KAPAG nagmamahal ka talaga ay nakakagawa ka ng mga bagay na alam mong mali. Walang ibang maisip na paraan si Camillo kundi ang pakasalan si Aria para hindi na siya nito maiwan kung sakali man na malaman ng babae ang kanyang lihim. Mali man ang kanyang dahilan kung bakit gusto niya itong pakasalan ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay kanya lamang si Aria. Mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang mawala. Alam niyang kakamuhian siya nito pero ang mahalaga sa kanya ay kanya pa rin ito. Kay Aria na lamang umiikot ang kanyang buhay ngayon. Natigilan siya sa kanyang mga iniisip nang may natanggap siyang tawag mula sa kanyang tauhan. "Yes, Hener?" tanong niya. Ito ang may hawak ng mga clients sa organization. "Don, may malaki tayong problema." Napakunot ang kanyang noo sa sinabi n

