Nakapaskil ang malapad na ngiti ni Chantal habang ipinapakilala siya ni Charles sa mga ka-business associate nito at sa mga kakilala. "Your date is gorgeous, Mr. Gonzales." Natutuwang usal ng kakilala ni Charles. "Thank you, Mr. Chua." Nakangiting saad naman ni Charles. Mahigpit siya nitong hawak sa beywang na para bang takot itong mawala siya. Kaya pakiramdam niya ang ganda niya ngayong gabi dahil kasama niya ang lalaking mahal niya. Natigilan siya sa isiping mahal niya si Charles. Yes, she's in love with him. Sigurado siya sa sarili niya na hindi lang basta libog ang nararamdaman niya kay Charles, mahal niya ito. And she will never let him go, never. "Gusto mo ba ng wine?" malambing na tanong nito sa kanya. "Yes, baby." Malambing niya namang sagot. "Wait me here, kukuha lang ako.

