NAGULAT pa si Richard nang makita niya si Lourdes sa labas ng kanyang gate. Hapong-hapo ito na tila ba galing sa pagtakbo. Madungis ang damit at magulo ang buhok. Dali-dali siyang lumabas upang pagbuksan ang babae. Kaagad niyang kinuha ang kanyang baril, mahirap na at baka may kasama ang babae. Tiningnan niya muna kung may kasama ito bago niya ito pinapasok. “Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong niya kay Lourdes. “Anong nangyari sayo?” “Pang limang hideout mo na ito na pinuntahan ko at sa wakas naman at tumatama ako. Hindi ka man lang man lang nag-abala na itakas ako mula kay Camillo. Hinayaan mong mabulok ako sa bilangguan nila mabuti na lang at nakatakas ako,” reklamo ni Lourdes sa kanya. “Pahingi naman ng tubig.” “Halika sa loob,” sagot niya. Mabilis siyan tumalima upang kuhaan i

