KABANATA 7

2370 Words
Hindi 'ko alam kung ano ang nangyari sa paligid 'ko. Biglang tumahimik. Hindi na ako pinapansin ng karamihan. They are not putting so much effort to make my day miserable as the usual. Tatlong linggo na mapayapa ang buhay 'ko sa eskwelahan. I really did enjoy my peaceful life. I like a life like this. Tinignan 'ko ang aking kamay na halos pagaling na ang lahat ng sugat. I should thank Matias for making me realize that I should aid this wounds. Nagtataka din ako dahil hindi 'ko na nakikita ang lalaki. Si Dalton naman ay busy dahil magkakaroon ng event. Akala 'ko ay tuloy-tuloy na ang tahimik 'kong buhay. Pero saglit lang pala dahil nawala na ulit ang anghel sa tabi 'ko. "Alam mo, nakakairita ka." Hinarang ako sa hallway ni Wendy. Bigla akong napayuko at tinignan ang paligid. Maraming tumatawa at nag-aabang. Ano na naman ang ginawa 'ko? "Masyado kang mayabang," itinulak nito ang balikat 'ko. "Bakit? Dahil nilalapitan ka noong college boy mo? Dalton na tapos Matias pa?" She teased me. Biglang nangunot ang noo 'ko. Ito na naman tayo sa dalawang lalaki.. Hindi 'ko naman gusto si Matias... Si Dalton.. ang gusto 'ko. Kaya't hindi 'ko maintindihan kung bakit lagi 'ko ng naririnig si Matias. He is nice but scary too. Hindi 'ko rin maintindihan kung kailan ako nagyabang... Kinuha nito ang piraso ng buhok 'ko at hinila iyon. Taas baba. Parang pinaglalaruan nila. I bit my lip. Sana ay hindi 'ko makita o makasalubong ang mata nila.. Narinig 'ko ang tawanan ng iba. Mukhang bumalik na ang dati sa lahat. Siguro ay nawala ang anghel sa tabi 'ko na nagpatahimik saglit ng maingay 'kong mundo.. "Siguro pakiramdam mo sa sarili mo ngayon e ang ganda mo 'no?" Aniya at hinila lalo ang buhok 'ko pababa. Napangiwi ako roon. "H-Hindi 'ko maintindihan..." "Teh, hindi mo talaga maiintindihan! Bobo ka di'ba? Bakit imbes na lumandi ay manahimik ka na lang sa gilid? Why don't you do your grades better? Senior high ka pa lang, college na agad ang tinitira mo!" Sigaw nito at malakas akong tinulak. Nabangga pa ako sa ibang estudyante na nakiki-usisa ngunit hindi nila ako sinalo. Tinulak pa nila ako lalo para mapunta sa sahig. Mabilis 'ko namang inayos ang aking palda at bag. "Nakakairita na makita ka dito sa private catholic school.. Tapos mamamatay tao pa ang magulang mo," sinipa ako nito bago tuluyang umalis. Natulala ako saglit sa sinabi niya... Hindi mamatay tao ang magulang 'ko. "Hindi mamatay tao ang magulang 'ko," I muttered. Napahinto naman ang isang estudyante at tinignan ako. Tumawa ito. "Uy, narinig 'ko 'yon Iris. Hindi mamamatay tao daw ang magulang niya oh!" He called the attention of everyone. Nagsilapitan naman ang halos lahat sa'kin pabalik. I heard Wendy giggled. "Iba talaga pag may lalaki sa tabi 'no? Tumatapang?" Bigla akong nakaramdam ng hiya. Lalaki? Hindi naman sila ang dahilan... Nagsasabi lang ako ng totoo. Lagi 'kong sinasabi na hindi mamatay tao ang mga magulang 'ko ngunit walang nakakarinig. Ngayon na napakinggan na.. siguro ay dapat 'ko ng linawin. Para naman malinis kahit konti ang pangalan nila. "Ano? Ano pang sasabihin mo?" Hamon sa'kin ng ilan. Nagtatawanan. Sumipol sila ng tumayo ako. Hindi 'ko pa rin ini-angat ang ulo dahil alam 'kong may hahawak sa'kin. Ayokong makita ang hinaharap nila! "H-Hindi sila mamamatay tao," I defended with a very weak voice. Hindi iyon sapat para maniwala sila. Pero it felt good to announce it. "Alam mo, siguro tumapang ka dahil sa mga lalaki mo 