NATASHA'S POV
Nagtungo ako sa iisang opisina sa 10th floor na sa palagay ko ay iyon ang office ng CEO. Habang naglalakad ako patungo sa office ng CEO ay bigla akong kinabahan. Isinawalang bahala ko na lang iyon dahil baka guni-guni ko lang.
Kumatok muna ako ng tatlong beses at hinintay ang permiso ng tao sa loob.
"Come in!" sigaw ng isang malalim na boses.
Pagkapasok ko ay agad kong namataan ang isang babaeng naka-upo sa isang tabi, siguro ay siya si Secretary Anji. Pagkatapos ay tinignan ang lalaking nakaupo at nakayuko sa isang wheel chair. At may nakalagay sa kanyang mesa na MR. JARRED SANCHEZ -CEO.
Ewan ko ba bakit ako kinakabahan, masyado siyang seryoso. I cleared my throat "Ahhm. I'm sorry, I'm late," mabuti na lang at hindi ako nautal, Gosh.
"Hmm. It's ok, you're 15 minutes late. Let's get started because I still have work to do." Seryoso niyang sabi habang hindi pa din nag-aangat ng tingin. Tsk, seryoso naman nito. Ako din naman, gusto ko pa sanang magpahinga dahil pagod ako sa byahe.
"Ok," tipid kong tugon, hindi ko alam kung ngingiti ako o ano dahil nakakapanghina ng presensya niya. "Ms. Anji, you can go now. I call you if I need something, Thanks." Agad naman niya akong tinanguan.
"I'm just outside, Ma'am, Sir. Just call me if you need anything," nakangiti niyang sabi. I just nod at her, while this man beside me ay tinaas lang ang kamay na sinasabing lumabas na lang.
Tsk. Ang bastos nitong lalaking 'to. Alam naman niyang nandito ako ba't 'di niya ako tignan, nakakabastos sa totoo lang.
"Why do you want to merge the Sanchez Company and Alegria Company?" seryoso at malalim na boses ang kaniyang pag-kakasabi.
"I want to merge your company. Nothing more, nothing less. That's all," Seryoso kong sabi.
"That's it? I mean, why?" Seryoso pa din niyang sabi ng hindi 'man lang nag-angat ng tingin.
"Nangangailangan din kami ng kagamitan sa Ospital. Because one of your company is well-known. Kayo ang nasa ibabaw, nasa inyo ang trust ko," ang hirap naman niyang kausapin. "Kailangan na naming baguhin ang mga kagamitan sa Ospital, dahil puro luma na iyon. At baka maka-apekto pa iyon sa kalusugan ng mga nasa loob ng ospital," nakangiti kong sabi at umupo sa upuan ng nasa harap nya.
"Well, you need to be come my secretary. That's all I want. Doon ko babasehan kung kailangan talaga ng ospital mo ang company ko." At nag-angat ng tingin sa akin. Tila parang binuhusan ng tubig ang mukha ko, naramdaman ko din ang pag wala ng dugo sa mukha ko.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, I'm shock. S-sya ang ama ng mga anak ko. The father of my babies. Bumilis din ang t***k ng puso ko, kinakabahan ako na baka maalala nya ako.
"Miss Natasha!" rinig kong sigaw nya kaya bigla akong natauhan.
"Y-yes? W-what is it?" Mautal utal kong tanong, dahil kinakabahan talaga ako. After 3 years, dito ko siya makikita. Akala ko walang posibilidad na magkita kami dahil nga malaki ang pilipinas. Pero mukhang nagkamali ako.
"I said, are you ok? Para kang nakakita ng multo. Iyong mukha mo biglang namutla" Masungit niyang sabi. Bakit parang ang guwapo niyang tignan? Hays, 'di ko alam na nagiging manyakis na pala ako.
"Ahh.. Yes, I'm okay." Gusto ko sanang ngumiti kaso baka mauwi lang sa ngiwi. "Papayag na ako na maging secretary mo. Basta habang nagtatrabaho ako sayo ay mayroon ng kagamitan para sa ospital. Kailangang kailangan na talaga namin ang mga kagamitan," and walked over to the chair in front of him to sit there.
Sana lang ay 'di niya ako matandaan, dahil lagot na. Sobra-sobra ang kaba ko, 'di dahil kaharap ko ang CEO ng kompanyang pagkukunan ko nang kagamitan kundi dahil nasa harapan ko mismo ang tatay ng mga anak ko.
"Ok, it's settled then. This is also where you should work. Where I am you should be there too." At tumayo sa kan'yang kinauupuan. "You will obey everything I command, because when not? You will receive a punishment you will not want." Pagkatapos ay inilahad ang kan'yang kamay. I just nod at him.
At tinanggap ang kan'yang kamay upang makipag shake hands. Bakit parang kinakabahan ako sa punishment na matatanggap ko once na 'di ko siya sinunod? Hays, ang paranoid ko lang siguro. Bahala na nga.
Hays, This is trouble. "Okay, anything else? You know you're handsome, but I can sense na you're something na 'di ko maipaliwanag." Hindi ko na napigilan ang lumabas sa bibig ko, na kaagad ko namang binawi. "But nevermind." Nang bigla akong nagulat sa sinabi niya.
"Yak? Iww! I'm not handsome noh?! I'm pretty. Ghad 'di ko na kinery ang pag-papanggap ko, like duh?!" Maarti n'yang sabi na ikinamaang ko. What the? B-bakla? Hah!?
'Yung tipong malalim na boses, maskuladong pangangatawan, poging nilalang ay isang beki? Or should I say he's Gay?!
'Di kinaya ng utak ko ang rebelasyon na ito. Gwapo ang mga anak ko pero 'di ko aakalain na galing sila sa isang bakla. I mean, I'm not against sa mga lesbian or gay, but ang hirap paniwalaan.
Tsaka lang ako naka recover no'ng tapikin niya ako sa balikat at pagkatapos ay nagsalita sya.
"Hoy? Girl?! Are you okay ba? Natulaley ka na d'yan." Maarte pa ring sabi niya. "Na inlove ka na ba sa'kin? Naku girl, 'di tayo talo. Hotdog ang gusto ko, hindi petchay." Nandidiri n'yang sabi at pinilantik ang mga daliri.
Hah?! Akala ba niya nagugustuhan ko siya? Lakas ng apog nitong bading na 'to. 'Di porket natulala, inlove agad? 'Di ba pwedeng nagulat lang? Sa'n ba 'to pinaglihi? Sobrang taas ng imahinasyon. Agad naman akong naka-rocover dahil sa sinabi niya.
"W-what the?! Bakla ka? I m-mean." Utal at 'di matuloy-tuloy na sabi ko. "Maskuladong pangangatawan, may malalim na boses, pogi? Pero ang hanap ay hotdog?! Sayang ka naman!" Halos isigaw ko na 'yon dahil sa gulat.
Kaya halos supalpalin niya ako dahil sa lakas ng sigaw ko. "Ay, bwiset! Makasigaw? Ang lapit ko lang sayo pero kung makasigaw ka eh, parang nasa malayo ako? And yes, for your information pwet mong may lotion 'pag ininjection magkaka impeksyon. I'm gay, problem with that, petchay?" napangiwi na lang ako, dahil sobrang arte n'yang magsalita.
"Wala, 'di ba pwedeng magulat? I mean, sayang ka. At tsaka pwede ba, 'wag ka ngang maarte mag-salita. 'Di magandang pakinggan." Nakangiwi kong sabi sa kan'ya.
Tinarayan lang niya ako. "Tsk. Pakialam mo ba? At least mas maganda pa rin ako sayo," nakangiti n'yang sabi habang nag iimagine sa kan'yang isipan.
"Ha?" maasar nga, makabawi ako sa ginawa nya. Naloko n'ya ako, akala ko lalaki s'ya, 'yon naman pala binabae.
"I said, paki-alam mo ba? At least mas maganda pa rin ako sayo. Bingi lang ang peg? Hay naku, girl." Maarte na n'yang sabi. Psh, pikon.
"Hotdog," nanlalaking mata naman s'yang lumingon sa akin. Eh?
"Na'san?" taka at excited n'yang tanong. 'Yong ano kaya 'yon? Tsk.
"Iyong ano?" taka ko din tanong, dahil para s'yang gutom na naghahanap ng makaka-kain.
"Iyong hotdog," nakangiti n'yang sabi. Ano ba iniisip nito? Pagkain 'yong sinabi ko. Nanlaki ang mata ko ng ma-realize kung ano ang iniisip nya. Oh god.
"Hahaha, ano ba iniisip mo? Pagkain 'yon! Mukha ka'ng hotdog! Kung ano-ano iniisip mo." Bwesit, ang feeling close ko.
"Makatawa wagas? Feeling close lang? Baka nakakalimutan mo boss mo ako," nakataas kilay n'yang sabi, Ha! Paepal na baklang 'to.
"Ows, talaga ba? 'Di pa nga ako naguumpisa, boss na agad kita? At saka kailan ba ako magsisimulang magtrabaho?" Aga-aga biniwiset n'ya ako. Ako na may-ari ng isang napakalaking company, eh magiging secretary lang.
Ano pa nga ba magagawa ko, kailangan ng ospital. Para naman may silbi ang pag punta ko rito sa pilipinas, I mean kami pala ng mga anak ko.
"Bukas ng umaga, petchay." At umupo sa kan'yang wheel chair. Humarap naman ako sa kan'ya sa gulat.
"Ano?! Nababaliw ka na ba? Ba't bukas agad, hindi ba p'wedeng sa susunod na araw nalang? Hello, kakarating lang namin. I mean ako, kahapon galing amerika. Tapos bukas ng umaga agad ako magtatrabaho sa'yo bilang secretary mo?" Tuloy-tuloy kong sabi. "Hindi ba p'wedeng mag-pahinga muna ako?" nakaka bwiset naman, I think hindi na ako p'wedeng mag pahinga.
"Yes, Miss Alegria. At tsaka, p'wede ba? Ba't ang ingay mo? Una natin 'tong kita or should I say meeting, ang dami mo ng reklamo." Pasaring n'yang sabi. "Oh, sige. Gan'to nalang, hindi ko nalang bibigyan ang ospital mo ng makabagong gamit. Okay na ba, Petchay?"
W-what the hell? Bakit ba puro petchay tawag niya sa akin? Mukha ba akong gulay? Punong-puno na ako ah. Hampasin ko kaya 'tong baklang to, tignan natin kung makapalag.
"W-what? Petchay lang itatawag mo sakin? Eh ikaw naman, Jar! Bwiset na 'to," naka-busangot kong saad. Ngiting wagi naman s'ya at hindi pinansin ang tinawag ko sa kan'ya.
"Ok, ano ng desisyon mo, petchay?" Nakangiti pa din n'yang sabi. Ano pa bang magagawa ko? Para naman 'to sa ospital, mas nangangailangan ang ospital ko kaysa sa 'kin.
"Fine! It's settled then," naka-busangot pa ring sabi ko, hintayin mo lang na gumanti ako. Lintik lang ang walang ganti, kahit ikaw pa ang ama ng mga anak ko.
"Ok. Oh? Ba't ka nakabusangot? Hahaha, tignan mo iyang mukha mo mukha kang unggoy sa itsura mo," natatawa at pang-aasar n'yang sabi sa sakin. Aba! Inasar pa ako! Halos umusok na ang mukha ko dahil sa inis.
"Bwiset na Jar ka! Ngud-ngod kita sa sahig makita mo! Wala namang boobs," balik na pang-aasar ko sa kan'ya. Kala mo ah, nanlaki naman ang mata n'ya dahil sa sinabi ko. Haha, Lt. Nagmumukha s'yang tarsier dahil sa mukha n'ya. Napabungisngis naman ako sa naisip ko.
"Ok, balik tayo sa main topic. As what I said, you're going to be my secretary." Ano pa bang magagawa ko? Sa kaniya nakasalalay ang ospital, ayoko namang may taong mamamatay dahil sa kaselfishan ko. Kahit na may namamatay namam talaga dahil nga hindi nila kinaya, pero ayokong masaktan ang pamilya ng may namatayan.
"Except sa pagiging secretary ko sayo, ano pang kailangan kong gawin? At anong oras ako mag uumpisa at matatapos sa shift ko?" tanong ko. Hays, sana naman ay 9:00 A.M. to 5:00 P.M. na lang para makapag-bonding ko pa ang mga anak ko. Kailangan ko pang bumawi sa kanila dahil nga, lagi nalang akong busy sa trabaho. Kaya't pasalamat ko nalang na mayroong weekend, kaya nagkakaroon kami ng time para makapag bonding.
"Wala, iyon lang naman. Kailangan mo lang, lagi mong ipaalala sa akin ang schedule ko. 8:30 A.M. to 5:00 P.M. ang shift mo simula Monday to Friday. Ang oras naman ng pananghalian mo ay 11:30 A.M. sa akin ka rin sasabay. Were going to Restaurant, dahil hindi ako sanay sa pagkain sa Canteen. Minsan iyong lola ko ang gumagawa ng baon ko dahil alam niyang mapili ako sa pagkain," halata ngang mapili siya sa pagkain.
"May tanong ako, huwag kang ma-offend ha?" Nakangiti kong tanong.
"Kinakabahan ako sa itatanong mo ah, ok go on. Ask me anything," napairap niyang sabi. Ho! Ako din kinakabahan, baka magalit siya. Pero bahala na, kanina pa talaga ito bumabagabag sa isipan ko. Kanina ko pa talaga ito gustong itanong sa kaniya.
"A-ahm, p-paano kung mayroon kang anak na hindi mo alam? Anong gagawin mo?" kinakabahan at nauutal kong tanong sa kaniya na ikinatawa niya lang. f**k!
"Hahaha! Ako mag kakaroon ng anak? What the eff*n h*ll? Anong klaseng tanong 'yan? 'Ni wala nga akong naka-s*x na babae eh, tapos mag kakaroon ako ng anak? Hello!? Bakla ako noh, at saka hindi ako pumapatol sa babae. Unless, I got drunk that time. Pero wala akong maalala na mayroon akong nakatalik na babae." Nakataas niyang kilay na sagot. Hindi niya talaga ako matandaan, pero okay na rin iyan.
Nasagot na niya ang katanungan ko. Kahit na masakit na tumawa sya sa tanong ko. Parang ako pa yata ang na-offend sa sarili kong tanong.
"Eh, paano kung mayroon ka na talagang anak pero hindi mo lang matandaan na mayroon kang naka one night stand? Tatanggapin mo ba ang bata, kung sakaling meron man?" tanong ko sa kan'ya na ikinatahimik niya at maya-maya ay nag-salita na s'ya.
"Well, kung meron 'man. Syempre oo, baliw kahit na bakla ako, mayroon akong paninindigan. At saka matagal ng gusto nila lola ang magkaroon ako ng pamilya pero dahil nga bakla ako, ayoko muna. Pero I just want to enjoy my life muna. Pero kung nandyan na, wala na akong magagawa. Pero sa ngayon, sana wala." Nakangiting tipid na sabi nya.
Wow, sana all. "Ito, kahit na hindi tayo close. Ok lang bang maging friends tayo kahit na magiging secretary mo ako? I mean, i wanna be friends with you."
Napangiti naman agad siya ng hindi ko inaasahan. "Of course, we can be friends. Pero kapag oras ng trabaho, walang kaibi-kaibigan let's just be professional."
Ngumiti na lang ako sa sagot niya. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Ano ba iyan, wala bang makakain dito?
"May makakain ba dito? Nagugutom ako," naka pout kong sabi. Ba't ba ang gaan ng pakiramdam ko sa kan'ya? Dahil ba ama s'ya ng mga anak ko? I don't know.
Pa'no kung one day, he found out that we have a son's. Natatakot akong mag risk kapag kapakanan na ng mga anak ko ang usapan. Natatakot ako if one day, kunin n'ya sa akin ang mga bata kahit na hindi n'ya alam na may mga anak kami.
Lalo na ngayon, hindi n'ya ako matandaan nang gabing iyon. Ang malala pa, isa s'yang bakla. I don't know what to say. Natatakot akong magkita sila ng mga bata kahit na hindi n'ya 'to kilala, malaking gulo 'to. Pa'no na lang kung mayroon s'yang boyfriend, dahil nga isa s'yang gay.
Ayoko ding mahulog ang loob ko sa kan'ya dahil hindi naman s'ya mahirap pakisamahan. May pagkakalog rin s'ya na talaga namang ikina-same vibe namin.