30

1350 Words

SA HULING mga oras bago gumabi ay natagpuan ni Jasmin ang sarili na sakay ng taxi patungo sa bahay ni Gareth. Hindi niya alam kung bakit naroon siya. Wala siyang nakahandang sasabihin. Ang tanging bitbit niya ay tinapay para kay Tascia at isang box ng cookies para kay Gareth. Nakuha na niya lahat ng kanyang gamit sa guest room na ginagamit kaya wala na siyang maidadahilan sa pagdalaw niyang iyon. Gusto lang talaga niyang makita si Gareth. Ang makitang maayos ito ang tanging magpapatahimik sa loob niya. "Manong, itabi n'yo ho muna diyan," sabi ni Jasmin sa driver ng taxi nang makitang nasa tapat ng bahay ang kotse ni Gareth at umibis ito mula sa driver side. Bumukas ang passenger seat ng kotse ni Gareth at bumaba ang babaeng nakilala agad ni Jasmin dahil sa magandang posture at magandang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD