33

1211 Words

SA ISANG sulok ng mata ni Jasmin ay nakita niya ang pagngiti ni Rovie na may bahid ng pait. "Boss na kung titigan ka ay parang handang patigilin ang ikot ng mundo huwag ka lang makitang nasasaktan?" banayad na tanong nito na ikinatuwid ng pagkakaupo niya. Ganoon ba siya titigan ni Gareth? "Boss na sapat ang titig para makalimutan mong hindi kayo mag-isa sa ospital?" dugtong pa ni Rovie na ikinabaling niya rito. Umiling-iling si Rovie nang magtama ang mga mata nila, nasa labi pa rin nito ang ngiting walang bahid ng tuwa. "Sa tingin mong 'yan, mukhang hindi mo pa nare-realize na mahal mo ang boss mong iyon nang higit sa pagmamahal mo sa akin noon, Jas." Napalunok na nagbawi siya ng tingin. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. "Hindi isang bagay na mamahalin ang halaga ng laman ng gift

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD