Nakasuot na ng roba sina Ivy at Charles para sa full-body massage nila. "Under construction kasi ang couple room namin, pwede bang magkaiba na lang kayo ng room?" turan ni Chantal, her voice is sounds apologetic. "Ganoon ba, it's okay, Chantal." Binalingan niya si Charles, saka tinanong, "Okay lang ba na hiwalay tayo ng room?" Nagkibit-balikat lang ito. "No problem." "Good!" masayang bulalas ni Chantal. "Sumunod ka sa akin, Ivy. I'll show you your room." "Okay." Sumunod na siya rito at naiwan naman si Charles sa waiting area. "Matagal na ba kayo ng asawa mo?" tanong ni Chantal sa kanya. "Seventeen years na kami," tipid niyang sagot dito. "And he never cheated on you?" Natawa siya. "Loyal ang asawa ko, Chantal. Sa tagal na naming kasal, ni minsan ay hindi niya pa ako nilo

