NATASHA'S POV
"Why? Are you hungry? Anong gusto mo? Ipapabili ko sa secretary mo, sakto gutom na din ako dahil ang tagal mong dumating kanina," nakairap n'yang sabi sa akin, tsk. Ako ang mas nagutom dahil ang traffic sa EDSA. "Bilis na habang mabait pa ako," nakataas kilay n'yang sabi sa akin.
Napairap na lang ako, ang sungit nitong baklang 'to. Mabulunan ka sana pag kumain ka, nang makabawi naman ako sa ginawa mo kanina.
"Pizza, Jollibee Spag- Fries, Sundae, Burger King, and Milktea will do. Iyong flavor ng milktea a wintermelon ok? 'Yong large tutal libre mo," nakangiti kong sabi, haha ang Lt ng mukha n'ya. Bigla s'yang sumimangot dahil ang dami kong inorder. Buti nga sa'yo.
"Buy 1 Take 1 ang Milktea ok? Mura lang naman 'yon," mas lalong bumusangot ang mukha n'ya, pft. Napabungisngis ako sa itsura n'ya kaya tinarayan n'ya ako, pero sa huli pina-order n'ya 'yon sa secretary ko.
"Secretary Anji, bilhan mo kami ng makakain. Paki-lista baka hindi mo makabisado sa dami ng inorder n'ya," nakasalubong ang kilay n'yang sabi at bumali sa dati niyang itsura ng makapasok si Secretary Anji sa loob ng office n'ya. Aba! Na'san ang bading na 'yon? Ba't nag iba ang mukha n'ya no'ng may pumasok na ibang tao.
"Yes Sir. Ano po bang ipapabili n'yo?" tanong ni Secretary Anji habang may hawak na notes at ballpen.
"Pizza, Jollibee Spag- Fries, Sundae, Burger King, And Milktea Wintermelon flavor. Buy 1 Take 1. Lahat 'yan tig-dadalawa ang order, idagdag mo na din ang pagkain mo. Order what you want. That's all, you can go out now," seryoso n'ya pa ring sabi niya.
Nagpaalam na ring lumabas sa akin si Secretary Anji. Hays, tignan mo 'to bumalik na ulet sa kanina n'yang expression.
"Napapansin ko lang. Kanina tayong dalawa lang ang tao, hindi ka naman seryoso na akala mo isa kang lalaking-lalaki. Pero ng pumasok na si Secretary Anji, naging seryoso ulit 'yang mukha mo katulad ng pag-pasok ko dito kanina. Iyong totoo? Wala ba silang alam na bakla ka? I mean, no offense ha? Naguguluhan kasi ako." Nagtataka kong tanong sa kan'ya dahil napansin ko iyon, kaya hindi ko pina-lagpas. I want to know kung ano ang reason n'ya, pero kung ayaw niyang sabihin ay okay lang, I respect his decesion.
"Walang may alam na bakla ako. My lola and ate lang ang naka-kaalam. Well, kabilang ka na do'n. Ayokong ipagsabi sa kanila dahil alam mo na? Peperahan ako ng mga lalaki kapag gano'n. I don't want that, ayoko ding pag-salitaan ako ng masasakit na salita dahil sa isang, you know na bakla ako." Nakangiti n'yang sabi. Ahh, kaya pala. Buti at nakakaya pa niyang ngumiti sa kalagayan niya.
"Pero, what if may makaalam na isa kang bakla? Anong gagawin mo? Tiba minsan may mga taong malaman lang nila ang baho mo, gagawin nila ang lahat para lang mapabagsak ka dahil sa isang bagay o uri na kung anong meron ka. Idadamay pa nila ang pamilyang meron ka." tanong ko, hindi ba mahirap iyon?
Na hindi n'ya naipag sigawan sa mundo ang tunay n'yang pagkatao. Pa'no n'ya magagawa ang lahat ng gusto n'ya? Ang hirap siguro sa side n'ya 'yon.
"It's ok for me. Kahit na hindi nila alam na gan'to ako, atleast tanggap ako ng lola at ate ko. Sila na lang kasi iyong pamilya ko, hindi ko kakayanin na, iyong mismo kong pamilya ang mag do-down sa akin dahil lang sa kung anong kasarian ang meron ako. Wala akong pakialam sa sasabihin nila, hindi ako matatakot kung ano ang sasabihin nila. Pero once na pamilya ko na ang tinitira nila? Ibang usapan na 'yon."
Wow, ang tapang n'ya. Ok lang na s'ya ang masaktan, huwag lang ang pamilya n'ya. Well, kung ako din naman ang nasa sitwasyon n'ya, 'yon din ang gagawin ko.
"Pag nalaman nila iyon? Ok lang atleast wala akong natatapakang ibang tao. I want peace, pero hindi naman mawawala ang sakit at problema, hindi ba? Kaya kung ano mang pagsubok 'yan. Malalagpasan at mala-lagpasan natin 'yan. Walang tao ang ginawa ng diyos na hindi marunong malagpasan ang nakatadhanang mangyari sa atin." Tama, diyos mismo ang gumawa ng tadhana kung ano ang nararapat sa atin.
Siguro nga, totoo din ang tadhana pero sa diyos pa rin nang-galing ang lahat ng pagsubok at problemang dapat nating kaharapin. Dahil doon babasehan ng diyos kung karapat-dapat tayo sa nakatakda sa atin. Ang diyos mismo ang gagabay sa atin once na napagod tayo, sa kan'ya tayo huhugot ng lakas kung maubos 'man tayo dahil sa problema.
Napangiti na lang ako, kahit na masama sa diyos ang kan'yang kasarian, hindi pa rin s'ya nakakalimot sa diyos. Hays, manang-mana talaga sa kan'ya ang mga anak n'ya.
"Kahit na masama sa mata ng diyos ang kasarian ko, hindi pa rin mawawala na isa akong lalaki. Na kahit, ang puso ko ay isang babae, pero ang buong pag-katao ko ay purong lalaki. May taong naka-tadhana sa akin, tatanggapin ako sa kung anong kasarian ang meron ako," nakangiti n'yang sabi, kaya napa-ngiti na din ako.
"Yeah. Tama ka, may taong handang tanggapin kung anong meron ka, hindi lang sa labas na anyo, hindi lang sa yaman na mayroon ka, hindi lang sa kung anong ang-king talino ang mayroon ka. 'Yon ay may dahil mabait ka hindi lang sa loob kundi pati na rin sa labas. Walang bakla ang hindi umiibig sa kapwa nating babae. Tamang hintay lang, darating din 'yan. Just wait," nakangiti kong sabi sa kan'ya. Kitang kita ko ang tuwa sa kan'yang mga labi kundi pati na rin sa kan'yang mga mata.
Naistorbo lang kami sa pag-uusap ng may kumatok sa pintuan. Siguro si Secretary Anji na 'yan. Hays, gutom na gutom na ako.
"Come In!" sigaw ni Jarred.
Agad namang pumasok si Secretary Kim sa loob ng opisina ni Jarred, bumulaga sa akin ang marami niyang bitbit na pagkain. Natatakam tuloy ako.
Agad namang inilapag ni Secretary Anji ang mga pagkain sa table ni Jarred. "Sir, ito na po iyong mga pag-kain niyo. Mauuna na po ako."
"Thank you, you can eat now."
She just nod at me, at dali-daling lumabas sa opisina. Nang maka-labas na si Secretary Anji ay agad ko ng linamutak ang mga pag-kain ng hindi pina-pansin si Jarred.
"Wow ah! Hindi mo manlang ako inimbita? Hiyang-hiya ako ah? Thank you, 'teh ah?"
Nginitian ko lamang siya at saka ako nag-patuloy sa pagkain. Damn, ang sarap pa rin pala kapag libre. Bahala ka diyang mag-laway na bakla ka, hehe.
Padabog naman siyang naupo habang naka-simangot na nakatingin sa akin. Ba't ang pogi niya kapag nakasimangot? Hays, bakit kasi hindi na lang din siya kumain?
"Kain kana, ang sarap ng mga pagkain. By the way high way, thank you sa pagkain. Huwag ka ng sumimangot diyan, hindi bagay sa'yo nagmu-mukha kang pato," sinamaan naman niya ako ng tingin. Ehh?
Nang hindi ko siya pinansin ay kumain na lang din siya, kakain din naman pala siya eh. Ang dami pang arte.
"Ang sarap talaga, by the way high way thank you sa libre." Pero ang gaga ay inirapan lang ako.
Nang matapos kaming kumain ay agad akong nag-paalam sa kaniya.
"P'wede na ba akong umuwi? Hindi pa kasi ako nakaka-pagpahinga mula pa kagabi," nag-aalala na din kasi ako sa mga bata, baka naging makulit sila do'n sa bahay.
"Wow! Ano iyon, kakain ka lang talaga dito? At tsaka isa pa, ang aga pa lang. It's 12:30 Noon, puwede ka namang mamaya na lang uuwi. Bakit may nag-aantay ba sa iyo sa bahay? Wala naman tiba, sa pagkaka-alam ko wala ka naman ng pamilya, nag-iisa ka na lang right?"
Oo nga pala, naka-hidden agenda ang pag-katao namin dito sa pilipinas, onti lang ang nakaka-alam na may mga anak ako.
"Ahmm, yes. Ako na lang mag-isa pero kasi kailangan ko ng mag-pahinga. May jetlag pa ako, kung hindi lang sana maaga ang schedule natin, edi sana nakapag-pahinga pa ako."
"Bakit ngayon agad? Mamaya na lang, magke-kwentuhan pa tayo, petch," napangiwi naman ako sa tinawag niya sa akin. Kanina ko pa talaga napa-pansin na petchay tawag niya sa'kin.
"Napapansin ko lang bakit ba palaging petchay ang tawag mo sa akin? Kanina mo pa 'yan sinasabi."
"Bakit ba? Eh sa gusto ko eh, napaka-pakialamers mo," napairap niyang sabi sa'kin.
"Tss, oo na. Puwede na ba akong umuwi? Pagod pa ako eh, gusto ko munang mag-pahinga at tsaka inaantok pa ako," bapa-buntong hininga muna siya bago ako sagutin.
''Okay, you can go now," napangiti naman agad ako at tsaka tumayo, kinuha ko naman ang mga gamit ko. "Hatid na kita sa labas ng kompanya," at tsaka siya tumayo at nag-lakad papuntang pintuan.
Kaya naman pala, mas nagmumukha siyang tunay na lalaki kapag ganyan ang laging gagawin niya. Parang hindi bakla kung umasta eh. Hays, pa'no niya kaya 'yon nagagawa?
"Paano iyong mga kalat? Sino mag-lilinis niyan?"
"Iyong tagalinis ng opisina ko. Hayaan mo na iyang kalat na iyan, sila ng bahala diyan," at lumabas na ng opisina, kaya naman ay sumunod na ako.
"Teka lang! Ang bilis mo namang lumakad. Wait lang, hintayin mo'ko." Hingal na hingal naman akong lumapit sa kaniya ng maabutan ko siya. Agad ko siyang hinampas sa balikat.
"Damn, huwag mo nga akong hahampasin. Ikaw hambalusin ko diyan eh, hambalusin kita ng mga 350 degree tignan natin kung hindi ka masaktan," naka-irap niyang sabi sa akin.
"Sus, ito naman."
Nang makarating kami sa tapat ng building ay agad na akong nagpaalam sa kaniya.
"So paano? Mauuna na ako. Kita na lang tayo kapag papasok na ako. Bye!" Tinanguan niya lang naman ako, kaya naglakad na ako patungo sa parking lot at sumakay sa kotse.
Agad naman akong dumating sa mansyon, dahil hindi naman gaanong traffic kapag pasado alas dose na ng hapon.
"Kids! Mommy is here! Nasaan na kayo?" tanong ko ng maka-pasok ako sa bahay. Nang marinig nila ang boses ko ay agad silang nagsitakbuhan papunta sa akin.
Agad ko naman silang niyakap at hinalikan sa pisngi. "Kamusta kayo? Hindi naman kayo naging makulit kay Manang Eli right? I'm sorry kung ngayon lang ako dumating, nakakain na ba kayo?"
"It's okay, mommy. And yes, tapos na po kaming kumain," ang cute talaga nila kapag nag-sasalita ng tagalog.
"Okay, that's good. Sa kwarto muna si mommy mga anak, napagod talaga ako. Hindi pa ako nakaka-pagrest, mag-laro muna kayo. Huwag lang kayong mag-papawis ah? Sorry walang dalang pasalubong si mommy, bukas pupunta tayong mall ha? Oh sige na, maglaro na kayo." Nakangiti kong sabi at isa-isa silang hinalikan sa nuo. Ngumiti at hinalikan lang nila ako sa pisngi.
"Yaya, paki-bantayan muna sila. Paki-check din minu-minuto kung may pawis na sila sa likod, huwag mo din silang pabayaan na nasa hagdan. Baka kasi mahulog, lagi mo din silang bigyan ng tubig. I'll go now, magpapa-hinga muna ako, I have a jetlag pa."
"Opo, ma'am. Ako na pong bahala sa kanila," tinanguan ko na lamang siya at tsaka ako pumunta sa kwarto ko.
Nagpalit at nagtanggal muna ako ng make-up ko bago ako natulog sa kama kong malambot.
Nagising lang ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Ma'am? Sorry po sa istorbo, pero bumaba na daw po kayo sabi ni Manang Eli, kumain na daw po kayo ng hapunan kasama ang mga bata. Nag-hihintay na rin po ang mga bata sa hapag-kainan."
"Sige! Susunod ako, pakisabi sa mga bata hintayin ako. Maghihilamos lang ako ng mukha."
"Masusunod po, ma'am." Nang marinig ko ang yabang niya paalis ay agad akong bumangon at dumiretso sa C.R. at nag-hilamos.
Agad naman akong bumaba papunta sa dining table, at doon nakita ko ang mga anak ko na tiyagang nag-hihintay sa akin na bumaba sa kwarto.
"Mommy, let's eat na. Gutom na po kami."
"I'm sorry, wait let's pray muna bago kumain. Josh? Lead the prayer anak, para makakain na tayo," Agad naman niyang tinanguan.
"Dear god, heavenly father, thank you for the meal that we are about to eat. Please bless our food and help our bodies to use this food to nourish us and keep us healthy. In Jesus' name we pray, Amen."
"Let's eat na. Huwag kayong mag-mamadali sa pag-kain, dahan-dahan lang," tinanguan lang nila ako at tsaka sila nagsimulang kumain, kaya naman ay kumain na din ako.
Nang matapos naming kumain ay agad ko na silang pinahugasan ng katawan.
"Maghugas na kayo ng mga katawan mga anak, tapos diresto tulog na dahil anong oras na oh. Huwag na ding gagamit ng gadget kapag bed time na, masama iyan sa kalusugan mga anak."
"Yes, mimi. We understand, but you promise na pupunta tayong mall bukas?" ay, oo nga pala. Pupunta pala kaming mall bukas, naka-limutan ko na naman. Buti na lang at pina-alala ni Joaquin.
"Ahm, yes. So dapat maaga kayong matulog. Sige na, akyat na kayo sa kwarto niyo. Susunod ako doon."
"Yes po," at umakyat na ng hagdan papunta sa kanilang kwarto
"Yaya, paki-sundan ang mga bata, paki-asikaso na rin sila. Susunod ako doon," tinanguan niya lang ako at tsaka siya sumunod sa mga bata.
Agad naman akong dumiretso sa garden upang magpahangin, umupo naman ako sa upuan na nando'n sa garden.