CHAPTER 7

2107 Words
NATASHA'S POV Ilang minuto pa akong nagmumuni sa garden, naisipan ko namang pumasok na sa loob at pumunta sa kwarto ng mga anak ko. Pagkapasok ko ay namataan ko ang mga anak ko na nagbibihis ng kanilang pantulog. "Tapos na ba kayo? Kung tapos na mahiga na kayo sa mga kama niyo." "We are already done, momma. We gonna sleep na po, goodnight." "Goodnight," at ki-niss sila sa kanilang mga nuo. Pagkatapos ay kinumutan ko sila, pinatay ko na rin ang kanilang lamp. Hinintay ko muna silang makatulog bago ako pumunta sa kwarto ko at naisipang matulog. Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock. Dumiretso ako sa loob ng banyo upang maghilamos at maglinis ng ngipin. Naisipan ko na ring maligo, dahil nalalagkitan na ako sa suot kong damit. Nang matapos na ako sa pagligo ay agad naman akong pumunta sa kusina upang paglutuan ng breakfast ang mga chikiting, inihanda ko muna ang mga sangkap na lulutuin ko. Bacon, hotdog, fried rice, ham, toccino, longganisa lang ang niluto ko para sa pangagahan nila. Ang akin naman ay tuyo, nakita ko ito sa ref kaya iluto ko na. Nang matapos ay agad ko ng inihain sa dining table ang mga lutong ulam, inayos ko na rin ang mga plato. Nang matapos ko ng maayos ay hinubad ko na ang apron, at nag-tungo sa pangalawang palapag upang gisingin na ang mga chikiting kong makukulit. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan nila at pumunta sa malaki nilang kurtina upang buksan iyon at ng sa gano'n ay pumasok ang sinag ng araw sa loob ng kwarto nila. Dahan-dahan akong pumunta sa kama ng mga chikiting ko upang gisingin na sila. Napatawa naman ako ng mahina ng nakita ko silang nakanganga habang may nakasalpak sa bibig nila ang gatas nila. Ang sarap siguro ng tulog ng mga ito. Una kong ginising si Jayden. "Baby? Wake up. Pupunta tayong mall tiba? So bangon na, hmm," at saka ko siya hinalikan sa noo at pisngi, tinanggal ko na rin ang kanilang mga bibiron. Umunat-unat naman si kuya ko, ang cute talaga nila kapag umuunat. Mana sa akin, joke. Dahan-dahan naman niyang dinilat ang kaniyang mga mata, napapikit pa siya ng tumama sa mata niya ang silaw ng liwanag na nagmumula sa veranda nila. Kaagad ko namang pinuntahan ang tatlo ko pang chikiting. Katulad rin ng pag-gising ko sa panganay ko ang ginawa ko sa tatlo, dahil agad silang nagmulat ng marinig ang salitang mall. Mga mukha talaga silang mall. "Good morning, mommy," napalingon naman ako sa nagsalita no'n, agad naman akong napangiti at binati siya pabalik. "Good morning, baby jayden," nakangiti kong bati at binati rin ang tatlo ko pang chikiting. "Good morning, baby johan, baby joaquin, and last but not the list good morning baby josh," at isa-isa silang hinalikan sa nuo. "Let's go, you need to eat na. But bago 'yon, you all need to wash your face kase may mga muta pa kayo," kaagad namang sumama ang mukha nila, haha. Agad naman silang nagsibabaan sa kanilang mga kama, at sumunod sa akin papunta sa kubeta. Nang matapos silang maghilamos ay agad kaming pumunta sa dining area upang mag-agahan. "Mom, ano po breakfast natin?" Napangiti naman ako dahil ang cute talaga nila kapag nagsasalita ng tagalog, slang kumbaga. Nakakatuwa lang dahil kahit papaano ay kaya nilang mag salita ng tagalog. Sa tagalog lang talaga sila hindi marunong magsalita ng diretso. "Lahat ng paborito niyo. Bacon, hotdog, fried rice, ham, toccino, longganisa, that's all your favorite right? And we have a fresh milk," nakangiti kong banggit sa mga pagkain na niluto ko para sa agahan. Tumango naman sila at agad na pumunta sa dining table. Pero agad ring napahinto ng may naamoy, iyong tuyo siguro iyon, haha. Dali-dali naman silang napatingin sa akin ng may nagliliwanag na mukha. Nanalalaki rin ang kanilang mga mata dahil sa tuwa. "T-that's tuyo right? Say it, please," nagmamakaawang sabi ni Jayden sa akin. Masaya naman akong tumango sa kaniya, kaya agad silang nagsiunahan papunta sa hapagkainan. Hindi ko papala nasasabi sa inyo na isa sa mga paborito nilang pagkain ay tuyo, yes you read it right. Tuyo ang pinakagusto nila, dahil bukod sa mabango at nakakatakam na amoy ang mayroon sa tuyo, ay masarap rin ito ipares sa sinangag. Napangiti na lang ako dahil hindi sila mapili sa pagkain, at sa kung ano pang bagay. Lahat kasi ng mga binibigay kong laruan sa kanila ay agad naman din nilang dino-donate sa bahay ampunan dito sa pilipinas. Yes, tinuruan ko sila kung paano mamigay sa kapwa nila ng walang anumang kapalit, mas gusto pa nilang ang mga ibang tao ang bigyan nila kung saan mas karapatdapat talagang bigyan. Naikwento ko rin sa kanila ang naging buhay ko dito sa pilipinas noong ako'y naulila na. Nang matapos naming kumain ay agad namang silang umakyat sa taas upang maligo, sumama din sa kanila ang kanilang yaya. Wala rin kasi dito si Manag Eli, umuwi siya sa kanila dahil may sakit daw ang isa sa mga apo niya. Wala na rin kasing magulang ang mga apo niya, namatay na raw ang magulang ng mga ito sa isang aksidente. Sinabi ko na nga kay Manang Eli na dalhin o isama na lang niya dito ang mga apo niya upang may mga kalaro naman ang mga anak ko, at hindi na rin iwan ni Nanang Eli ang mga apo niya roon sa kanilang probinsya. Matanda na rin si Manang Eli, bawal na rin siyang bumyahe mag-isa, mabuti na nga lang at napilit ko na ipahatid siya sa kanilang probinsya kasama ang isa pa naming bakanteng driver. Mabuti na lang at pumayag din si Manang na dalhin niya dito ang kaniyang mga apo at ako na ang bahalang mag-paaral sa kanila. Tutal naman ay mayroon naman kaming sariling school na nandirito sa pilipinas para sa mga batang walang sapat na pera. Libre lang sa kanila, isa iyon sa pinakamalaking Public School dahil simula Kinder hanggang Kolehiyo na ang Unibersidad na iyon. At may matatanggap rin silang 5,000 kada month. Basta lang ay pag-butihin nila ang kanilang pag-aaral. Nagising naman ay diwa ko sa malalim na pag-iisip ko nang may tumawag sa akin, paglingon ko ay ang apat ang bumulaga sa akin at ang isa nilang yaya. Agad ko naman silang nilapitan. "Oh? Tapos na kayo? Can y'll wait for me? Mag-papalit lang ako ng pang-alis," ngumiti lang sila sa akin at tsaka tumango. "Ok, mauna na kayo sa sasakyan. Yaya, pakitingnan sila, sasama ka rin sa amin," tumango naman siya at agad na inalalayan ang apat papunta sa Van na sasakyan namin. Agad naman akong pumunta sa kwarto at nagbihis ng pangalis, naglagay na rin ako ng light make-up upang hindi makita ang haggard kong mukha. Nang matapos ay agad ako lumabas at pumunta sa nakaparadang van sa labas ng mansyon. Pumasok na ako sa loob at tinignan ang mga seatbelts nila kung maayos na nakakabit, nang masiguro kong ayos na ang kanilang seatbelt ay agad ko namang inayos ang akin at tsaka sinabi sa driver na puwede na kaming umalis. Pagkarating namin sa mall ay agad akong bumaba at inalalayan ang mga bata sa pag-baba sa sasakyan. Sumunod rin naman ang yaya nila, at saka siya na ang umamalay sa apat habang ako naman ay agad na kinausap ang driver. "Manong, magte-text na lang po ako sa niyo kung mag-papasundo na kami, mauna na po kayo. Salamat po sa pag-hatid sa amin, ingat po kayo," tumango naman si manong at agad na nagpaalam. "Kayo din po, ma'am. Mag-iingat din po kayo, babalik na lang po ako mamaya. Paalam po," paalam ni manong at agad na pinaandar ang van paalis,tinignan ko naman ito hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin ko ang sasakyan. Pumunta naman ako sa pwesto ng mga anak ko na matiyagang naghihintay sa akin. Nang tuluyan na akong makalapit sa pwesto nila ay agad ko naman silang sinabihan na pumasok na kami sa loob ng mall. "Where do we go first? In toys store or In arcade?" tanong ko sa kanila ng makapasok kami sa loob ng mall. Nagisip naman sila at tsaka sila nagkatinginan, ayan ang sign nila kapag nakaisip na sila ng mapipilian nila. Pero sa totoo lang, pare-pareho talaga silang magkakamukha at hindi mapagkakaila na anak sila ng isang bakla, dahil nga sa isa din silang guwapo, pero anak ng isang malambot, maarte, at masungit na bakla. Napailing na lang ako sa isip ko. "Arcade first, mimi," ang pangatlo ko ang sumagot, nag-thumbs up naman ang tatlo na kinukompirma din ang kanilang desisyon. Tumango naman ako sa kanila at masaya silang inaya. Kay yaya nakahawak ang pangalawa at pangatlo ko, sa akin naman ang panganay at bunso. "Alright, so? Let's go?" nakangiti pa rin na sabi ko, busangot na mukha lang ang binigay sa akin ni jayden ng tanungin ko siya na agad namang sinundan ng isang tao at ngumiti ng kaunti. Sa palagay ko, badtrip na ito dahil kanina pa nakatayo at hindi na makahintay sa paglalaro. Hays, napailing na lang ako sa inasta niya. Kahit naman 3 years old pa lang sila ay marunong na silang magisip, kung tutuusin pa nga ay para na silang mga matured kung magisip. Pero hinahayaan ko na lang dahil mahilig pa rin naman silang maglaro ng mga pambatang laro, eh sa umiinom pa nga sila ng gatas sa bibiron. Pero nahihiya sila kapag may ibang nakakakita sa kanila kapag doon sila umiinom ng gatas. Nang makarating naman kami sa arcade ay agad akong bumili ng token sa halagang isang libo. Binigyan ko ng tigsingkwentang token ang mga anak ko, binigyan ko rin ang yaya nila ng makapag-enjoy naman siya kahit papaano. Nang matapos kaming naglaro sa arcade pumunta naman kami sa toys store upang bumili ng mga laruan nila na agad rin namang ipapamigay sa bahay ampunan. "You can now choose the toys you want," agad naman silang tumango sa 'kin. "Huwang kayong mag-hihiwalay ok? Kuya, tingnan mo ang mga kapatid mo. Yaya, bantayang mabuti ang mga bata." "Opo, ma'am. Tara na mga bata, doon lang po kami ma'am," tinanguan ko na lamang siya, nang makaalis sila ay napagpasya kong bumili ng mga laruan ng apo ni Manang Eli. Natapos ko ng mamili ng laruan nila, agad ko namang namataan ang mga anak ko at ang yaya nila na papunta sa akin dala dala ang dalawang basket at isang shopping cart ng kanilang yaya. Agad naman silang tumakbo sa 'kin ng makita nila ako. "Tapos na ba kayo?" ngumiti naman sila sa 'kin at saka ako sinagot ni jayden. "Already done, mommy. Let's go to the counter area, bayarin na po natin," at saka nagtungo sa counter area. "Mga anak, pagod na ba kayo? Kain muna tayo pagtapos nating magbayad sa counter ok?" tinanguhan lang nila ako at saka inilagay sa counter ang kanilang napiling laruan. Nang matapos ko ng bayaran ang pinamili namin ay napag desisyunan naming kumain na lang sa Jollibee. "Yaya, dito ka lang, ako na ang mag O-order ng pagkain natin," agad naman akong nagtungo sa pila. Mga ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako naka-order. "Good morning, ma'am. What is your order?" nakangiting sabi ng babae sa 'kin, nakangiti ko rin itong sinagot. "Good morning too, Ahmm 1 bucket of chicken joy, 4 spag, 4 medium french fries, 5 sundae. That's all," agad naman niyang sinunod. Nang matapos kong mag-order ay agad din akong bumalik sa upuan namin kasama ang isang kuya na buhat-buhat ang mga pagkain namin. "Thank you." "Your welcome, ma'am. Enjoy your meal," at saka siya nag excuse na aalis. "Ok, you can eat na. Mga anak dahan-dahan sa pagkain, huwag magmadali." "Yes, mommy. You can eat too, don't worry hindi po kami magmamadali sa pagkain," nginitian ko naman siya at saka ako nag-simulang kumain. Naging maayos naman ang pagkain namin, nagpahinga muna kami sandali bago ko napagpasyahan na dumiretso sa bilihan ng mga damit pangbata. Hindi rin nagtagal ay agad akong natapos sa pamimili ng mga damit para sa mga apo ni Manang Eli, dumaan rin kami sa pangmatandang damit para sa yaya nilang kasama namin ngayon. Sinama ko na ring bilhan ang mga damit ng anak niya. Agad naman kaming nasundo ni Mang Jun, siya na rin ang naglagay ng mga pinamilhan naming mga damit at laruan. "May dadaan pa po ba tayo, ma'am?" tanong ni Mang Jun sa 'kin. "Wala na po, sa bahay na po tayo dumiretso," tinanguhan niya na lamang ako. "Kids, nakakabit na ba ang mga seatbealts niyo? Yaya paki-check naman." "Maayos naman pong nakakabit, ma'am," tinanguhan ko lang siya at saka nilingon ang mga anak kong tahimik na nagmamasid sa labas ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD