KABANATA 5

2366 Words
I don't talk too much. Ayoko rin makipag-usap ng matagal dahil pwedeng makita 'ko ang hinaharap ng iba. Talking to the phone is new to me. Kinakabahan ako dahil ito ang first time na may tumawag sa'kin. It feels really weird at first. Pero this is more comfortable than talking personally. "H-Hindi..." Mabilis na sagot 'ko sakanya. He just hummed. "Okay. Save my number. Gotta go." Mabilis na paalam nito at ibinaba ang tawag. Nagulat naman ako sa bilis ng usapan. I am unconciously waiting for his call para malaman kung ano ang sasabihin nito, pero ibinaba niya ang tawag. Ganon ba talaga iyon? I saved his number in my sim. Siya lang ang nag-iisa dito. Iba pa kasi ang numero na tinatawagan nila Tito at Tita sa'kin. This is my personal and for verification purpose. Hindi ako pinatulog ng nais sabihin ni Matias. Siguro ay about sa letter iyon. Kinabukasan ay bahagyang tahimik ang buhay 'ko. What I mean is, no one is trying to pick at me. Walang nanigaw sa'kin o binibiro na naman ako gamit ng masasakit na salita. It was weird. Lunch na at pumunta ako sa likod ng puno kung saan ako laging kumakain. I am thinking about earlier... Hindi naman sa gusto 'kong may manakit sa'kin. But today is peaceful. Tumingala ako at tinignan ang itaas ng puno. Tumatagos ang araw ng kaunti doon. Inayos 'ko ang buhok papuntang likod at tumingala. Dinama 'ko ang init ng araw saglit. "You should do your hair like that," Bigla akong napamulat ng marinig ang boses ni Matias. Mabilis akong umayos ng upo at yumuko. "Bakit ka ba yumuyuko lagi?" Tawa nito. Nasa gilid 'ko ito at sinusubukan na naman akong silipin. "And why are you closing your eyes so much?" Nataranta ako bigla. Bakit ba laging nandito ang isang 'to? Importante ba talaga ang sasabihin niya? I also wanted to ask why he hung the phone immediately last night, pero nahihiya ako. Nagtaka ako ng hindi siya magsalita. "A-Ano.. bakit?" "What?" Walang ganang tanong nito. Nakasandal din siya sa puno. Ngayon na katabi 'ko lang si Matias, I got the chance to take a very closer look of him. Nakasimangot ito ngayon habang magkasalubong ang kilay.. Oh no. Hindi ganon. That is his normal face. Mukha itong masungit. "Anong ginagawa mo dito..?" "Bawal ba? Is this your place?" Takang tanong nito sa'kin at tinignan ako. Mabilis naman ako umiwas ng titig. "Hindi naman..." Niligpit 'ko na ang pagkain. He sounded very sarcastic and mad. Nakakatakot pala ang itsura nito, but he looks very nice. He's roughly handsome. "Saan ka pupunta?" "Tapos na ang lunch," I told him. Lumayo ako sakanya para hindi niya mahawakan. Gusto 'ko kasi tignan ang mukha niya. "Isang oras ang lunch huh." "Babalik na ako... Wala naman akong gagawin dito," gusto 'ko i-open ang sasabihin niya. Pero mukhang hindi naman niya tanda. "You are really something," he chuckled. Ngayon na nakita 'ko na ang ekspresyon niya habang tumatawa. He looks very sarcastic. I thought he's being friendly... "Ano b-ba ang sasabihin mo kagabi? Binaba mo ang tawag," I asked him. Nilingon ako nito. Mukhang nagulat. Sumunod noon ay natawa siya. "You really did buy that..." Halakhak nito. Napaiwas naman ako ng tingin... Anong ibig niyang sabihin doon? Tumayo ito at nag-stretch ng katawan. "I should see you when Dalton is around. It feels weird hanging out with you," aniya. Bigla naman akong nagulat sa sinabi nito. Feels weird hanging out? Si Dalton? Ano namang kinalaman