INAKALA ni Gareth na kaya niyang pigilan ang sidhi ng kanyang emosyon habang pinanonood si Jasmin at ang lalaking kasama nito sa ospital kanina lang. Tulad ng maraming pagkakataon na nalulungkot siya at nami-miss si Jasmin, natagpuan na naman niya ang sarili na nagmamasid sa park. Hindi iyon ang unang beses na naroon siya—maraming beses na at lagi na ay nakikita niyang naroon din si Jasmin, nakatingin sa magagandang bulaklak habang hinihintay na lumalim ang gabi. Gusto ni Gareth na bigyan ng malaking pag-asa ang sarili, isipin na siya ang iniisip ni Jasmin. Pero habang patuloy sa paglipas ang mga araw at hindi siya tinatawagan ni Jasmin, napagtanto niyang hindi pa rin nito kayang ipagpalit ang anumang espesyal na nasa pagitan nila sa relasyon nito kay Daniel. At kanina sa ospital, nang

