NATASHA'S POV
Makalipas ang thirty minutes, ligtas kaming nakarating sa bahay.
"Yaya, pakitulungan si Mang Jun sa pagbubuhat ng mga pinamli natin," tinanguan niya lamang ako at saka tinulungan si Mang jun na buhatin ang mga pinamili namin. "Pakilagay na lang muna sa sala ang mga iyan, mauuna na kaming pumasok sa loob."
"Mga anak, tara na. Pumasok na tayo sa loob," pinauna ko muna ang mga bata bago sumunod sa kanila.
"Mommy," nagtataka ko namang tiningnan si jayden. "When will we see daddy? We miss him, does daddy really love us? If so, why is he not here in our house?"
Agad naman akong kinabahan sa tinanong niya, habang ang mga kapatid niya ay tahimik na nag-aabang ng sagot ko habang nakahilera silang nakaupo sa mahabang sofa. 'Ano ang isasagot ko? 'Ni hindi nga maalala ng tatay nila ang nangyari sa amin, ang masaklap pa ay isa itong bakla.'
"Ahm, ano kasi anak, wala dito si daddy. Nasa work siya, doon sa malayo. Kaya sana, maintindihan niyo," ngumiti ako sa kanila pero hindi abot sa mata ang mga ngiti kog 'yon. "Alam kong sabik na kayo sa ama niyo, pero sana bigyan niyo ako ng pag-kakataon na hanapin muna siya."
'I'm sorry kung kinakailangang magsinungaling ni mommy sa inyo, mga anak. Sana patawarin niyo ako kung tinago ko sa inyo ang totoo, hindi ko pa kasi alam kung paano sasabihin sa inyo na bakla ang tatay niyo at nakita ko na siya, ang kaso lang ay masiyado pang komplikado ang lahat.'
'Dahil alam kong balang araw, walang lihim ang hindi nabubunyag. Hintay lang muna kayo ng panahon, at sasabihin ko sa inyo ang totoo. Maipapakilala ko rin siya sa inyo, at sana huwag kayong magagalit sa ama niyo.'
"Gusto niyo bang sabihin ko ang mukha niya, para naman mayroon kayong alaala niya habang wala pa siya sa inyo?"
Agad naman silang tumango habang pumapalakpak at may masayang ngiti sa labi, makikita rin sa kanila ang kislap ng ningnging sa kanilang mga mata.
"Ok, mommy. What does daddy look like? Is he handsome, like us?" napailing naman ako sa sinabi niya bago siya sinagot.
"Yes, he is handsome. He has a pointed nose, he is tall, he is also funny, he loves to tease, and like you he is a pogi. But he is gay," hininaan ko lang ang huling sinabi ko.
"Really, mommy? He's kind po?"
"Yes, he's kind." At ngumiti ng malawak sa kanila. "So, pa'no 'yan lang muna ang masasabi ko, ok? Sa susunod maipapakilala ko na siya sa inyo, kaunting hintay pa mgaa anak."
Ngumiti naman sila sa 'kin at nauunawaang tumango sa akin. Hay, buti na lang at maintinding bata ang mga anak ko, sa mura nilang edad sobrang laki na ng paguunawa nila.
"So how is that? I already told you about your daddy, can we rest now kids? Mommy still has a job tomorrow, is it ok for all of you to leave you here at home because mommy has to work?"
"All right, mommy. We'll just play in our playroom, come on." Agad namang nagsisunod ang mga kapatid niya pagkatapos magpaalam sa akin at humalik sa pisngi.
Tiningnan ko naman sila hanggang sa tuluyang mawala na sila sa paningin ko, ako naman ay dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig at saka tumungo sa kuwarto ko.
Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako magpalit ng damit, tinanggal ko na rin ang make-up ko.
Agad akong nahiga sa kama upang magpahinga na sana ng makatanggap ako ng tawag galing sa Unkown Number.
"Hello? Who is this?" I asked the caller mula sa kabilang linya.
"Hello, bukas na ang simula mo," nagtaka naman agad ako dahil sa sinabi ng caller na ito. "Don't forget that your start is tomorrow, you must be here before nine o'clock. Don't be late either, if you don't want to receive a punishment that you will never like."
Nanlaki ang mga mata ko ng mapag-tanto kung sino ang caller na ito. Teka, pa'no niya nakuha ang number ko? At saka hindi naman na ako puwede pang paalalahanan pa dahil hindi ko naman makakalimutan 'yon!
"Alam ko na iyon, mister. Kahit hindi mo na ipaalala ay maaalala ko 'yan, at saka pa'no mo nakuha ang number ko? Eh, sa pag-kakatanda ko hindi ko naman binigay sa'yo ang number ko," nagtatakhang tanong ko sa kaniya.
"Where else? To your secretary, at saka puwede ba, huwag mo akong tawaging mister. Miss, puwede pa," napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya, akmang magsasalita ako ng inunahan niya ako.
"Pinapaalala ko lang sa'yo, baka makalimutan mo. Hindi ka pa naman mapag-kakatiwalaan kang babaita ka!" Aba, tingnan mo nga naman. Ako pa ang hindi mapag-kakatiwalaan? Ang kapal ng mukha.
"Hoy! Baka nga ikaw ang hindi kapani-paniwala dito eh, sa mukha mong 'yan mukhang kambing." Sigaw ko sa kaniya kahit nasa call lang kami, na-iimagine ko naman ang mukha niya umuusok sa galit.
"Ewan ko sa'yo, humanda ka sa 'kin bukas. Matitikman mo ang higanti ng isang inaaapi! Bye na nga, che!" Aba, at siya pa ang galit? Gago 'yon ah, paalala lang ang usapan namin tapos biglang humantong sa ganito?
Bahala siya d'yan, 'di siya diamond. Binaba ko naman ang cellphone ko at napagpasiyang umidlip muna.
Naalimpungatan ako ng may kumatok sa pintuan, napag-pasiyahan kong bumangon at buksan ang pintuan.
"Ma'am, sorry po sa istorbo. Handa na po ang hapunan."
Agad naman akong bumangon. "Ok, Yaya! I'll be there in a minute!."
Nang matapos kong magayos ng mukha ay agad akong dumiretso sa dining area.
"Momma! Can you please hurry? We are already hungry," nakangusong sabi ni Josh.
Napatawa naman ako sa itsura nila, dahil para siyang hindi pinapakain at pinapainom ng gatas. Lalo na ang panganay ko na si Jayden, nakabusangot. Habang sina Johan at Joaquin ay salubong ang kilay, mahahalata mo talagang mga gutom na sila, dahil sa mga itsura nila.
"I'm sorry, let's go and eat. Eat food and don't waste it, because many children are hungry. Oh, ayusin niyo na ang mga itsura niyo," natatawang saad ko habang pinagsasandukan sila ng pagkain sa plato nila.
Masagana naman silang kumain, at ng matapos ay agad ko silang binigyan ng gatas at hinatid sa kanilang kuwarto. Nakapaghugas na rin sila, medyo natawa pa ako ng makita ko silang humihikab at nagkakamot ng mata dahil sa antok.
"Go to sleep, kids."
"Goodnight, we love you." They said unison.
"I love you too, babies." I kiss they're head at kinumutan.
~~
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Napamulat na lang ako at pinilit ang sarili kahit na antok na antok pa ako, saka ko lang naalala na ngayon na pala ako papasok sa trabaho bilang secretary ni Baklandita este ni Jarred.
"Tsk, ang aga pa. 6:45 A.M. pa lang, inaantok pa 'ko, nakakainis naman."
Naabutan ko ang isang katulong na nagluluto ng pang-agahan. Mukhang may tuyo na naman.
"Good morning, Yaya." Naagaw ko ang pansin niya mula sa pagluluto ng binati ko siya.
"Good morning rin po, Ma'am. Ipagtitimpla ko po ba kayo ng kape?"
"Yes, 'yung puro na itim."
Agad naman itong tumalima ng matapos niya ang nilulutong tuyo, at inihain sa lamesa.
"Saglit lang po, ma'am. Gagawa na po ako, puwede na po kayong kumain habang mainit pa ang mga pagkain."
"Yeah, thanks."
Pagka-upo ko sa upuan ay agad akong kumuha ng fried rice at tig-iisang tuyo at hotdog. Wala pa yata'ng limang minuto ay dumating na siya habang bitbit ang kapeng hinanda para sa 'kin.
"Ito na po, ma'am. Dahan-dahan lang po, mainit." Bago niya tuluyang nilapag ang kapeng mainit, dahil na rin sa usok nito na halatang bagong init lang ang tubig.
"Thank you, kumain na ba kayo ng almusal?" Tanong ko rito.
"Hindi pa po, ma'am. Siguro mamaya-maya na lang po kapag natapos kayo, hindi pa naman po kami nagugutom."
"Is that so? Huwag niyong palilipasin ng gutom 'yang mga tiyan niyo. Kailangan palagi kayong busog, pamilya na ang turing ko sa inyong lahat. Huwag rin kayong mahiya kung gusto niyong mag-day-off."
Tumango naman ito at saka masayang ngumiti. "Opo, ma'am. Makakaasa po kayo, sige po, maiwan ko na po muna kayo. Tawagin niyo na lang po ako kung may mga gusto pa po kayo o 'di kaya ay may i-uutos kayo sa 'kin."
Tumango lang ako ng bahagya bago sumagot. "Yes, thank you again."