ni Dalton dito? Tinalikuran ako nito at walang sinabi. Tuluyan na itong umalis. Samantalang ako naman ay nagtaka at bahagyang nahiya. Medyo umasa ako na itinuturin niya akong kaibigan or what... Natawa ako sa sarili at pinalo ang noo ng kaunti para magising. Silly me... Sino ba naman ang may gusto na makipag-kaibigan sa'kin? "Iris?" I jumped when someone poked me while going to my room. Narinig 'ko ang pagtawa ni Dalton. Nanlaki ang mata 'ko at umiwas ng tingin sakanya. Si Dalton, nandito! "A-Ano..?" Tanong 'ko pa. Nginitian ako nito, "Saan ka?" "Sa room..." "Samahan na kita? Doon din ang daan 'ko," aniya. Nagtaka naman ako. Iba ang building nito sa'kin. Nahihiya naman ako tanggihan ang alok nito kaya't tumango ako sakanya. "Bakit nga pala..?" "Hmm?" Lumingon ito sa'kin. Mabuti na lang at hindi ito kagaya ng iba na hawak ng hawak sa'kin. Dalton respects personal space and distance. Mabuti naman dahil natitigan 'ko ang mukha niya dahil doon. Bigka akong natigilan sa saya na nararamdaman 'ko ng maalala ang sinabi ni Anaiz. Gusto niya si Dalton... or she just hate me so much kaya't gusto niya ako paalisin sa tabi ni Dalton. Because I am weird. "Anong sadya mo dito..?" I asked him before facing the floor once again. Paano kasi, marami na naman ang nakatingin sa gawi namin. Siguro ay nagtataka na naman kung ano ang ginagawa ng isang Ignacio Dalton sa tabi 'ko. "You didn't sent me a friend request," maliit ang boses nito ng sabihin niya iyon. Natigilan naman ako sa paglalakad. Oo nga pala... Hindi 'ko ito na-add dahil kinakabahan ako sa pagtawag ni Matias kagabi. It slipped on my mind. "Hala... sorry," hingi 'ko ng tawad sakanya at yumuko. Nakakahiya. Talagang sumadya pa siya para sabihin lang 'yon. Hindi ito nagsakita at nanatiling nakamasid sa'kin. Hinihintay ang paliwanag 'ko. "Ano... Hindi 'ko dala ang phone 'ko," I started to tell him. Tumango naman ito at suminghap. "That's okay, Iris. I am just asking. Let me add you instead," Aniya. Nahihiyang tumango ako sakanya. Nakalimutan 'ko talaga na i-add si Dalton. Wala naman akong ginagawa kagabi, kung hindi hintayin ang tawag ni Matias! "Sorry talaga..." I apologize again. He just nodded, "Sure. Pero accept mo muna ako mamaya." Then he laughed. Napangiti naman ako, "Okay..." Sana ay hindi ako pakialamanan ni Anaiz mamaya. "Pumasok ka na sa room mo," he pointed the door. Mabilis naman akong tumango at pumasok roon. My heart is thumping fast as I realize our conversation. Ayoko sanang umasa at mag-isip ng kung ano. Pero pumunta ba talaga siya dito para sa friend request? May dinaanan iyon dito. I shouldn't think this way. It's making my heart fluttering. At sa tuwing masaya ang puso 'ko ay may kapalit iyon. Madalas ay naiinggit ako sa mga normal na tao. I looked very normal. But my eyes are the difference. Gusto 'kong maglakad ng tuwid ng hindi natatakot dahil makikita 'ko ang hinaharap nila. I wanted to laugh and hugged with friends. Play with them. Bond. I licked the ice cream while staring at the lively park. Gusto 'ko magduyan doon, pero maraming bata. Maraming nakangiti at masaya. This is very dramatic but I hate kids... They make my heart vulnerable. Isang araw ay ganito din ang araw na iyon. Hapon iyon. May nakabangga akong bata at aksidente 'kong nakita na masasagsaan siya anumang oras na iyon. Isang green na bus ang babangga ng malakas sakanya at tatagilid ang bus dahil doon. Magkakaroon ng apoy pero nakaligtas ang mga sakay. Hindi pa ako sanay pigilan ang sarili 'ko sa paghawak sa ibang tao at tingin. Kaya't nakikita 'ko pa rin ang iilan. Hindi 'ko napigilan ang sarili 'ko na hilahin ang bata at pigilan ito sa pagtawid ng limang segundo. "Miss ano ba? Anak 'ko 'to!" Pinagtitinginan na kami ng lahat. Hinahampas na ako ng nanay ng bata. Umiiyak na rin ang hawak 'ko pero he just need to stay. Bata pa lang siya. He didn't deserve to die! Naligtas 'ko nga ang bata doon. Nabitawan 'ko ang mag-ina dahil pinagtutulungan na ako. Sinasaktan na ako, pero natigilan kaming lahat ng may bus na wala sa preno. Dire-diretso iyon.. Ito ang bus na babangga sa bata. Nabalitaan 'ko na lang na... Bumaliktad iyon. At namatay ang lahat ng tao. May namatay na sanggol sa loob ng bus. Para lang sa isang buhay... kapalit noon ay mas mabigat. Lalo na kung kinakalaban mo ang hinaharap. Na-realize 'ko na hindi 'ko pinipigilan ang masasamang kapalaran sa isang tao. Pinapasa 'ko lang iyon sa ibang tao... kaya't mas mabuting ipikit 'ko na lang ang mata, kaysa maging mabigat ang kapalit... Ilang beses 'ko na sinabihan ang sarili na tama na ang pagligtas sa iba dahil masama ang balik noon sa mga nakapaligid... I am looking weird just because of my eyes. "Oh? Ito iyong trip ni Matias, hindi ba?" Nagulat ako ng may tumapik sa braso 'ko. Nabitawan 'ko ang ice cream dahil sa gulat. I was disoriented when a two man stand in front of me. Hindi naman nila ako hinahawakan kaya't tinignan 'ko sila saglit. Sino na naman ba 'to? "Ang nerbyosa naman nito, sure ka ito 'yon?" "Oo, men. Si Iris ka diba?" Tanong ng isa. Bigla akong napalunok. Sino sila? "Men yung ice cream, bayaran mo." Utos pa ng isa. "I'm sorry, Iris. Ito," Aniya at inabot ang isang daan para sa tig-sampung piso na ice cream. "U-Uh.. huwag na. Okay lang. Aalis na ako—" "Teka lang... Hindi ba ikaw yung trip ni Matias?" Nagdalawang isip ako kung sasabihin 'ko ba sakanila na hindi. Anong trip ba? Pinag-ttripan ba ako ni Matias? Bakit hindi 'ko alam? Trip? Like bullying? "Hindi niya ako binu-bully..." Sagot 'ko sakanila. Biglang natulala ang dalawa sa harap 'ko. Labis ang pagkagulat. I worried. Did I tell something wrong? They laugh their hearts out after that. Ang saya nila habang naghahampasan. Bigla akong napaatras. Things are getting weird. Hindi 'ko sila makuha. "No Iris..." "Men, hayaan mo na lang siya. Ewan 'ko doon kay Matias. Baka nasiraan lang ng bait," tawa ng isa. Tinignan ako nito at kumaway. "Alis na kami, Reese. Bye!" Bahagya akong nagulat. Reese? Habang naglalakad pauwi ay naalala 'ko na ang dalawang lalaki. Kaibigan iyon ni Matias. Kaklase niya! Nakakagulat naman na pati ang kaklase nito ay kilala ako... Nakakahiya. Hindi naman kami close noong Matias na 'yon... Pagkadating sa bahay ay bumungad sa'kin si Anaiz na masama ang tingin. "Anaiz.." Babati sana ako sakanya pero dinuro ako nito. "Ilang beses 'ko bang sasabihin sa'yo na lumayo ka kay Dalton?" She asked. "Hindi 'ko naman alam... Siya lang ang pumunta doon—" Humalakhak ito, "Bakit? Sino ka ba? Anong kailangan niya sa'yo?" she hissed at me. I want to tell her what Dalton said. Pero sa tingin 'ko ay hindi makakatulong iyon kaya't nanahimik na lang ako. "Ano!" Itinulak ako ni Anaiz. I tried my best to look at the floor. Focus, Iris. Huwag kang titingin sa mata niya. "Pwede ba ay tigilan mo ang pagpapaawa? Ang pangit ng ugali mo! Paawa, just to get a guy? At ano? Hindi ka pa makuntento? Gusto mo dalawa?" Kumunot ang noo 'ko sa sinabi niya. Hindi 'ko iyon naintindihan. Dalawa? "Pwede ba ayusin mo ang sarili ha? Teh, malapit na ang halalan! Nakakairita! Gusto pa nga tumuhog ng dalawa!" Iritang sigaw nito sa'kin, "Ano sa tingin mo, maganda ka? Tanga, mukha ka lang malandi na paawa! My god, Iris! Isusumbong 'ko kay Mommy ang ginagawa mo! Kaya hindi ka—" "Anaiz... Hindi kita maintindihan." Palag 'ko sakanya. Isusumbong niya ako kay Tita? Wala naman akong ginawa! Hindi pwede mag-sumbong si Anaiz ng kung ano dahil hindi ako papaniwalaan ni Tita sa anumang sasabihin 'ko... "Bakit? Hindi ba obvious? Tinutuhog mo ang dalawang college student? Seryoso ka ba?" Umiling ako sakanya, "Hindi totoo 'yan... Wala akong t-tinutuhog..." "Huh? Nagkalat na nga sa school na sinasamahan ka ni Dalton. Hindi kaya ay hinahabol ni Matias!" Sigaw nito ulit. Bigla akong natigilan. Si Matias na naman? "Hindi interesado sa'kin si Matias—" Namilog ang mata nito, "Sino lang? Si Dalton?" Halakhak nito. Hindi ganon ang ibig 'kong sabihin... Kailan ba niya ako papatapusin? "Hindi..." "Ikaw, ang ambisyosa mo 'no?" Napapikit ako ng hilahin niya ang buhok 'ko. "Nakakairita ka! Kung hindi ka papansin kay Daddy, kay Dalton naman? What a b***h you are!" Hinila 'ko ang aking buhok pabalik. Para maiwasan ang sakit sa hila niya. Hindi naman ganon. Gusto 'ko pa saja magsalita pero lalo lang mag-iinit ang ulo niya... I don't want that to happened. Mas lalo akong masasaktan. Matapos ang galit ay umakyat ito sa kwarto niya at nagkulong. Inayos 'ko naman ang sarili at pinigilang umiyak. I pinch my fingers once again. Para hindi mag-isip ng kung ano-ano. Para hindi dibdibin ang sinabi ni Anaiz. Sa sobrang desperado 'ko na ilipat ang sakit sa pisikal ay nasugatan 'ko na naman ang sarili. I bit my lip then calm down dahil sa sakit ng sugat. I am still alive. Masakit ang sugat... Mas masakit dapat ang sugat. Pinikit 'ko ang mata at pinunasan ang luha. Naghilamos ako at lumabas sa banyo na parang walang nangyari. Dahil sa pagsabunot ni Anaiz ay sumakit ang ulo 'ko at nakatulog. Nagising tuloy ako ng madaling araw ng gutom... Naghanap ako sa fridge ng tirang pagkain at ininit. Kumakain ako noon ng maalala 'ko ang pinag-awayan namin ni Anaiz. Dapat siguro ay lumayo ako kay Dalton... Iyon lagi ang sinasabi niya. Nagpunta lang naman si Dalton dahil sa friend request. Bigla akong natigilan ng maalala iyon. Friend request?! Kumaripas ako ng takbo paakyat at binuksan ang account sa phone. Mabuti na lang at nandito si Tito ngayon kaya nahahawakan 'ko tong cellphone! Nanginginig pa ako habang in-accept si Dalton. Siguro naman ay hindi na ako pupuntahan ni Dalton dahil na-accept 'ko na siya? I sighed. Sana nga. Hindi na ako natulog matapos iyon. Mabilis akong naligo at naunang pumasok. Madilim pa papasok ng eskwelahan. Nakarinig ako ng kalabog... Mga impit na salita at parang nasasaktan. Namutla ako. Ano 'yon? "Akin na nga," I heard a familiar voice. "W-Wala nga s-sakin M-Matias!" "P-Puta naman. Sabing akin na!" Gigil na sigaw nito. Kumaripas naman ako ng takbo papunta sa narinig at nakita si Matias na nakatayo, inaapakan ang dibdib ng kawawang lalaki. "Oh, si Reese!" Sabi noong lalaking nakasalubong 'ko sa daan kahapon! Napaatras ako ng makita ang galit na mukha ni Matias. "Anong tinitigin-tingin mo?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD