UMUUSOK ang ilong ni Richard sa labis na galit. Naisahan siya kanina ni Camillo pero ganun pa man ay hindi siya makakapayag na hindi ito mailigpit. Unti-unti niya na itong mapapabagsak. Ngayon na inalis na siya sa organisasyon ay malaya na siyang gawin ang dapat. Sisirain niya ang pangalan ng pamangkin kahit ano pa ang mangyari. Hindi na nagkaaksaya pa ng panahon si Richard at nakipagkita siya kay Rafael Saavedra. Sa taong naging dahilan ng lahat. Kung bakit naging mafia ang kanyang kapatid at si Camillo---ang lahat ng yun ay dahil kay Rafael. Inagawa nito si Lorraine kung kaya gumanti ang kanyang kapatid hanggang sa ikinamatay nito. Ilalabas niya na ngayon ang iniingatan ni Camillo. Natitiyak niyang mawawala rito ang lahat... "Saan ka pupunta?" tanong ni Agnes sa kanya. "Meeting," sag

