Stalker

3268 Words
"Dev, anak, how are you, sweetheart? When are you coming back here? I missed you so, sweetheart," paglalambing pa ni Dad sa akin nang sagutin ko ang tawag niya. Inayos ko pa ang laptop sa ibabaw ko upang mas makita ko siya nang maayos. Ang laki na nang improvement ni Dad simula nang magkaroon siya ng mild stroke noon. Malinaw na rin siyang magsalita ngayon. Dahil na rin sa tulong ng gamot at therapy niya. "Dad, I told you, hindi na ako babalik dyan. Masaya na ako at malaya rito sa Pilipinas. Dad, understand me, ito po at dito ang buhay na gusto ko. Please, wag mo na akong pilitin na bumalik dahil hindi na ako babalik dyan," sabi ko pa kay Dad habang kausap ko siya. Nakita ko pa ang lungkot sa mga mata ni Dad buhat sa sinabi ko. Pero gusto kong maging honest sa kanya. "Anak, hindi mo pa rin ba siya napapatawad hanggang ngayon?" seryosong tanong niya pa. At napatigil ako sa pag-scroll sa aking social media account dahil sa sinabi niya. Inabot ko ang beer sa tabi ko at mabilis kong tinungga ang laman nito. Ito yung tanong na ayaw kong marinig mula sa kanila. "Dad, hindi at hinding-hindi. Wag na natin siyang pag-usapan. Sorry, ayaw kong masira ang pag-uusap natin ng dahil sa kanya. At kung madali para sa inyo ni Kit na magpatawad, pwes sa akin ay hindi. Hindi ko kaya, Dad—" tumigil ako saglit sa pagsasalita upang huminga nang malalim. "Mahal na mahal kita, Daddy. Take care always. I missed you both and I love you. Dad, please, don't think too much about me, I'm good. I have my house, work, I have my own money, no worries. I can take care of myself. Masaya ako, Dad. I will call, Kit, later. Dad, don't forget to take your meds and update me as always." Binigyan ko pa siya ng matamis na ngiti. "Sure, sweetheart. I will not force you na maghilom agad ang puso mo. Instead I will pray for it. Take care, my sweetheart! Daddy, loves you more than you know…." Tumango pa ako at nag-wave sa kanya. At saka mabilis kong pinatay ang tawag niya. Until now, I don't get it na kung bakit ang bilis nilang patawarin ang babae na 'yon? Na para bang walang nangyari lang. Paano naaatim ni Dad na muling makisama pa sa kanya? Kinalimutan na ba nila ang kahihiyan na inabot namin dahil sa kanya? At mismong ako pa ang nakahuli sa ginagawa niya na pagtataksil sa mismong loob ng aming bahay. Habang nakaratay noon si Dad sa hospital dahil sa mild stroke. How I wish na hindi na lang ako umuwi noong araw na 'yon. Edi, sana ay wala akong ganitong pakiramdam ngayon. Tumayo ako at saka muling kumuha ng beer sa fridge. Wala akong planong magpakalasing dahil may work pa ako bukas sa shop. Pero dahil naungkat na naman ang bagay na pilit kong iniwasan at tinatakasan ay napainom na naman ako. Nagtungo ako sa veranda upang lumanghap ng hangin. "I hate her so much! I really hate her!" Malakas kong sigaw sa kawalan. "Get lost!' Sigaw ko pa. At muli kong tinungga ang hawak kong alak. Tumingala ako sa langit at ngumiti ng mapait. Masaya naman sana kami kung hindi lang nangyari ang isang bagay na hindi ko lubos maisip na magagawa niya. Isa pa naman siya sa mga taong hinahangaan ko dahil sobrang dedicated siya sa trabaho at sa pamilya namin. Ni hindi ko naranasan na maghirap nang dahil sa kanya. Pero hindi tama na maging mistress siya. Oo, my mom is a mistress! Naging mistress ng boss niya! At kahit pa inamin niya ang kanyang kasalanan at muli siyang tinanggap ni Dad, hinding-hindi ko na mabubura pa ang sakit na dulot ng ginawa niya, habambuhay! Inubos ko lang ang hawak kong alak at saka ako pumasok sa loob. Ayaw ko nang maalala pa ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan at inaalis sa sistema ko. At ang poot at galit para sa kanya ay mananatili na sa buong pagkatao ko. "Good morning, Philippines!" masiglang bati ko nang magising ako kinabukasan. Magaan pa ang pakiramdam ko nang magising ako. Nag-inat-inat pa ako bago ako tuluyang bumangon ng kama. Tinali ko muna ang aking buhok at saka ko inayos ang aking kama. Pinatay ko rin ang lampshade at aircon. Bago ako nag-stretching para mabuhay ang dugo ko sa katawan. Ilang minuto rin akong nag-stretching saka ako naglakad papasok ng shower room upang maligo. At maghanda sa pagpasok sa coffee shop. Hindi na ako gaano pang magtagal sa paliligo dahil naligo na rin naman ako kagabi. Tinuyo ko lang ang buhok ko gamit ang blower, nagpahid lang ako ng lotion sa buong katawan at saka ako lumabas ng shower room. Sa kusina ako nagtuloy upang maghanda ng almusal ko. Oats at dried fruits lang ang karaniwan kong almusal. Nagsalin din ako ng almond milk sa baso. At iniwan ko muna saglit upang kunin ang phone ko sa kama. Habang kumakain ay nag-scroll scroll muna ako. Sasabog sa dami ng friend request at notification ang social media account ko. Pero hindi ako interesado sa kanila kaya ignore ko lang silang lahat. Nang makatapos ako sa pagkain ay hinugasan ko na rin agad ang mga ito sa lababo. Pinunasan ko rin ang mesa at saka ako muling pumasok ng toilet upang mag-toothbrush. Inisa-isa ko pa ang damit ko sa loob ng aparador upang pumili ng isusuot ko ngayong araw. Kinuha ko ang white tees ko at isang denim short. Kinuha ko rin ang white sneakers at backpack. Mabilis akong nagbihis at nag-spray ng pabango. Nang masiguro ko na maayos na ang bahay at napatay ko na lahat ng appliances ay lumabas na rin ako ng bahay. Sakto naman at nasa baba na rin ang na-book ko na sasakyan. Kung kaya naman ay hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal. Pero hindi na talaga bago ang traffic dito sa Pinas dahil naabutan pa kami. Wala akong choice kundi aliwin ang sarili ko mula sa pagkabagot. Kaya as much as possible ay maaga akong umaakis ng bahay pero madalas, late pa rin ako. Kinuha ko ang laptop sa aking bag at nag-check ako ng emails. Pati na rin ng mga schedule ko. Next week pa naman ako pupunta ng Bohol para magbakasyon. Kaya kailangan kong tapusin ang mga trabaho ko this week. May ilang events ako na pupuntahan, sila ang mga kumuha sa serbisyo ko upang maging photographer sa mga events nila. Kaya hindi ko kailangan mag-worry when it comes sa pera. And also may savings din ako. Kaya kong mabuhay without any help galing sa ibang tao. Saka si Lolo ay pinamanahan ako ng lupain sa probinsya. If ever na kailangan ko ng pera ay easy for me. Pero hindi ko naman ibebenta 'yon. Dahil alala ko 'yon kay Lolo. Ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa shop. "Kuya, keep the change po." Sabay abot ko ng 100 peso bill. 6 pesos lang naman ang sukli kaya binigay ko na lang. Ngumiti siya sa akin saka nagpasalamat. "Morning!" masiglang bati ko sa kanila. May ilang mga customer na rin pala sa loob pagpasok ko. "Morning, Ms. Devy! You're so pretty today!" sabay-sabay pang pambobola ng mga junior crews namin. Tumawa lang ako habang napapailing. "Matagal ko nang alam 'yan!" biro ko pa. "Nasaan ang mga boss?" tanong ko. "Nasa office, Ms. Devy. Sabi ni Ms. Mel, pagdating mo raw sa office ka tumuloy," sabi pa ni Francis. Tumango-tango naman ako. " Sige, thanks. Punta muna ako sa office then ready to fight na tayo dyan." Tinapik ko pa siya sa balikat bago ako naglakad paakyat ng office. "Good morning, mga bosses!" bati ko pa sa dalawang mag-jowa. Sabay pa silang nagulat sa pagdating ko dahil abala sila sa mga laptop nila. "Ang taas ng energy, ah. Saan ka galing kagabi?" tanong pa ni Mel at tinaponan pa ako ng tingin. At bago ko sagutin ang tanong niya ay naglakad muna ako sa mini salas ng office nila. "Bahay. Bakit?" tanong ko habang nilalabas ko ang laptop sa bag ko. "Bakit ganyan ang energy mo? Happy yorn?" buska ni Hailey. Natawa lang ako dahil kung alam niya lang dahilan. "Maganda lang ang gising ko. At isa pa ay excited ako sa bakasyon ko next week. Bohol, wait for me!" bulalas ko pa. "So, anong meron?" pag-iiba ko pa sa usapan. "Unexpected talaga ang naging pagtanggap ng mga tao sa shop natin. Kaya may plan kami na magbukas pa ng isang coffee shop. Since kilala na tayo. At naisip namin ni Mel, na kami ang mag-manage nito. At dito ka naman. May nakita na kaming location at i-check namin kung okay ba siya."Sabay pang tumingin sa akin ang mag-jowa. "Bakit ako rito?" kunot noo kong tanong sa kanila. "Why not? Alam mo na kung paano rito sa shop? Saka ikaw ang binabalikan talaga rito." Natatawa pang sambit ni Hailey. Well, medyo totoo rin naman na maramimg bumabalik dito dahil sa akin. Kung hindi nila ako kinukulit makipag-date o kaya naman gusto lang nila akong masilayan. Isang dahilan na rin kung bakit sikat ang aming coffee shop dahil na rin sa pakulo namin na kunan ko sila ng photo at nilalagay namin sa isang malaking wall namin at malaya silang magsulat ng kahit ano rito. Kaya maramin talagang dumadayo rito upang ma-experience rin nila ito. At kung kaya naman ay laging puno ang coffee shop namin. "Dahil sayo kung bakit ganito ka-successful ang coffee shop natin, Devy. What if hindi ka kaya dumating? Hays, paano na lang kami. Thanks, Devyboo," seryoso pang sambit ni Mel. Inirapan ko pa silang dalawa dahil binobola na naman nila ako. "Tumigil nga kayong dalawa dyan. You guys are so dramatic." Taas kilay ko pang sabi. Sabay-sabay pa kaming natawa at saka umiling-iling sa isa't-isa. "Butterscotch caramel for Jester!" Sigaw ko pa. Pero wala pa rin lumalapit kaya naman muli akong sumigaw. Butterscotch caramel for Jester!" Nilibot ko ang aking paningin at nagbabakasakali na mapansin ko kung sino ba si Jester. At bago pa ako muling sumigaw ay may tumayong lalaki at mukhang siya na si Jester dahil naglakad siya papunta sa pwesto ko. "I'm sorry," hinging paumanhin niya habang titig na titig sa mukha ko. Hindi ko na siya tinanong kung bakit dahil marami pang customer na naghihintay sa mga order nila. "Here's your order, sir." Sabay abot ko sa order niya. Ngumiti pa ako sa kanya. "Thank you, sir! Have a good one!" Sabi ko sabay talikod para ihanda ang order ng isang customer. "Ms. Devy, mukhang tinamaan yata si Jester sa'yo," bulong pa ni Maica. "Huh? Sinong Jester?" kunot noo ko pang tanong. "Yung customer. Grabe makatingin sayo. Ang ganda mo kasi!" bulalas niya pa kaya naman natawa pa ako. Hindi na talaga bago sa akin ang makaranas ng ganito. Walang lalaki na hindi tumititig sa akin ng ganito. Lahat ng lalaki ay iisa ang paraan ng paninitig na ginagawa sa akin. Hindi sa pagmamayabang dahil maraming nagsasabi na artististahin ang ganda ko. Noong nakatira pa ako sa Australia ay gustong-gusto nila ang kulay ko. I love my skin color, I'm a Morena beauty. Nakuha ko ang kulay ko kay Daddy habang ang hubog ng katawan ay kay Mom. "Alam ko na maganda ako, wag mo nang sabihin," biro ko pa saka ko ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng ibang orders. Buong araw yata kaming busy sa dami ang mga customers namin. Dahil na rin Monday ngayon kaya dagsa talaga ang tao. Halos hindi kami nakapag-pahinga pati sina Mel at Hailey ay katulong na rin namin. Well very hands on naman talaga sila sa shop. At isa pa ay maganda rin na nakikisalamuha sila sa mga customers. "Hailey, break muna ako," paalam ko dahil gutom na ako at hindi na kaya ng power ko. " Go! May food sa office," sabi niya pa habang abala mag-assist sa ibang customer. Paakyat na sana ako nang makita ko ang dalawang matanda na masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Ang saya nilang tignan habang naghahampasan sa braso. Hindi namalayan na nakangiti na pala ako. Kinuha ko ang aking Polaroid Camera at kinuhanan ko sila ng litrato. Ilang saglit pa ay lumapit ako sa kanila bitbit ang kanilang picture. Natigil pa sila nang mapansin nila ako. "Good afternoon po," magalang kong bati. "Good afternoon, hija," halos panabay nilang bati. "Hi, po. Kinunan ko po kayo ng picture dahil ang cute niyo po kasi na tingnan. You guys, reminds me po sa aking grandparents," nakangiti kong sambit saka ko binigay ang picture nila. Sabay pa silang napangiti at sumandal pa ang matandang babae sa dibdib ng lalaki. "Oh, my Belinda, my lovely wife." Hinaplos pa nito ang buhok ng babae. Napangiti pa dahil natuwa sila sa litrato nila. Ilang saglit pa akong nakipag-kwentuhan bago ako nagpaalam ngunit bago ako umalis ay may sinabi pa si Mrs. Gonzales sa akin. "Darating ang araw na may isang lalaki na magmamahal sayo ng tunay at tapat…." ngumiti pa ako kahit alam ko sa sarili ko na hindi para sa akin ang bagay na 'yon. "Enjoy po and see you around," paalam ko sa kanila at kumaway pa sila sa akin. Sa sobrang gutom ko ay naubos ko ang Beef broccoli at Chicken Pastel. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik bigla ang lakas ko matapos makakain. Hindi pa tapos ang araw pero mapapasabi ka na ng 'What a day!' Nagulat pa si Hailey ng naabutan niya akong sinisimot pa ang tupperware ng Chicken pastel. "Para kang patay-gutom!" Tumawa pa siya nang malakas. Inirapan ko lang siya sako ko binitawan ang hawak ko. "Ang dami kong gutom. I want more pa. It tastes really good!" sabi ko pa. At muli kong sinaid ang sauce sa tupperware. "Crazy! Ang takaw mo! When ka ba huling kumain?" Natatawa niyang tanong nang maupo siya sa upuan niya. "You know me, minsan lang ako maka-appreciate ng foods. And all I can say these two are the best beef broccoli and Chicken Pastel na natikman ko, ever! I like the sauces and yung veggies. Where did you order ba?" "Divine cuisine. You should try their other foods, it's all mouth-watering!" sambit pa ni Hailey. Tumango-tango naman ako at saka ko kinuha ang aking phone upang i-search ang Divine Cuisine. Kung kelan naman nasa mood akong mag-search ay saka naman humingi ng back-up si Hailey. May delivery pala kami ngayong araw kaya need ko bumababa upang i-check lahat. "Thanks, Devyboo!" Sigaw pa ni Hailey habang palabas ako ng office. Habang naglalakad ako ay yung mga foods pa rin na kinain ko ang nasa isip ko. Maybe I will go there one of these day. "I'm so tired!" reklamo