'no?" Tinulak ulit ako nito. Nagpalakpakan naman ang iba. "May chismis din dati sa nanay mo na may lalaki-" "Yan ang hindi totoo!" I squealed. Nagpalakpakan ang iba. Sumisipol. Ito na naman sila. Natutuwa dahil mayroong nasasaktan na tao... Hindi 'ko maintindihan... bakit tuwang -tuwa sila na apihin ako? "You better shut your mouth Iris. Lumayo-layo ka din sa mga lalaki. What a hoe!" Binangga ako nito. Sumunod naman ang ilan. Akala 'ko matapos 'yon ay wala ng magtatangkang gumawa ng gulo. Tapos na. Pero pagpasok 'ko ng room ay may nagsaboy sa likod 'ko ng harina. May bag is messed up! "Naawa pa kami sa'yo! Hindi sa mukha 'yan!" Tawa nilang lahat. Natigilan ako at tinignan ang sapatos na tinatapakan ang harina. Should I really be thankful for not throwing the flour on my face? Why? Do I really deserve all of this hatred? Hindi 'ko napigilang kurutin ang sarili para hindi umiyak. Kakatapos lang sa labas, ngayon ay mayroon ulit? Ano ba ang ginawa 'ko? Ilang beses 'kong hinanap ang sagot... sa sarili. Ano ba? Tahimik lang akong lumabas ng room pupunta sana ako sa restroom pero sa iba akong daan dinala ng paa 'ko. Sumandal ako sa puno at tinanggal ang jacket 'ko. Pinagpagpagan 'ko ang sarili, ganon din ang buhok 'ko. "Ano bang ginawa 'ko..." Tawa 'ko na lang dahil sa nangyayari. Kahit totoo pa ang isinisisi nila sa magulang 'ko—bakit kailangan ako ang magbayad noon? Ako ba ang gumawa ng kasalanan? Bakit sila galit sa'kin? Bakit hindi sa magulang 'ko? Pero hindi... masakit para sa'kin dahil alam 'kong hindi totoo. Pero mas nagiging masakit dahil ako ang pinaparusahan nila. Na parang ako talaga ang gumawa ng kasalanan. Kailangan ba isisi ang pagkakamali ng magulang sa anak? Pinunasan 'ko ang aking luha at umuwi na lang ulit pagkatapos noon. Wala pang lunch pero nagkulong na ako sa kwarto habang tulala. Wala naman akong ginagawa kaya't inabala 'ko ang sarili sa social media. Wala ring katulong na nakakita sa'kin na umuwi kaya siguro... hindi naman ako masusumbong na nandito sa bahay. Nag-scroll ako sa at nakita si Matias na nakikipag-rambulan ulit. Napatuwid ako ng upo dahil doon. Away na naman? I scrolled the comment box. Tawa lang ang iba habang ako naman ay kinabahan. They are cheering for Matias. "Ospital pa nga..." Basa 'ko sa isang comment. Na-ospital si Matias? Oh.. Kamusta kaya ang lalaki? Sana naman ay walang nangyari sakanyang malala. Naputol na ang video pagkatapos noon. Tinignan 'ko hanapin kung mayroon na akong video na kumakalat. Pero wala. That's weird. Usually may video ako dito sa secret files at pinagkakatuwaan nila. Mabuti naman... Noong nakaraan ay tahimik ang mga linggo 'ko. Ito na ata ang balik sa'kin ngayon... "Iris?!" Napabalikwas ako ng makita si Tita na pumasok sa kwarto. Nabitawan 'ko ang telepono at hindi mapakali.. I manage to log my f*******: out. "Anong ginagawa mo dito?! Wala ka bang pasok?!" She shouted on me. "Porket ba nandito ang asawa 'ko ay buhay prinsesa ka na naman?" Umiling ako, "H-Hindi po Tita..." "Do you know how your tuition cost?! And here you are? Lying in the bed?!" "T-Tita sorry—" Lumapit ito sa'kin at sinimulan akong hampasin. Bahagya akong nasaktan dahil tumama ang mga singsing niya sa braso 'ko. Masakit iyon. "Ikaw bata ka! Hindi ka talaga mapagsabihan! Kung hindi bobo ay tatanga-tanga! Kung hindi tanga ay nakakahiya!" Hinampas nito ang ulo 'ko. What a long day I had here... Hindi 'ko alam kung anong nangyari. Pero balik normal na ang buhay 'ko sa dati. Pinagtatawanan