NASA Prado na naman si Jasmin nang gabing iyon, hindi alam kung bakit doon niya laging natatagpuan ang sarili tuwing gusto niyang mag-isa. Tatlong araw na silang laging magkasama ni Rovie, halos hindi nga sila maghiwalay sa paulit-ulit na paglabas-labas nila. Masaya pa rin siyang kasama ang dating boyfriend. Sa kabila ng naging distansiya nila ay naroon pa rin ang dating familiarity. Hindi nawala kay Rovie ang mga katangiang minahal niya. Panatag pa rin siyang kasama ito tulad noon. Pero pakiramdam ni Jasmin ay may kung anong kulang. May hinahanap siyang pakiramdam na hindi niya maramdaman kaya sa pagtatapos ng araw ay natatagpuan niya ang sarili na nagdya-jogging patungo sa park. Mahahabang sandali ang ginugugol niya roon nang mag-isa. At sa bawat gabing naroon siya ay hindi ang mga eks

