KABANATA 6

2394 Words
Napaatras ako sa pagbulyaw ni Matias. I pinch my hands once again to wake myself up. Para hindi umapaw ang takot. I thought he was a good guy. Tumawa ang kaibigan nito, "Mat that girl looks very horrified!" Sumimangot si Matias at tinignan ang kamay 'ko. Nagsalubong ang kilay nito at nag-angat ulit ng tingin sa'kin. Why is he glaring at me? Sasapakin ba ako nito? Akala 'ko ay masusuway 'ko siya. I was curious. I want to confirm if I heard Matias right. Mabuti at hindi ako hinabol nito. Anong ginagawa niya ng ganito kaaga sa school? Is the guy alright? Duguan na ito. Bakit walang pumipigil? Should I call the guard? The scenario gives me so much anxiety. Hindi 'ko alam ang gagawin ng ilang minuto hanggang sa nakita 'ko na lang ang araw. Dumadating na ang mga estudyante. I bit my lip hard. It's none of my business... Hindi 'ko dapat pinapakialamanan ang ginagawa ng iba. Should I tell it to Dalton? Naalala 'ko bigla ang gulo na nangyari noong una naming pagkikita ni Matias. Mukhang nagkaka-initan sila ni Dalton noon. I don't think that's a very good idea. How about the guy? Iyong binubugbog kanina? Bigla akong kinabahan. Matapos ang klase ay nakita 'ko na lang ang sarili 'ko na bumibili ng gamot. Ni hindi 'ko nga kilala ang lalaki... o saan ito hahanapin. Baka nga wala na ito sa school. Pinuntahan 'ko ang pinangyarihan ng bugbugan kanina. Gilid ito ng astronomy department. Wala namang masyadong tao dito at parang tambakan lang ng gamit. May lamesa at upuan. Nakita 'ko pa ang wasak na upuan... I flinched while thinking of possibility. Bakit ang daming wasak na upuan... Akala 'ko ay wala ng tao ron, pero biglang may humila sa kamay 'ko at napalingon ako sa gulat. Nakakunot ang noo ni Matias habang masama ang titig sa'kin. His lips are pressed and eyes were pissed. Napalunok ako at pumikit. Nakita 'ko saglit ang hinaharap nito. Madilim. Ilaw at dugo. Anong klaseng nilalang ang isang 'to at bakit purong ganon ang nakikita 'ko sakanya? Hinila 'ko ang kamay sakanya, mabuti na lang at pinakawalan niya agad! Hindi 'ko maiwasang tignan ang mukha nito. He looks very rough and dangerous—but I didn't expect him to be violent because he is talking to me! "Anong ginagawa mo dito?" He took a step forward kaya't napaatras ako. Nakakunot ang noo nito at bumaba ulit ang tingin sa kamay 'ko. Itinago 'ko sa likod ang dalang papel na may lamang gamot sa sugat at kung ano pa. Mabilis itong lumapit at hinawakan ako. Napapikit ako. Marahas niyang hinila ang paper bag sa'kin. Napamulat ako ng marinig siyang tumawa. "Talaga bang gagamutin mo ang hayop na 'yon?" He chuckled while shaking his head. I was disappointed for a bit because it's the same chuckle that he's giving me whenever we are talking. It was sarcastic. Naniwala talaga ako na bukod kay Dalton, may iba pang tao na normal lang akong ituturin. Napaiwas ako ng tingin ng tignan niya ako. Hinila ako nito na ikinagulat 'ko. My heart started to thump. "Hindi mo nga magamot ang sarili mo," tawa nito sa'kin. Bigla akong natigilan sa sinabi nito.. Hindi magamot ang sarili 'ko? Now that he tell me that, napatingin ako sa mga daliri ng kamay 'ko. Puno iyon ng tuyong sugat at marka. Hindi nga napapansin ng iba ito. Paano niya nakita? Hinila ako nito sa isang gilid. "A-Ano..." Nagulat ako ng hinawakan niya ang beywang 'ko ng walang pasabi at ini-angat sa isang lumang lamesa. I felt my face turn to red and heart.. is started to thump because of... his bold move. Tinignan 'ko ang hita at iniwasan ang mata niya. Anong balak niyang gawin? "Pupunta ka dito tapos ganyan ka?" Aniya at itinapon sa hita 'ko ang paper bag. Bukas na iyon. Anong gagawin niya sa'kin? Nagulat ako ng hinila nito ang aking kamay at binuhusan ng alcohol. Napatuwid ako ng upo dahil sa sakit noon. Pero hindi 'ko sinabi sakanya. "Paano kung may iba pang tao dito, huh?" Ibinato nito ang alcohol sa gilid 'ko. Kinuha nito ang ointment gamit ng isang kamay. Hawak pa rin niya ako. "Huwag ka masyadong mangialam," aniya habang ginagamot ang mga sugat 'ko sa kamay. Napalunok ako at tumango. Tama siya... Hindi dapat ako mangialam. Alam na alam 'ko kung bakit hindi dapat ako mangialam. Hinila pa nito ang isa 'kong kamay at ginamot rin. It was a rough aiding. Masakit pero hindi 'ko masyadong napapansin dahil sa kaba. "Stop pinching yourself like this," tinapos na nito ang paggamot sa'kin at inihagis ang mga gamot na binili 'ko. "Huwag kang mangingialam sa susunod." I nodded. He sighed and did nothing. Inilagay nito ang magkabilang kamay sa bulsa at akmang aalis na. "S-Salamat," hindi 'ko napigilang sabihin. He just chuckled and continue to walk again... Tinignan 'ko ang kamay na ginamot niya. Ayoko sana talagang mangialam. But I am starting to get curious... who really is he? Hindi 'ko maintindihan ang ugali nito. I don't know how to approach him. Should I get scared because of what I see? Or I shouldn't because of how he taken care of my wounds? Pumunta ako sa likod ng puno para saglit na kumain. Naging tahimik ulit ang araw 'ko sa eskwelahan. No one started to tease me or what. Hindi 'ko rin nakita si Dalton ngayon... na nakakalungkot pero ayos na rin. At least, Anaiz won't get mad once again. Pagka-uwi ay nagulat ako ng naroon si Tito. I waved to him and greeted. "How's school, Iris?" "Uh..." Hindi 'ko alam ang isasagot. Ano ba ang ibig sabihin nito? The grades? The people? Or how do I handle it? Sasagot na sana ako na hindi okay pero may nagsalita. "You better get a good grades, Iris!" Biglang dumating si Tita sa likod 'ko. Biglang natawa si Anaiz na nasa harapan 'ko. Nakataas ang kilay. "Binagsak niya kaya 'yong periodical test," halakhak pa nito. Nabura ang ngiti ni Tito at biglang sumama ang tingin ni Tita. I didn't expect that Anaiz would tell that to them! Sabi nito ay hindi niya sasabihin... I guess... "What? Again?" "That's okay, Rosa. Iris is still young. It's okay," tango pa ni Tito. "Kaya lumalaking bobo ang babaeng 'yan e!" Sigaw ni Tita sa'kin. I was about to pinch myself again pero napahinto nang makita ang kamay 'ko na may mga gamot. Naalaka 'ko ang sinabi ni Matias... "Rosa!" Tito roared to her wife. "Stop being harsh! You two, go up!" Sigaw sa'min ni Tito. I jumped when Anaiz pull me. "Pasikat ka talaga 'no? Gustong-gusto mong pinag-aaway ang magulang 'ko," bulong nito sa'kin habang bumabaon ang kuko niya sa braso 'ko. "H-Hindi..." "Anong hindi? Tignan mo ang ginawa mo!" She hissed. Hindi 'ko naman ginusto ito... Badtrip din 'ata si Anaiz at hindi ako inaway ng masyado. She just stormed in her room. Bigla akong napatingin sa baba at tinignan ang nagsisigawang sila Tito at Tita. Kasalanan 'ko na naman... Napahinto ako sa pag-scroll ng makita na may message sa'kin si Dalton sa messenger! Bigla akong napatuwid ng upo at tinignan ang pintuan. Hindi naman siguro papasok si Anaiz dito. I opened the message. Dalton: Thanks for accepting! After a long time haha. Dalton: Ginugulo ka ba ni Matias? Dalton: I don't really see you at caft. Where do you eat? Napanganga ako sa mga tanong nito. I replied to him: Nagkita kami ni Matias kanina... Hindi naman niya ako ginugulo. Hindi ako sa cafeteria kumakain.. sorry ngayon lang kita na-accept. Nagulat ako ng bigla itong mag-reply agad! Dalton: Nagkita? Why? Dalton: Oh? where do you eat? Dalton: That's fine, no need to say sorry. Nag-reply ulit ako. Siguro ay nag-aalala lang si Dalton dahil bayolenteng tao pala itong si Matias... He's violent but nice... I think. Dalton: Can I call? Nagulat ako sa sunod nitong chat. Call?! Binura 'ko ang message na i-sesend pa lang sana. Okay... Pwede... I sent. Mabilis akong kumaripas ng takbo sa pintuan at ini-lock iyon. Pumasok din ako sa banyo at doon nagkulong. "Hello?" Si Dalton. Totoo ba ito? Is he really calling me? Bawal ito... Magagalit si Anaiz sa'kin. But this is making my heart flutter. Ang sarap sa pakiramdam. "H-Hello.." "Oh? Am I bothering you? May ginagawa ka?" "W-Wala!" "That's good... But are you in the restroom? Did I call—" Namula ako at lumabas ng banyo. Pumunta na lang ako sa corner ng silid at doon isiniksik ang sarili. "Wala... Wala ako sa banyo," mahinhin na sambit 'ko sakanya. "Okay... I just wanted to ask, nakipagkita ka kay Matias?" I nodded, "Hindi naman nakipagkita... ano nagkita lang kami tapos nag-usap." "Wala naman siyang ginawa sa'yo?" Naalala 'ko ang nangyari kaninang umaga. Nakita 'kong may sinasaktan ito... Wala naman siyang ginawa sa'kin kung hindi ang sabihan ako na huwag mangialam. "Iris..." Tawag nito sa kabilang linya. "W-Wala siyang ginawa sa'kin..." Hindi dapat ako mangialam. "Are you sure?" "Oo..." Sagot 'ko sakanya. "Hmm..." Biglang tumahimik sa pagitan namin. Hindi naman ako napakali. Baka mamaya ay sabihin nitong boring ako? Or should I tell him bye? Ibaba na ba niya? "Ano... kumakain ako sa gilid ng puno doon sa field.. Tapat ng Amang building," hindi 'ko alam kung bakit 'ko iyon sinabi sakanya. "Why there?" "Ayaw ng ibang tao na nandoon ako..." "Hindi naman sila ang may-ari ng cafeteria... What are you talking about?" "Uhh..." Hindi naman sa ganon. But I am uncomfortable eating there too. Because of the stares and giggle. Pakiramdaman 'ko ay pinagtatawanan nila ako. "Should we grab lunch there?" "Ha?" Gulat na tanong 'ko dito. "We should grab lunch tomorrow... Don't be afraid... Sasamahan kita," I can sense now that he is smiling. As much as I want to tak the offer, hindi 'ko pa talaga nakikita ang sarili na kumakain sa cafeteria ng komportable. At kasama pa si Dalton? Pagtitinginan kami... Isa pa, si Anaiz. "Wag na," I faked a chuckle. "Oh.." Now I feel guilty rejecting his offer. "How about I join your lunch instead on the field?" Bigla akong natigilan... That would be nice. "H-Ha... Sigurado ka ba?" Pero bakit niya ba ginagawa ito? Para saan? Ganito ba talaga siya kabait sa lahat? O awang-awa siya sa'kin? Hindi 'ko alam... "Oo naman. Gusto kitang samahan kumain..." Bigla akong namula sa sinabi nito. "Sige... Maganda 'yon," I felt excited. Giddy. Hindi ako mapakali. "Sige. See you in lunch, Iris.. Kailangan 'ko ng ibaba," Aniya. Tumango ako. "Sige... Salamat." Ibinaba nito ang tawag. Bigla akong napakilos ulit at binitawan ang telepono. Iniisip 'ko kung anong lunch ang lulutuin 'ko bukas. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa excite. Kahit natatakot ako dahil lagot kay Anaiz... ay hindi 'ko napigilan. Masama ba 'tong ginagawa 'ko dahil sinusuway 'ko ang pinsan 'ko? Nagluto ako ng ulam na adobo lang dahil iyon ang naiisip 'kong masarap lutuin at madali. Maaga pa ako umalis at excited na hinintay ang lunch. It was so long, pero dumating na ang oras na hinihintay 'ko. Inaantok pa ako dahil kulang sa tulog. Masyado akong na-excited at napaaga ng gising. Trenta-minutos na ang nakalipas at hindi pa rin dumadating si Dalton... I became worried. Nasaan siya? Naghintay ulit ako bago kumain pero hindi 'ko namalayang nakatulog ako. Nagising na lang ako na nakasandal sa isang tao. "M-Matias?" Takang tanong 'ko ng magising. Mabilis akong lumayo ng dikit sakanya at tinignan ito. "Gising ka na?" Walang ganang tanong nito. "Late ka na ng dalawang oras sa subject mo.." Biglang nanlaki ang mga mata 'ko sa sinabi nito at tinignan ang orasan. "Hala... totoo?" Wala na akong magagawa kung ganon. Sana lang ay hindi sabihin ng iba na cutting ako. Tumango lang ito, "Bakit ka ba natutulog dito?" "Ikaw? Bakit ka nandito?" Wala sa sariling tanong 'ko. Nakasandal ako sakanya... Nang samaan ako ng tingin nito ay nagising ako sa sinabi. "H-Ha..." Umiwas ako ng tingin sakanya. "K-Kumain ka na ba? May niluto ako..." I said while opening my lunchbox. Tumaas ang kilay nito at tinignan ang luto 'ko. "D-Do you want chicken or pork?" "Pork would be nice," turo niya sa adobo. "Can I have rice?" I nodded. I handed him the other spoon. "Bakit may dala kang extra?" "That is for Dalton..." Hindi 'ko napigilang sabihin sakanya. Right, nang maalala 'ko... Kay Dalton pala dapat ito. Nasaan na kaya siya? Ayos lang kaya ito? "Uh," aniya. "Dalton?" Naubo ito bigla. Tumango ako. Oh right, kaaway pala niya si Dalton. "Kaya lang hindi siya dumating," hindi 'ko maiwasang malungkot. "Oh. Sayang naman sakanya," he chuckled before eating a spoonful of rice. "Kumain ka na?" Umiling ako at tinusok ang manok. "Hindi pa," kumuha rin ako ng kanin sa hawak niyang baunan 'ko. Hapon na. Alas-dos at masakit ang araw. Buti na lang at nasa lilim kami at masarap ang simoy ng hangin. Hindi 'ko rin maintindihan si Matias. Anong klaseng ugali ang meron siya? Nakakalito... Ang saya-saya niya kumain. Tumatango pa ito. "Masarap?" I asked him. He nodded his head immediately. Tahimik lang kaming kumain dalawa. Wala akong dalang extrang tumbler so we share the same bottle of water. "So, hinihintay mo pala si Dalton huh..." Tumango ako, "Nag-aya siya.. Pero mukhang may nangyari." Natawa ito. "What a lost." Lost? Ayoko na siyang tanungin pagkatapos noon. Tumayo na ito at inilagay ang kamay sa bulsa. Hindi manlang ito nag-paalam at umalis na. What a weird man... Hindi 'ko maintindihan ang ugali. Tumayo na rin ako at umuwi na lang. This is my first time cutting classes. Hindi maganda kung papasok pa ako sa last subject kaya umuwi na lang ako. I checked my phone right after finishing cleaning myself. Nakita 'ko ang message ni Dalton pagkabukas ng f*******:. Dalton: Sorry Dalton: May nangyari sa council, baka hindi ako makarating kasi may emergency meeting ngayon. Dalton: Hey... Dalton: I'm sorry. Hindi ata ako makakarating. Sorry. Oh kanina pa itong mga hapon. Hindi 'ko lang dala ang telepono. May emergency pala... I replied: Wala 'yon. Hindi naman nasayang ang pagkain dahil naubos ni Matias. He enjoyed the food. Nakakapagtaka lang na nadoon siya... Ano nga ulit ang ginagawa ni Matias doon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD