26

1038 Words

PAGKAALIS ng sasakyan ay hindi na kumilos si Jasmin para sumunod kay Gareth. Inilabas niya ang cell phone para tawagan si Daniel at itanong kung saan banda naka-park ang sasakyan nito. "Uuwi kang kasama ko, Jasmin," kaswal na sabi ni Gareth na nagpatigil sa pag-scroll niya sa gadget. Napatingin siya kay Gareth—hindi pa pala ito humakbang palayo sa kanya. "Hindi ka tumutupad sa pinirmahan mong kasunduan natin." Ibubuka pa lang sana ni Jasmin ang bibig para sumagot ay narinig na niya ang boses ni Daniel na tinawag siya. Magkasabay pa silang lumingon ni Gareth sa pinagmulan ng boses. Malalaki ang hakbang ng kaibigan niya palapit sa kanila. "Hindi ka sasama sa kanya," sabi ni Gareth, mababa lang ang tono, para sa kanya lang. "Sa akin ka sasama." Hindi nito inalis ang tingin kay Daniel na na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD