NATASHA'S POV
Nang makarating kami sa pilipinas ay agad na nagreklamo ang mga anak ko dahil sa init. 'Di ko naman maiwasang mapangiti, paano kasi malamig na nga sa amerika naka-aircon pa.
"Mommy, you didn't tell us it was hot here," nakasimangot na sabi ni Jayden na agad namang sinang ayunan ng mga kapatid nya.
"Yeah, Mom."
"Yes, Mimi."
"Uhuh, Momma."
Kaya agad kong pinisil ang kani kanilang pisngi, akmang magsasalita na ako ng may tumawag sa pangalan ko.
"Natasha, Hija. Nandito ako!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Do'n ko naman nakita si Manang Eli. Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita si Manang Eli.
Agad kong sinabihan ang mga anak ko na pumunta doon at mag blessed sa Lola Eli nila.
Nang makarating ako sa kinaroroonan nila, ay agad akong nag blessed kay Manang Eli.
"Kaawaan ka, Apo," pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.
Si Manang Eli ang nakatulong ko noon sa panganganak, kasama si Daddy. Si Manang Eli ay 58 years old na, kaya para ko na rin siyang lola. Naging close din kami.
"Oh, siya. Halika na kayo mga Apo. Nandoon na ang Van na sasakyan natin. Jun! Halika, buhatin mo na ang mga gamit nila," na siya namang kinuha agad ng kasama n'yang matandang lalaki.
"Oh? Ano pang hinihintay niyo, tara na dahil baka gabihin tayo kung hindi pa tayo makakaalis," nakangiti n'yang sabi at hinawakan ang kamay nila Josh at Joaquin. Kaya naman ay ako na ang humawak kay Jayden at Johan.
Nang makarating kami sa van, ay wala pang tatlong minuto ng maka-alis kami. Ang apat na bata naman ay agad nakatulog dahil sa pagod ng byahe.
Wala naman ding nagsalita sa amin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng biglang pumasok sa isipan ko ang ama ng mga bata.
Hindi ko pa alam ang gagawin ko kung sakaling magtanong muli ang mga bata tungkol sa ama nila. Baka kapag nalaman sila ng ama nila ay kuhain sila sa akin.
'Di ako makakapayag no'n, dahil sa'kin lumaki ang mga bata. May karapatan ako. Natatakot akong dumating ang panahon na baka pamilyadong tao ang tatay nila.
'Di ko kakayaning masaktan ang mga anak ko. Kaya ko namang tustusan ang pangangailangan nila.
Nagising nalang ang diwa ko no'ng tinapik ako ni Manang Eli sa balikat.
"Hija, nandito na tayo sa inyong mansyon."
"Ok po, Manang Eli. Pasuyo na lang po, paki-tawag ang tatlong yaya. Pakisabihan po na tulungan akong buhatin ang mga bata," nakangiti ngunit inaantok na sabi ko. Dala na din siguro ng pagod.
"Oh siya, sige. Maiwan na muna kita at tutulungan ko munang buhatin si Jun sa mga gamit niyo," tinanguan ko na lang siya.
Maya-maya pa ay dumating na ang tatlong yaya na pinatawag ko kay Manang Eli.
Dahan-dahan at isa-isa nilang binuhat si Johan, Josh, Joaquin. At ako naman kay Jayden, baka kasi kapag sila ang nagbuhat ay singhalan sila.
"Pakiakyat naman sila sa kwarto nila," utos ko sa kanila, na agad naman nilang sinunod.
Pagkarating sa kwarto ay isa-isa silang nilapag sa kama nila. Pagkatapos nilang ilagay ang bata sa kama ay pinaalis ko na sila.
"Ok, thanks. You can go now. Ako ng bahala sa kanila," they just nood at me.
Pagkalabas nila ay pinalitan ko na sila ng kanilang mga damit. Sinuotan ko sila ng Pj's nila dahil malamig ang aircon.
Nandito ako ngayon sa aking kwarto, pinasadahan ko ito ng tingin. Wala pa ring pinag-bago, katulad parin ng disenyo. Mabuti na lang at naaalagaan nila Manang Eli ang kwarto kong ito.
Hays, pumunta muna ako sa side table ko. Nakita ko doon ang isang album, kaya't tinignan ko ito. Naalala ko, na ito pala ang picture ng mga anak ko noong panahong ipinagbubuntis ko sila. Nandito rin ang picture noong ipinanganak ko sila.
Magaganda ang mga ngiti kong iyon, kahit na mukhang pagod dahil sa kakapanganak sa apat kong anak, ay 'di ko maiwasang hindi mapangiti.
Nawala ang lahat ng paghihirap ko, nang maisilang ko sila. I'm happy that i have a son's like them. My cute and handsome little kitten.
Nang matapos kong tignan ang album, ay siya ring pag-tunog ng Cellphone ko. Kinuha ko muna, baka importante ang nagtext.
Send Message From:
*Secretary Kim*
Tuesday 12:00 A.M.
[Good Day, Ma'am. You may forget that you have a meeting with Sanchez Company. Mr. Jarred Sanchez will face you. 8:00 in the morning.]
Message To:
*Secretary Kim*
Tuesday 12:02 A.M.
[Thank you, for remind me. Have a good day, too. My only one question is, have you informed my secretary here in the Philippines? I need him tomorrow.]
Muntik ko ng makalimutan na mayroon pala akong meeting. Hays, masyado na akong maraming iniisip. In less than five minutes my cellphone rang again.
Send Message From:
*Secretary Kim*
Tuesday 12:05 A.M.
[Yes, Ma'am. I'm already inform him.]
Message To:
*Secretary Kim*
Tuesday 12:08 A.M.
[Ok, Thanks.]
Hindi ko na hinintay pang mag-reply si Secretary Kim. Inaantok na ako, dumiretso muna ako sa C.R. upang magpalit ng Pj's ko. Naglinis na din muna ako ng mukha dahil sobrang lagkit ko na.
Agad akong dumiretso sa kama pagkatapos kong mag-palit at mag-hilamos ng mukha. Wala pang sampung minuto ng makatulog ako.
Nagising nalang ako sa tunog ng alarm clock. It's 6:30 in the morning, kaya kailangan ko ng kumilos.
Naligo muna ako bago bumaba, para pagkatapos kumain ay diretso na ako sa Sanchez Company.
"Magandang umaga, Manang Eli. Handa na po ba ang breakfast ko?" I ask.
"Magandang umaga din sa iyo. Oo, Hija. Teka sandali, nasa'n ang mga bata? Hindi ba sila sasabay sayong kumain? Bakit ata ang aga mong nagising at parang may lakad ka pa," takang tanong niya.
"They are still sleep, Manang. Just wake up them kung 8:00 na. May meeting pa po akong pupuntahan," at sumubo ng pagkain sa bunganga. Hays, trapik pa naman dito sa Manila. "Pakibantayan po muna sila. Just call me if there's a problem," paalala ko kay manang, na tinanguhan niya lang.
"Kamusta ang buhay sa amerika, anak? Hindi ka ba nahirapan doon?" tanong ni Manang Eli. Ngumiti naman ako bago sumagot.
"Hindi naman po. May times na minsan nahihirapan, pero kapag nakikita ko ang mga anak kong masaya, biglang nawawala ang pagod ko. I just enjoy lalo na sa pag-aalaga sa mga bata. May times na nawawalan na ako ng oras sa kanila dahil sa trabaho. Makukulit din sila pero kinakaya naman, kapag po sumusobra na sila sa kulit, doon ko lang sila papagalitan. Hindi naman umaabot sa pisikalan, I don't want my babies got hurt nang dahil sa akin. Kaya lagi ko silang iniintindi dahil nga bata pa lang sila." Nakangiti kong sabi kay Manang Eli.
"Mabuti naman kung gano'n. Ang mahalaga ay nagmamahalan kayo. Paano ang ama ng mga bata? Nakita mo na ba? Tiyak, naghahanap na sila nang kalinga ng isang ama," nag-aalalang sabi ni Manang Eli. That's my one biggest problem.
"Iyon na nga po ang problema, Manang. Nagtatanong na po sila sa akin tungkol sa tatay nila. Wala naman po akong masagot, dahil hindi ko din alam kung nasaan ang ama nila. 'Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya at mukha lang ang naalala ko sa tatay nila." Malungkot akong ngumiti kay manang. Tuwing nakikita kong malungkot ang mga anak ko dahil wala silang ama, hindi ko maiwasang hindi masaktan para sa kanila.
"Hayaan mo anak. May time pa naman para d'yan. Ang mahalaga hindi ka nag kulang sa pagmamahal mo sa kanila. Ikaw muna ang magiging ama at ina nila, ipaintindi mo sa kanila kung anong nangyayari. Sapagkat, matatalino ang mga anak mo," nakangiting sabi ni Manang Eli.
"Yes, I know. Matatalino ang mga anak ko. Pero hindi po kasi mawawala ang pag-tatanong nila sa ama nila. Kaya minsan sinasabi ko nalang na nandito ang ama nila sa pilipinas upang maiwasan ko ang tinatanong nila, dahil maski hindi ko din alam ang isasagot ko sa kanila." Nakangiti pero bakas pa rin ang lungkot sa mukha ko. 'Ni hindi ko manlang mabigyan ng kumpletong pamilya ang mga anak ko.
Dahil ang nanay nila ay isang kerengkeng, nakipag anuhan sa taong hindi kilala, ni pangalan niya ay hindi ko alam. Pero ang muka niya lang ang natatandaan ko.
Dahil nang magising ako kinabukasan niyon, ay agad akong umalis at hindi na ako nag-abalang lumingon sa kaniya.
"Salamat po, Manang." Nakangiti kong sabi.
"Oh, siya. Maiwan na muna kita dito, dahil marami pa akong gagawin. Mag-iingat ka din sa pag-drive." I smiled and nod at her.
Pagkatapos kong kumain, agad kong kinuha ang aking bag at pumunta sa garahe. Nakita ko doon si Manong Jun.
"Good Morning, Manong Jun. Naka-ready na po ba ang sasakyan?"
"Magandang Umaga din po. Opo, Ma'am. Chineck ko na din po kung may sira ba o wala, pero ayos naman lahat ng makina. Mag-iingat po kayo sa byahe," nakangiti niyang sabi. I just smiled and nod at her.
"Ahh, Ma'am. Ito po yung susi ng sasakyan.
"Oh, I forgot. Thanks." At saka ako pumuntang sasakyan at pinatunog. Nang tumunog na ay tsaka ako sumakay at pinaandar ang makina. Hinintay ko munang uminit ang makina at tsaka ako umalis.
My ghad. Namiss ko ang Manila, nasa EDSA na ako kaya automatic na trapik dito. Walang pinagbago, habang hindi pa umuusad ang trapiko ay tinignan ko muna ang cellphone ko kung anong oras na.
7:45 A.M. Mukhang malalate pa ako ah. Hays, kung minamalas ka nga naman oh. Napatingin ako sa cellphone ko ng mayroong tumatawag, Unregistered ang numero kaya sinagot ko na lang dahil baka importante. Kinonect ko muna sa sasakyan para hindi ako mabangga.
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya, habang tumitingin sa daan.
"Hello, Madam. Ako po si Yanni Anji, yung secretary niyo po." Sagot sa kabilang linya.
"Oh, I see. Why did you call?" I ask. Tsk. Buti naman at umusad na.
"Nasaan na po kayo? Hinihintay na po kayo ni Mr. Sanchez." s**t, 8:00 na. "Pinapasabi nya po na kung hindi pa po kayo darating, wala na pong meeting na magaganap."
"Just tell him na malapit na ako. Trapik dito sa EDSA, buti na lang at nakalabas na ako. Tell him na within 10 minutes nandiyan na ako." Hays, medyo binilisan ko na ang pag-mamaneho, baka mawalan pa ako ng mapag-kukunan ng makina para sa Ospital ko, kailangan ko pa naman iyon.
"Noted, Ma'am. Thank you po."
"Hmm, bye. I'm driving," hindi ko na siya pinagsalita at pinatay ang tawag.
Saktong nakarating ako doon ng malapit ng matapos ang 10 minutes. Nagtanong muna ako sa isang babae, kung saan ang office ni Mr. Sanchez.
"Good Morning, Miss. Where is the office of Mr. Sanchez? I have a meeting with him." Agad namang n'yang sinabi kung nasa'n.
"Good Morning too, Ma'am. Sa 10th floor po ang office niya," Nakangiti n'yang sabi.
"Ok, thanks."
Agad akong pumuntang Elevator, at pinindot ang 10th floor. Nang makarating sa 10th floor ay agad akong lumabas. Tinignan ko ang relo ko. It's 8:15 A.M. ay bwiset late na ako.
Masungit kaya ang taong kikitain ko? Hays, sana naman hindi dahil ayokong may buhay na mamasayang kapag hindi ako nakakuha ng makabagong makina para sa gagamitin sa ospital. Ok na ako na lang ang mag take ng risk for they're safety, ayokong matulad sila sa akin na wala ng mga magulang.
Wala ng natira sa aking kapamilya, We have a big hospital in the philippines. If ever na hindi ko makuha ang tiwala ng taong 'to, paano na. Sa akin ipinagkatiwala lahat ni daddy ang ari-arian n'ya, ayokong mawala na lang ito sa isang iglap kahit na marami pa kaming mga branches.
Pero mas mahalaga ang ospital, kaysa sa iba pang bagay. Minsan ngang nasabi sa akin ng mga anak ko na gusto nilang maging doctor para makatulong sa kapwa nila, nakita kasi nila ang mga bata sa ospital na nag-papagaling sa sakit nila. If they have a chance na maging doctor sila, alam kong gagawin nila ang lahat ng makakaya nila.
Hangang-hanga ako sa mga anak ko, dahil ang babata pa nila para maisip ang gano'n. Pero mas gusto kong mag-pakasasa sila sa pag-kabata nila dahil minsan lang iyon mangyari. Mabilis umusad ang panahon. Hindi mo mamalayan ang panahon dahil kusa lang itong gagalaw mag isa.
Wala tayong kakayahang magpabagal sa oras. Suportado ako sa disesyon nila, kung ano ang gusto nila doon ako. Sana lang kapag nakita ko ang ama nila, sana hindi sila masaktan once na may pamilya na ito. Ano na lang ang gagawin ko? If ang ama nila ay hindi sila tanggap, ako na lang ang magbibigay sa kanila ng lahat. Mas gugustuhin kong ako ang masaktan, 'wag lang ang mga anak ko. They're my precious gems, ni isang galos ay natataranta na ako, kaya hanggat maaari ayokong may masaktan sa kanila.
Nag-tungo ako sa iisang opisina sa 10th floor na sa palagay ko ay iyon ang office ng CEO. Habang naglalakad ako patungo sa office ng CEO ay bigla akong kinabahan. Isinawalang bahala ko na lang iyon dahil baka guni guni ko lang.