at inaaway ng walang dahilan. Si Anaiz naman ay hindi 'ko nakikita dahil busy rin sa event ng council. Kamusta na kaya si Dalton? Hindi 'ko rin kasi nahawakan ang telepono dahil nabasag iyon kay Tita. Hindi 'ko na tuloy alam. Dalawang linggo ang lumipas ng makita 'ko ulit si Matias... He looks fine. Naalala 'ko ang nabasa sa social media dati... I run towards him. Pero bigla akong napahinto ng maalala ang pang-aasar sa'kin ng mga tao dahil sakanya. They are pairing me with Matias. Sinasabihan na masyadong matayog ang pangarap at kung ano pa. I bit my lip then shift my way. Dapat ay lumayo ako sakanya. He's dangerous too. Isa pa ay bakit naisipan 'kong lumapit? Silly me... Nagulat ako ng may humila sa braso 'ko. "Saan ka pupunta?" Walang buhay ang tono ng boses nito. "Kay Dalton?" Bigla akong nagtaka. Dalton? Paano naman napasok dito si Dalton? Pinanatili 'ko ang titig sa polo niya. "H-Huh..." "Nandito ka na. Bakit aalis ka pa?" "A-Ano... may nakalimutan ako sa klase." "What is it?" Bakit ba naging matanong siya. Itinaas nito ang braso 'ko. Nakita 'kong nakatitig siya sa kamay 'ko. "I guess you didn't do well huh... Sino ang uunahin natin, Iris?" Ngisi nito. Kumunot ang noo 'ko, "A-Ano?" "Sinong umaway sa'yo? Tell me..." Bigla akong nalito sa tanong niya. I shouldn't tell him who is it, right? "A-Ano... hindi 'ko alam... W-Walang unaway..." Hinila 'ko ang kamay sakanya at itinago iyon sa'king likod. Ano ba ang ginagawa niya dito? Should I stop going here and find a different spot? "I'm hungry... Anong baon mo?" Napalunok ako... Ayoko sanang gastusin ang pera na baon ngayon. "A-Ano... pinakbet..." "The vegetables?" Tumango ako. Sumimangot ito. "Iyon lang?" "G-Gusto mo ba?" "Yeah." Mabilis na sagot niya. Pumunta naman ako sa puno at ibinigay ang dalang baon na pagkain. Tatayo na sana ako ngunit hinila nito ang wrist 'ko. "Oh? Saan ka pupunta?" "U-Uhm..." "Sinong may sabi na aalis ka?" "Ha?" Bigla akong kinabahan. "Kakain ka sa fast food? Doubt that. Baka mahimatay ka sa kaba dahil oorder," bulong niya na parang kausap ang sarili. "Sit here. Let's eat..." Napanganga naman ako sa sinabi nito. Should I sit with him? Uupo pa lang sana ako pero hinila ako ng isa—my eyes widened when I met Dalton's eyes. Saglit 'kong nakita ang mukha nito sa hinaharap. He have a devilish grin on his face. Anong nangyayari? Ano ang nakita 'ko..? "Pinipilit ka ba ng lalaking 'to, Iris?" Ngumisi lang si Matias. He look very amaze. "Do you really like this girl?" Matias chuckled. A girl... "Shut the f**k up. Okay ka lang ba, Iris?" Tanong nito sa'kin. Does Matias sees me as a girl? "Wala naman akong ginagawa sakanya," si Matias. Tumayo ito at pinantayan si Dalton. "So chill Dalton. I didn't do anything wrong." Bigla naman akong natigilan. Mag-aaway ba sila sa harapan 'ko? Bigla akong nilingon ni Matias. There is a devilish grin on his face. "May ginagawa ba akong masama? Wala, hindi ba?" Dahan-dahan akong napatango sa ngisi nito at natulala. Ni hindi 'ko nga... alam kung bakit ako tumatango. Nagtagis ang bagang ni Dalton at masama ang tingin kay Matias. Hindi 'ko alam ang pumasok sa isip 'ko at pumagitna sakanila. "Ah.. Ano..." Naramdaman 'ko ang titig nila sa'kin. "Dalton, wala namang ginagawang masama si Matias... Mabait si Matias." Saglit na katahimikan ang nanaig. Lalo akong kinabahan ng hindi sumagot ang dalawa. Umatras ako pagilid. "Okay lang naman... Kumakain lang kami," I told Dalton. "Kumakain?" Singhap nito. Parang hindi matanggap ang sinabi 'ko. I panic. Matias started to chuckle. "I really can't believe this... Anong meron dito?" Turo sa'kin ni Matias habang nakatingin kay Dalton. Hindi ako makasabay sakanilang dalawa. "Damn you... What are you trying to do?" "Stealing some things..." Si Matias at hinila ako. Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Matias papunta sakanya. I can smell his intoxicating scent when I crushed in his chest. Uh... anong meron? "Matias..." Si Dalton. "Let go of her. Huwag mo idamay si Iris—" "Huh? Hindi 'ko siya dinadamay dito. Anong damay?" My heart jumped when Matias caress my hair. "Dinadamay daw kita? Wala naman akong ginagawa sa'yo... hindi ba?" Hindi 'ko alam ang isasagot. Naguguluhan ako. Idagdag pa ang kaba na nararamdaman 'ko dahil sa ginagawa sa'kin ngayon ni Matias. Kakain lang naman kami ng lunch... "Iris... is different," rinig 'ko si Dalton. Kinabahan ako. Different? Anong ibig sabihin niya roon? My family background? Am I weird...? Do I look weird for him? Tumawa si Matias at lalong humigpit ang hawak sa'kin. "Yes.. She is..." "T-Teka..." Humiwalay ako kay Matias, pero mahigpit ang hawak nito sa'kin. "Let her go!" Nanlaki ang mata 'ko ng hawakan ako ni Dalton sa braso at hinila ng marahan palayo kay Matias. "Oh?" Matias chuckled. I guess he find the scenario very amusing. "A-Ano..." Hindi 'ko na natiis ang sitwasyon at itinulak silang dalawa. Umatras ako sakanila at yumuko. "Ano... wag niyo ako idamay..." Yumuko ako. "Hindi ako... ano... Aalis na ako." Hindi 'ko na sila pinagsalita at tuluyang umalis. Hindi 'ko naiintindihan ang pinagsasabi nila. At bakit nila ako hinihila. Para silang mga bata... Hindi 'ko dapat hayaan magkita ang dalawa. O lumayo na lang ako sakanila? Hindi 'ko alam... "Iris!" Isang sigaw ang gumising sa'kin ng marahas na binuksan ni Anaiz ang aking kwarto. She is holding her phone. "Anong nangyayari? Papansin ka talaga?" "H-Ha?" Kakagising 'ko lang ulit mula sa pagtulog. Anong sinasabi ni Anaiz? Itinapat sa'kin ni Anaiz ang kanyang phone. Nakita 'ko ang video sa field. Hawak ako ni Matias. Nagmukhang yakap ako nito. Samantalang si Dalton naman ay hinila ang braso 'ko. Hindi maganda ang itsura ni Dalton halatang galit. "Papansin ka talaga, ano?!" Sigaw ni Anaiz sa'kin. Umiling ako sakanya. "A-Ano... Hindi 'ko alam.. Nag-aaway sila Dalton..." "Alam mo namang mag-kaaway sila. Nananadya ka ba talaga? Pinaglapit mo pa silang dalawa?" "H-Hindi..." "You're such a w***e!" Sigaw sa'kin ni Anaiz. "You're liking the attention, huh? Sigurado ako!" "H-Hindi Anaiz—" "Ilang beses 'ko bang sasabihin sa'yo na huwag kang lalapit kay Dalton?! Gusto 'ko si Dalton! Ilang beses 'ko ba kailangan isigaw sa'yo 'yan?!" Bigla akong natigilan sa sinabi nito... Gusto niya nga si Dalton. "Bakit ba ang hilig mong mang-agaw ng hindi sa'yo gamit ng paawa mo?!" She roared to me again. "H-Hindi 'ko sinasadya... S-Sorry.. Nag-aaway lang sila.." "Papansin ka. Sino ka ba? Anak ka lang naman ng mga mamamatay tao!" Sigaw niya. "Anaiz..." Hindi na lang ako sumagot ng kahit ano kung hindi ang pakalmahin ito. Naiintindihan 'ko siya. Si Anaiz... inaagaw 'ko sakanya ang lahat... Kaya't galit na galit ito. Pero hindi 'ko maintindihan. Ilang beses nitong sinabi na inaagaw 'ko ang lahat sakanya. Pero bakit wala naman akong kahit ano ngayon? Kung mayroon akong inagaw sakanya... bakit wala akong dala ngayon.. Wala akong kahit ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD