi naman ako nagpapaawa kahit kanino... Umiwas ako ng tingin kay Dalton at napayuko. Nakakahiya, siguro ay naabala 'ko na si Dalton. Responsibilidad niya ang panatilihin ang kaayusan dito... Sino ba naman ang niloloko 'ko... "Ayos lang ako..." I muttered. Hindi 'ko makita ang reaksyon ng mukha nito dahil nakayuko ako. I pinched myself. "Hanggang kailan mo ba titiisin ang lahat ng 'to? You should call the authority, Iris." Umiling ako sakanya ng ilang beses. Magsumbong... tapos ay walang mangyayari. Tita will hate me for calling her in school. Sasabihin nito ay binibigyan 'ko siya ng sa'kit sa ulo Everyone will start to call me names again. Sumbungera. The dean can't do anything because the students are more powerful than them. I mean, the students parents who bully me. Mga may kapit. Mga malalakas. Ako? Ano ba naman ang bansag sa'kin dito? Isang anak ng magnanakaw. A child of a pathetic criminal. Anak ng sinungaling na gobernador. Ampon sa sikat na pamilya. Pabigat. There is a lot of names. Lahat ng 'yon ay sanay 'ko ng marinig. Saglit 'kong tinignan si Dalton. He looks very serious and concerned. Umiwas ulit ako at umiling sakanya. "Hindi mo kailangan mag-alala masyado... Sanay na po ako dito," bulong 'ko sakanya. Talagang naawa ang mata nito sa'kin. Anaiz was right. I am bothering Dalton for being a pathetic girl. "Anong sanay? That's very unfair for you. You need to seek guidance—" Natawa ako. Hindi 'ko iyon sinasadya kaya napatakip ako ng bibig. Napangiti ako ng masaklap dahil sa sinabi nito. Guidance? "The guidance asked me... a different question..." Nanghihinang bulong 'ko sakanya. "Gustong-gusto 'ko. Pero malapit na ang botohan... Ayoko masira ang reputasyon ni Tita..." Ayokong pumunta sa mga psychiatrist or sa guidance ng eskwelahan. The guidance asked me a cruel question. Samantalang hindi ako pwede magpa-therapy dahil... may campaign ngayon sila Tito at Tita. They are keeping the records clean because they wanted a higher position. "Iris..." Palag ni Dalton. He sounds very frustrated. Hindi ako sumagot. Mukha lang siguro akong bata na matigas ang ulo. Pero ang kailangan 'ko lang ngayon ay manahimik muna... at tiisin. Nakita 'kong bumagsak ang balikat nito. He sighed then breathe in. Halatang mapipilitan sa sasabihin niya. "Iris, fine. Hindi kita pipilitin," he announced. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi na din niya dapat gawing big deal ang nangyayari sa'kin... Kung naawa siya... "Salamat..." "Wait..." Napahinto ako ng muli niyang hawakan ang braso 'ko. I keep my eyes on the floor waiting for him to talk, but he didn't said any words... "A-Ano?" Huminga ito ng malalim, "Sabihin mo sa'kin kung ginugulo ka ng Matias na 'yon." Tumango ako. Matias... I need to stay away from that man. Mukhang malaking gulo lang ang gagawin nito sa buhay 'ko. Kahit hindi i-utos ni Dalton ay talagang lalayuan 'ko ang magulong 'yon. Mukhang magiging dagdag pasanin pa siya. "I added you on f*******:," he opened another topic. I am surprised for a bit. Naalala 'ko na pinindot ni Anaiz ang delete request... Bigla akong namula. "You cancelled it?" Tanong niya. Napansin niya pa iyon? Napalunok ako. Anong isasagot 'ko? That Anaiz cancelled it? But that will be for Dalton! "Iris," tawag nito sa'kin. Bigla akong nagising sa iniisip at tumango sakanya. "I misclicked..." "Misclicked?" Nagtatakang tanong nito. Tumango ako kay Dalton. Sana ay lumusot ang dahilan 'ko! "Fine... Add me." Napaangat ako ng tingin dahil sa gulat. Buti na lang ay hindi ako hawak nito kaya't hindi 'ko nakita ang future niya. Add him? "What?" Nagtatakang tanong nito sa'kin. "You need to add me... You need to contact me, lalo na't maraming nangbu-bully sa'yo." Ah... Dahil doon.. "Okay... I'll add you." "Great. I'll go now. I'll wait for your request," he run out. Habang ako naman ay saglit na natulala sa nangyari. Did Dalton just request himself to add him? For what? I bit my lip and stop myself from putting some malice about it. Walang malisya iyon. Siguro ay kailangan niya, para maging mabilis ang pagtawag 'ko dito. Paghingi ng tulong. I convinced myself.. That's right. Dapat ay hindi ako mag-isip ng kung ano. Masasaktan lang ako. Hindi 'rin ako hihingi ng tulong sakanya. Nakakahiya nga, gaya ng sabi ni Anaiz. I don't want to bother him like a child. Pagdating 'ko sa room ay nagtaka ako dahil hindi ako inasar ng karamihan. Nag-angat ako saglit ng tingin. May mga tao naman... Bakit hindi nila ako inaasar sa paghila sa'kin ni Dalton? That's new. "You're here!" Napatalon ako ng may humawak sa'king braso. Hinila ako nito at sinubukang silipin ang aking mukha. Agad akong napapikit ng ilapit ang mukha niya sa'kin! Mabuti at hindi kami nagka-salubong ng tingin! Ano na namang ginagawa ni Matias dito?! Anong kailangan niya sa'kin? Wala naman akong ginawang mali... He is chuckling in front of me. Tahimik lang ang paligid at siya ang tumatawa. I find it weird... Ako ba ang tinatawanan nito? "You're really something... I guess," he muttered in front of me. Hindi ako nagsalita at umatras. Palayo sakanya. Nararamdaman 'ko ang tingin sa'kin ng lahat. Tatapunan na naman nila ako ng tukso dahil dito. I didn't do anything wrong... Why Matias is in front of me... "Why are you closing your eyes that hard?" Naramdaman 'ko ang hininga nito sa'king ilong. Ganon ba siya kalapit?! My heart pounded. Bakit ang lapit niya masyado? Gusto 'man itulak ito palayo ay nanghihina ang kalamnan 'ko. Natatakot sa pwedeng gawin niya. "Hindi naman kita sasaktan. May klase ka pa?" Tumango ako ng ilang beses. May klase pa kami! I heard him sighed. "May klase pa kayo?" He asked my classmates, checking as if I am lying. I heard the others muttered yes. Ako naman ay hinayaan ang sarili na pumikit. I don't want to see his future! Not even a bit! "What a bummer. Can you cut class?" I stilled. Ano ba talaga ang kailangan sa'kin ng lalaking ito? "Hindi ba ay gusto mo naman ako?" Is he telling me to cut class because I like him? "Mr. Genovese, anong ginagawa mo sa klase 'ko?" Nakahinga ako ng kaunti ng marinig ang aming guro. I heard him chuckled. "Yow. Sir Galvez! Ayos, pwede maki-seat in—" "Get out, Genovese..." I heard Matias groaned. Hinawakan na naman nito ang balikat 'ko. "What a boomer, Iris. Hindi mo makikita ang ka-gwapuhan 'ko," he muttered on my ears. Nagtaasan ang balahibo 'ko sa ginawa niya. Kinabahan lalo. Tumawa ito at ng utusan ako ng aming teacher na umupo ay doon 'ko na-kumpirma na wala na siya. Ano ba ang problema ng lalaking iyon... Anong kailangan niya sa'kin? Do I need to tell Matias that it's not me who wrote the letter? Siguri ay nagustuhan niya ang gumawa ng letter. That's Anaiz I guess. It's not me... I need to stay away from him. He's dangerous for me! I saw blood in his future... At ayoko ng malaman ang iba pa doon dahil... tutulungan 'ko siya. Wala akong gana kaya hindi ako pumunta sa field para kumain. I stayed in the room and finished some assignments. Hindi pa ako sigurado sa iba... Nagulat ako ng may tumabig sa sinusulatan 'ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang magandang babae. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, bata?" She spat on me fiercely. Umiwas ako ng tingin... Did I do something wrong? She seems very familiar too—Right! Siya iyong nakasalubong 'ko sa daan! Is she talking about Matias? "Can we talk for a minute? Kanina pa kita hinihintay. Hindi ba't masama ang tumanggi sa kanina pa naghihintay sa'yo?" Wala akong nagawa kung hindi tumango. She is right. That will be rude so I go with her. Dinala lang ako nito sa likod ng hagdan sa floor. "Pinuntahan ka ni Matias dito?" Nagdalawang isip ako kung sasagutin siya. Panigurado ay magagalit na naman ang babae... Hindi 'ko naman ginustong mapapansin... Matias walk himself in our room! "Opo..." I feel intimidated. Bigla itong natawa, "Opo? Tapos papatol ka sa kasing edad 'ko?!" She roared on me. I pinched myself. Hindi nila ako sasaktan... Nasa eskwelahan ako. "Hindi naman. Siya ang pumunta sa room namin—" "Ano? Sinasabi mo bang parang si Matias pa ang may gusto sa'yo?" Lalo akong kinabahan sa sinabi nito. Hindi iyon ang pinupunto 'ko! "Hindi... Hindi 'ko po alam ang sadya niya sa'kin!" Mariin akong napailing. "Sabi nila isa 'kang weirdo," singhal nito sa'kin. "Kinulam mo ba si Matias?" Nagtawanan ang kasama niya sa tanong nito. Sinabihan pa nila ang babae sa harap 'ko na baliw siya. "Girl, naniniwala ka pa rin sa kulam? Anong petsa na," the girl giggled. Hindi 'ko maiwasang kabahan dahil malapit na mag-umpisa ang klase pero hindi pa rin sila tapos magsalita. I really need to go... Baka mahuli ako sa klase. Titignan ako ng lahat pag na-late. "Miracle," someone called. That voice... That's Matias! Hindi ako sigurado doon dahil sa sahig ako nakatingin. "Oh.. Matias," ang babaeng nasa harap 'ko. So her name is Miracle. Saglit 'kong tinignan ito. She is really a beauty. Matapang ang mukha nito. She is just wearing a red lipstick. Nothing more, but still she manage to stand out. Matangkad ito and her body is fully developed like Anaiz. Napatingin ako sa sarili at nanliit. Oh why am I comparing my body to her... Nagulat ako ng may humila sa'kin. My heart started to thump hard. Ano na naman ba ang balak niya... "Anong ginagawa mo sakanya?" Biglang natawa ang babae sa harap 'ko. "Is this really serious? Ano mo ba ang babaeng 'yan?" "It's none of your business," Matias lowly growled to Miracle. I heard Miracle groaned. "Sa susunod na makita kita kasama si Iris..." Matias threatened. Bigla akong nanlamig doon. Mas lalo akong mapapahamak sa ginagawa niya. Hindi naman niya kailangan ipagtanggol ako! People will get this wrong! Miracle squealed, "Wala naman akong ginagawa sakanya! You're over reacting, Matias! Did you reciprocate her feelings already?" "Anong reciprocate? Umalis ka na nga. Kung ano-ano ang sinasabi mo—" "Matias, sumabay ka na sa'min—" "Ayoko. Kakausapin 'ko pa 'to." Ano? Mag-uusap pa kami? Ano naman ang pag-uusapan namin at bakit wala akong ideya! Narinig 'ko pa ang matinis na singhal ni Mira bago tuluyang umalis. Nanlalamig naman ang kamay 'ko sa nangyari. Hindi 'ko rin napansin na pinipigilan 'ko ang paghinga. "Yow, are you okay?" Sinisilip ni Matias ang mukha 'ko. Bigla naman akong lumayo at pilit na hinila ang kamay sakanya. "B-Bakit mo g-ginawa 'yon..." Mahinang bulong 'ko. "Hmm? What?" "Hindi mo ako kailangang