"ANONG oras pa nasa kabila si Gareth—si Sir, Joey?" "Mga treinta minutos bago kayo dumating ni Attorney, Ate Jas." Katabi ni Jasmin si Joey, sa tapat ng bintana kung saan nila sinisilip ang kotse ni Gareth na nakagarahe sa tapat ng bahay na patapos na. Sa tantiya niya, dalawang linggo na lang ay matatapos na iyon. Ang kotse ni Gareth ang agad niyang napansin pagkarating nila ni Daniel kanina. Kung dati ay nagdi-dinner muna ang kaibigan sa kanila bago umuwi, nang gabing iyon ay hindi na niya ito pinatuloy sa bahay. Hindi niya matantiya ang mood ni Gareth, baka hindi nito mapigil ang sariling emosyon, sumugod na lang sa bahay nila at masabi sa mga magulang niya na "mag-asawa" sila. Hindi gustong ilantad ni Jasmin sa buong pamilya niya ang ginawang pagpakakasal kay Gareth kapalit ng hala

