SA PAGDATING ng mga unang bulaklak mula sa iba't ibang flower shop sa pagitan ng dalawang oras ay si Jasmin lang ang nagulantang. Sinamsam niya ang mga card na may iisang linyang nakasulat sa note: Jasmin, my wife, You are mine. I'm not letting you go. Love, Your husband Nagpa-panic na itinago ni Jasmin ang mga notes. Paulit-ulit niyang tinawagan si Gareth pero hindi nito sinasagot ang cell phone. Tumawag siya sa Rayos pero wala raw ito roon. Tumawag siya kay Tascia pero nasa opisina na raw si Gareth. Hindi niya naisip na iyon ang ibig sabihin ni Gareth nang nagdaang gabi. Tototohanin pala nito ang banta bago siya iniwang tulala sa puwesto niya. Pinilit niyang hindi na gaanong isipin. Mas dagdag gulo sa utak at puso. Nasa plano naman talaga ni Jasmin na harapin ang katotohanan. Hindi

