NATASHA'S POV
Maya-maya pa ay dumating na ang order namin.
Pagkatapos ng isang oras na pagkain namin ay nagpahinga muna kami bago magbayad at lumabas sa Restaurant.
"Where are we going now?" tanong ko sa kanila at nag-iisip naman sila kung saan kami pupunta.
"National Bookstore!" excited nilang sigaw, kaya pumunta na kami roon.
"Okay, Let's go!"
Nang makarating kami sa National Bookstore ay agad-agad silang umalis at pumunta sa basket line. Nag kaniya-kaniya na silang kuha dahil alam ko namang babasahin nilang lahat iyon. Mukhang kailangan ko nang dagdagan ang Cabinet sa library namin sa mansion dahil halos puno na ang 20 naming cabinet na kasing tangkad ko lang ang taas. 5'9 ang height ko kaya medyo matangkad ako.
Hinayaan ko muna silang maghanap ng kailangan nila. Habang ako naman ay dumiretso sa Pocket books. Gustong-gusto ko kasing magbasa ng mga wattapad, Dreame books na mga napublish na. Mayroon din akong collection ng mga pocket book at mga nasa 5000 books na yata iyon.
Ayon kasi ang ginagawa ko kapag wala akong ginagawa at hindi masyadong busy. Kahit doon nalang ako magkaroon ng asawa, kaya feel na feel kong maging asawa ang mga leading man.
Pagkatapos naming mag-bayad ay dumiretso kami sa bilihan ng mga laruan.
Nang makapagtapos kaming mag-shopping ay umuwi na rin kami dahil gabi na rin. Kailangan pa nilang matulog dahil baka pagalitan ko sila kapag nagpuyat sila.
Nang madala ko sila sa kanilang kwarto ay binihisan ko muna sila ng pangtulog at pagkatapos ay hinalikan ko sila sa kani-kanilang mga noo.
"I love you my for little son's. Goodnight and sweet dreams." at pinatay ang ilaw na kanilang kwarto.
Saka ako pumunta sa kwarto ko. 'Di ko na ibala ang mga pinagshoppingan namin dahil inutusan ko na ang mga maid na ilagay iyon sa tamang lagayan.
Nang makarating ako sa kwarto ay dumiretso ako sa C.R. upang maghugas ng katawan at tanggalin ang make up sa mukha ko.
Nang matapos kong maghugas ay isinuot ko na ang roba at lumabas sa C.R. Pumunta na rin ako sa closet upang kumuha ng Nighty's ko. Pagtapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa higaan at natulog.
Nagising ako kinabukasan nang may nag-uusap na parang mga duwende sa aking kama. Kaya hindi muna ako nagmulat dahil alam kong sila iyon.
"Shh... Don't be loud or Mommy will wake up." Boses iyon si Jayden
"Okay. When I count to three we will tickle, mimi." Sabi naman ni Joaquin. Kaya't bago pa man nila gawin iyon ay inunahan ko na sila at sabay-sabay silang kiniliting apat. Kaya nabuo ang tawa sa loob ng kwarto ko.
"Mommy, stop pft it."
"Wahh! Pft,"
“Hahaha, stop it."
"That's enough, hahaha It tickling."
Tawang-tawang sabi nila, kaya itinigil ko na ang pag kikiliti sa kanila dahil baka ‘di sila makahinga.
"Good Morning, Mommy."
"Good Morning, Mom."
"Good Morning, Mimi."
"Good Morning, Momma."
Sunod-sunod nilang bati sabi sa akin kaya bumati na rin ako sa kanilang lahat.
"Good morning to my Handsome Son's." At kiniss ko sila sa kanilang mga noo.
Pumunta muna ako sa Mini Ref ko para kumuha ng Mineral bottles at isa isang binuksan. At ibinigay ko na sa kanila upang makainom sila ng tubig.
Nang matapos silang uminom ay inaya ko na silang bumaba sa dining area para mag-breakfast.
"Let's go to the dining area to eat breakfast." Sabi ko sa kanila at inalalayang bumaba sa kama. Sabay-sabay kaming bumaba sa ng hagdan ang nag-tungo sa Dining Area, para mag-agahan.
Pagkatapos naming mag-agahan ay inaya ko na silang maligo.
"Go to your room and take a bath." Nang matapos na kaming kumain.
Nagsi-akyatan naman sila at sumunod na rin ako dahil marunong na rin silang maligo na kani-kanilang mga sarili. Noong tinulungan ko silang maligo noong nakaraang araw ay sinabi ba naman sa akin na, 'Were big now mommy. Kaya na po namin maligo.' aba kay liit liit ganon na lang ang sasabihin sa akin, kaysa makipag-away sa kanila ay hinayaan ko na lang sila sa kanilang gusto.
Pero sumunod ako sa kanila, dahil baka mapano sila. Ayokong mapahamak sila nang dahil sa kapabayaan ko. Kaya't tuwing maliligo sila ay ipinapasama ko ang isa sa mga bantay nila para matingnan kung ano ang ginagawa nila.
Nang matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa kwarto ay siya ding pag-bukas nang kwarto ng mga anak ko. Wow! ang popogi talaga nila. Buti nalang at nag leave muna ako ng isang linggo para matutukan ko sila. Para na rin makapag bonding kami, dahil 'di ko sila nakakasama noong nakaraang araw dahil busy ako sa Alegria Company.
Sobrang daming gagawin sa kompanya kaya ginawa ko na lahat ng gagawin dahil nga nag-leave ako. At secretary ko muna ang bahala roon.
Irereport na lang niya sa akin kung ano ang nangyayari habang on leave pa ako. Sinabi ko na rin sa kaniya na kapag may problema sa company ay tawagan agad ako.
"Momma, maglalaro lang po kami nila kuya sa playroom." Paalam sa akin ni Josh, at nagsi-tanguhan naman ang mga kuya nya.
"Sige. Magpapadala na lang ako ng snacks and juice ok? Yaya pakisamahan nga sila."
"Masusunod po, Ma'am."
Saka sila umalis para pumuntang playroom. Habang ako naman ay pumunta kusina.
"Manang Letisha, Paki dalhan po ng snacks and juice ng mga bata. Thank you." Sabi ko kay manang noong nakita ko siyang nagbabalat ng sibuyas na para sa tanghalian.
"Oh siya, sige. Maiwan na muna kita," nakangiting sabi ni Manang Letisha.
Kaya nginitian ko nalang siya at dumiretso sa garden para magpahangin. Dala-dala ko rin ang Cellphone ko para matingnan kung may message bang galing sa secretary ko.
Recieves Message from:
*Secretary Kim*
Monday 8:34 A.M.
[Good Morning, Madam. There is a problem, you need to meet the CEO of Sanchez Company Empire if you still want your companies to merge in the Philippines. Tomorrow, Sir Jarred Sanchez is looking forward to your arrival. Thank You.]
Send Message to:
*Secretary Kim*
Monday 8:40 A.M.
[Ok, Book a Flight for me and to my kids. Thanks for the Information.]
Message Sent!
Kaya umakyat na ako sa kwarto ko at nag-impaki ng mga damit ko sa maleta. Pagtapos kong ma-impaki ang maleta ko ay dumiretso ako sa kwarto ng mga bata at nag-impake na rin ng mga damit nila.