ipagtanggol..." Hindi sumagot si Matias. Napalunok ako at muling umatras palayo sa lalaki. "Hindi naman talaga ako ang nagbigay ng letter," simula 'ko sakanya. "S-Sorry po... Hindi 'ko alam kung maniniwala ka s-sakin.. Pero ano... nautusan lang ako," I tried to explain. Narinig 'ko ang pagsinghap nito. "Hay..." Unti-unti itong lumapit sa'kin. He sounded problematic after that. Siguro ay na-realize nito na hindi ako ang sumulat. Baka na-inlove talaga ito sa letter..? "Mukha bang may pakialam ako sa ganon?" I jolted when he told me that. "H-Huh?" Nanlaki ang mata 'ko. Mabuti na lang napigilan 'ko mag-angat ng tingin! This man always surprises me! Hindi 'ko alam kung ano ang susunod niyang sasabihin!  "Wala akong pakialam kung ikaw o hindi," Ramdam 'ko ang sarkastiko sa tono nito. Bigla naman akong naguluhan. Anong kailangan niya sa'kin kung ganon? I pinched my hands again to calm me down. Pero nagulat ako ng bigla niya 'yong abutin. "You're weird..." Tumango ako, "Oo. Kaya pwede ba ay layuan mo ako..."  Tumawa ulit ito. Medyo natakot na ako sakanya dahil kanina pa  ito tawa ng tawa... Pero sabagay, ganon naman talaga ang reaksyon sa'kin ng tao. Lagi nila akong tinatawanan. "Bakit naman kita lalayuan?"  Nagtaka ako sa tanong niya. Hindi pa ba obvious kung bakit? Wala naman siyang makukuha sa'kin... The bell started to ring. Kinabahan ako dahil doon. The class will start soon. Binitawan na niya ang kamay 'ko. "Magsisimula na ang klase mo," he said in a matter-of-fact tone. "May sasabihin pa naman sana ako sa'yo."  I feel pressured. Ano ang dapat na sabihin 'ko sakanya? May klase na ako... "Ano... ano ba 'yon?" "It will take long to explain. Baka ma-late ka pa."  I felt guilty because of the tone in his voice. Mukhang na-dismaya siya dahil hindi niya ito masabi.  "Ano..." Nahiya ako bigla. But I really need to go! "Oh.. How about this? Can I have your number..?" Mabilis akong tumango sakanya. He's right! Kung ano man ang sasabihin niya sa'kin ay pwede na lang niya akong tawagan. Ibinigay 'ko ang numero sakanya. He chuckled. Hindi 'ko na napansin iyon dahil nagmamadali ako. I handed his phone back.  Yumuko na ako at nagpaalam umalis. Mabuti na lang at hindi na nangulit pa ang lalaki. Ang hirap kausap noon. At isa pa, ano ba ang sasabihin nito? Natapos ang klase at nagmamadali akong umuwi. Hindi 'ko kasi bitbit ang phone 'ko. At isa pa, nasa akin ang sim card. Pinapakialamanan kasi ni Anaiz ang phone 'ko... Kaya hindi ako naglalagay ng personal na bagay roon. Sa baon 'kong pera, pinag-iipunan 'ko ang phone na gusto 'ko. Kahit magandang brand ang binigay sa'kin ni Tito, pinapakialamanan naman ni Anaiz. Hindi 'ko namalayan na dire-diretso ako sa silid at sinalpak ang sim card 'ko sa phone. I checked if there is some messages, pero wala naman... Akala 'ko ba ay may sasabihin ito? Napanguso ako at hinayaan pang lumipas ang isang oras. Hinihintay kung meron. Pero wala naman. Niloloko ba ako ng Matias na 'yon? Bigla akong napatalon sa gulat ng may tumatawag. It's an unknown number! Kinabahan ako. This is the first time that someone called me through their number! Nanginginig pa akong sinagot iyon. "H-Hello?" "Hey..." Malalim na boses ang sumagot sa'kin. Bigla akong napatingin sa number. Sino 'to? "M-Matias?" Siya lang naman ang pinagbigyan 'ko ng number... He chuckled... Yeah. This is him. That chuckle. "Yeah. It's me. Are you expecting someone?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD