NAG-ANGAT ng mukha si Jasmin nang marinig na may tumawag sa pangalan niya—si Rovie ang nasalubong ng kanyang tingin. Pagbaling niya kay Tito Douglas ay nakatingin din ito sa bagong dating. "Rov," nausal ni Jasmin at lumampas ang tingin sa likuran ni Rovie. Inaasahan niyang kasunod nito si Kuya Joshua na nahulaan niyang nagpasa kay Rovie ng balita. "Si Kuya Josh?" tanong niya nang hindi niya nakita ang kapatid. "On the way na siya no'ng tinawagan ako. Mas malapit ang place ko rito." Marahang naupo si Rovie sa tabi niya pagkatapos ang magalang na pagbati kay Tito Douglas na tumango lang. Naramdaman ni Jasmin ang maingat na paghagod ni Rovie sa buhok niya mayamaya. Hindi siya umimik. Nagpaubaya lang siya. Pamilyar sa kanya ang gesture na iyon. Sa mga pagkakataon noon na alam nitong nag-aal

