Kasalukuyang nasa office si Charles, naka-focus siya sa mga files na hindi niya nagawang ayusin nitong mga nakaraang araw dahil na busy siya. Tatlong araw na ang nakalilipas magmula nang may mangyari sa kanila ni Chantal sa restaurant. That was a mistake na muntikan na niyang ikapahamak. Na out of control siya sa sarili at muntikan na silang mahuli ni Ivy. Iniiwasan niya muna si Chantal, ni hindi niya nga sinasagot ang mga tawag at messages nito dahil gusto niya munang bumawi sa asawa niya. Alam niyang malaking kasalanan ang nagawa niya pero hindi niya kayang tanggihan ang tukso lalo na kapag nakikita niya si Chantal. Damn it! Naipukpok niya ang kamao sa desk. He can't resist her. Aminado siya sa sarili niya na marupok siya pagdating dito. Nag-angat siya ng tingin nang bumukas ang pin

