NATASHA'S POV
3 YEARS LATER
"Mommy!"
"Mom!"
"Mimi!"
"Momma!"
Sabay-sabay na sigaw ng mga anak kong nakukulit sa akin. Yes, they are my son's. Akala ko walang mabubuo, dahil lamang sa isang pangyayaring 'di ko inaasahan.
Mukha niya lang iyong naalala ko. I didn't expect that na mabubuntis ako. Blessing sila sa akin noong nalaman kong buntis ako kahit na 'di ko kilala ang lalaking nakakuha ng bataan ko at siya ring ama ng mga anak ko.
Noong nalaman kong buntis ako, ay siya ring pag-tanggal ko sa trabaho, dahil kailangan magtanggal ng mga employe sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang mga anak ko, 'di ko alam kung saan ako kukuha ng panggastos ko araw-araw para makabili ng vitamins na nireseta ng doctor noong nag pa-check-up ako.
Sobrang pasasalamat ko nalang na biglang dumating ang daddy ko na isa palang bilyonaryo. Matagal na raw niya akong hinahanap kaso nga lang ay magaling magtago sa akin si mama. 'Di daw kasi tanggap ni lola noon si mama dahil galing ito sa hirap.
Kaya noong nalaman ni daddy na ipinag-bubuntis ako ni mama ay pinahanap niya ako at si mama para mabuo ang pamilya namin kaso nga lang ay matagal ng patay si mama. Nawalan daw siya dati nang pag-asa kung paano kami hahanapin, at mabuti nalang daw ay ‘di siya tumigil.
Kaya noong nahanap ako ni daddy ay dinala niya ako sa states. Tinanggap niya din na may mga magiging apo na siya kahit na Eighteen Years Old ako noong nabuntis ako ng isang estranghero.
Noong apat na buwan na aking tiyan ko ay nagtataka ako kung bakit sobrang laki ng tiyan ko. Mayroon din akong naririnig na kesyo kambal daw ang anak ko, or marami. At tama naman sila, noong nagpa-check-up ako kasama si daddy ay saka ko lang nalaman na apat ang baby na nasa sinapupunan ko at puro pa sila mga lalaki.
Nabalik ako sa reyalidad nang hinila ako isa sa mga anak ko.
"Mommy. Were hungry," sabi sa akin ni Jayden.
"Yes, Mom." Sabi naman ni Johan.
"Yep, Mimi. I want so many of food for me ok?" nakanguso namang sabi ni Joaquin na akala mo 'di pinakain ng ilang araw dahil gutom na naman siya kahit na kakakain niya lang nang kinakain niya kanina.
"Uh-huh. Momma, roar," sabi naman ni Josh habang itinaas ang kanyang kamay na para bang isang tigreng gutom.
Ang panganay ko ay si Jayden Alegria, may pagka-masungit pero mabait at mapag-alaga sa kanyang mga kapatid. Ang pangalawa ko naman ay si Johan Alegria, siya naman ay may pagka-makulit, matakaw din sya sa mga pagkain. Ang pangatlo naman ay si Joaquin Alegria, may pagka-childish, kailangan lagi syang nasusunod. Ang pang apat naman ay ang aking bunso na si Josh Alegria, napakakulit sa kanilang apat, masyadong madaldal.
Sa aking apelido ang naka kabit sa kanila dahil 'di ko naman nakuha ang pangalan ng tatay nila, at mukha lang naman niya ang naalala ko noong panahong iyon.
"Ok. Let's go to the Mall. We’re gonna buy your things there ok? And then doon na rin tayu kakain. So go upstairs and change your clothes." Nakangiti kong sabi sa kanila at hinalikan ko sila sa kanilang mga noo.
Napangiti naman sila at nagtakbuhan paakyat sa kani-kanilang kwarto.
"Don't run! Baka mahulog kayo!" sigaw kong pahabol sa kanila.
Oo nga pala, nakakaintindi sila ng salitang Tagalog dahil iyon ang sinabi ko sa kanila once na umuwi kami sa pilipinas. Mayroon silang alam na lenggwaheng salita mula sa iba't ibang bansa.
Yun ay ang salitang Frech, Chinese, Korean, Japanese, Spanish, at ang Tagalog, syempre except lang sa English dahil doon sila mas fluent kahit alam nila ang mga salitang kaya nilang sabihin at inindihin. Tinuruan ko kasi sila noong isang beses na nakita nila akong nag-aaral ng mga salitang iyan.
They have a 115 IQ. Kaya sobrang talino nila kahit na 3 years old pa lang sila. 'Di ko alam kung saan nila namana iyon, basta thankful nalang ako na nablessingan sila ng gano’ng kakayanan.
Palagi silang nakahawak sa libro, minsan pa nga ay mas gusto nilang mga bagong libro ang ipasalubong ko sa kanila sa tuwing uuwi ako sa mansion galing trabaho. Sa akin na rin kasi ipinamana ni daddy ang kanyang kompanya. Ayon din ang last testament nya bago sya namatay noong nakaraang taon.
Hindi ko alam na may sakit pala siya noon. Saka ko lang nalaman noong nasugod siya sa ospital dahil sa heart attack, at doon na din siya binawian nang buhay.
Nagbalik ako sa reyalidad nang narinig ko ang mga yabag pababa ng hagdan. Alam kong ‘yong nga bulinggit ang nga iyon dahil ang iingay nila.
"Mimi! Ready na po kami!" sabi ni Joaquin sa akin habang pinapakita na ready na nga sila.
"Okay. Let's go," aya ko sa kanila at ina-lalayan silang ipasok sa sasakyan.
"Wear your seatbelt boys," paalala ko sa kanila. "Ok, I count of three. One... Two... Three... Go!" at sabay-sabay nilang sinuot ang kanilang mga seatbelt. Nang masuot na nila ay saka ko isinara ang pintuan at pumunta sa drivers seat at nagsuot ng seatbelt.
"Ok, here we go."
Nang makarating kami sa Mall ay nag-park muna kami ng sasakyan sa PIV parking lot dito sa Mall.
Dahil ako ang may-ari ng mall na ito. Marami pa kaming mga branch ng Malls, beach, Luxury Hotels, Restaurant, at marami pang iba.
Pagkatapos kong mag park ay tinanggal ko na ang seatbelt ko at binuksan ang pinto, dumiretso ako sa pintuan ng apat kong mga anak at binuksan ko ang pinto sa kanila, pagbukas ko ay nakita ko silang tinatanggal na ang seatbelt kaya nag-salita na ako.
"Tapos na ba kayong mag-tanggal ng seatbelt nyo boys?" tanong ko sa kanila.
"Aye, Aye, Madam." Sabay-sabay nilang sabi sa akin. At sunod-sunod na bumaba sa sasakyan. Nilock ko muna ang sasakyan upang hindi manakaw, mahirap na at lamborghini ang dala kong kotse.
Papasok na kami ng mall nang biglang mapunta sa amin ang atensyon. Agaw atensyon kasi ang mga anak ko na naka-suit pa na nag-hahalaga ng 10 milyon ang isa kahit sa mall lang ang punta ay mga nakasuit sila.
"OMG! Guys, look the four kids are so cute and handsome."
"Woah! they are Quardruplets?"
"She's like a doll."
At marami pang iba. Hindi nalang namin iyon pinansin at dumiretso kami sa isang mamahaling restaurant.
Pagpasok namin ay lumapit kami sa babaeng nagre-reserve kung saan nila ipapakita kung saan kami uupo.
"Where's the VIP Table for Alegria Family?" Tanong ko sa babae.
"This way Ladies and Gentlemen." at itinuro ang aming table.
Kasabay ng pag-upo namin ay siyang paglapit ng waiter.
"What is your Order, Ma'am Sir's?"
"Ahmm, 5 bucket of Chicken Wing, 5 Vegetables Salad, 1 Galoon of Ice cream with Rocky Road Flavor, 2 Boxes of Thin crust Mexican Pizza, and for a drinks 5 Cup of water and 4 Cup of Coke and 1 Wine AurumRed Gold. That's all, Thank you." at inilista naman nya naman lahat ng inorder ko.
"Right away, Ma'am. Thank you." Pagkatapos no’n ay umalis na sya.