ko habang nagbibihis ako sa locker namin. At last uwian na. Makaka-pagpahinga na ako. "Ms. Devy, may naghahanap nga pala sa'yo kanina habang nasa office ka." Napatingin pa ako kay Maica buhat sa sinabi niya. "Sa akin? Who?" Tumaas pa ang kilay ko habang patuloy ako sa pagbibihis. "Theo—" Naubo pa ako nang marinig ko ang pangalan ng lalaking nakilala ko sa bar. Paano niya nalaman na rito ako nagtatrabaho? Stalker ba siya? Saka hindi naman niya alam ang totoong name ko? paano niya nalaman? "T-Theo? As in Devy ang sabi niya?" Umiling-iling si Maica. "Ibang name pero ikaw na ikaw kasi ang sinasabi niya. Sabi niya pa ay alam niyang hindi Jessica ang name mo, kundi Devy!" Namimilog pa ang mga mata ni Maica habang sinasabi niya ito sa akin. Kaya naman natampal ko pa ang aking noo, mukhang nagkaroon pa ako ng problema ngayon. "Anong sabi mo?" nababahala kong tanong. "Sabi ko ay walang Devy na nag-wowork dito," sabi niya pa. At dito lang ako nakahinga ng maluwag. "Ms. Devy, ask ko lang naman, anong lamang mo sa akin at hindi nadadagdagan ang mga taong nagnanasa sa akin?" maarteng tanong pa ni Julie, pero Julio sa araw. "Ganda! Ganda ang lamang niya sayo!" Tumatawa pang sagot nila sa tanong ni Julie, kaya naman pati ako ay natawa na rin. "Tseeeeee!" inis na sambit ni Julie. "Wag ka na kasing magtatanong na alam mo naman ang sagot, masasaktan ka lang," pang-aasar pa ni Bianca. Napapailing na lang ako sa kanila. At muli ko silang hinarap. "Guys, walang, Grace, Jessica, Amanda. Sasha at lalong walang Devy rito, okay? No ang answer kapag may nagtanong ulit. Hindi niyo siya kilala, okay?" Kinindatan ko pa sila bago ako tumalikod. "Yes, Ms. Devy!" sagot nila at kumaway pa ako. "Bye, salamat sa paghatid. Take care!" Hindi ko kasi kailangan pang mag-commute pauwi ng bahay dahil hinahatid naman ako ng mag-jowa sa condo ko kaya less hassle para sa akin. Saka less gastos na rin. Ang tangi kong gustong gawin pagbaba ko ng car ay humiga sa aking kama dahil sa dami kong pagod at ngalay ngayong araw. Hindi ko na rin naisip na kumain pa ng dinner dahil buspg pa ako mula sa kinain kong lunch kanina. At kapag hindi hectic ang schedule ko, I will go there. I'm sure na marami pa akong magugustuhan na foods nila. "Good evening, Ma'am," magalang na bati ng guard. Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya. "Good evening po, kuya." "Ma'am, may inaasahan ba kayong bisita ngayon?" usisa niya pa. "Ako po? Wala naman po. Bakit po?" nagtataka kong tanong. "May isang lalaki po na naghahanap sa inyo. At sa katunayan po ay may inabot pang regalo. Para raw sa inyo ito." Inabot niya pa sa akin ang isang box. Nag-aalangan pa akong kunin ito pero parang may idea na rin ako kung kanino ito galing. Sure ako na kung nahanap niya ang working place ko ay alam niya rin ang bahay ko. Inabot ko na rin ito at nagbilin ako kay kuya na wala akong bisita na inaasahan. "Ingat ka, Ma'am. Ang dami pa naman masamang loob ngayon," paalala niya pa. "Thank you, po. And goodnight," paalam ko. Pagdating ko sa unit ay kaagad kong tinawagan si Mel upang sabihin ang bagay na ito. "Mukhang hindi ka tinatantanan ni baby boy sa club!" singit pa ni Hailey sa usapan. Kumuha ako ng tubig sa fridge at saka ako naglakad papunta sa sofa. Gusto kong ipahinga muna saglit ang mga binti ko mula sa maghapon na nakatayo. "He's weird. Pati sa coffee shop ay nasundaan niya ako. Hindi kaya isa siyang mangkukulam," kinikilabutan ko pang sambit na tinawanan lang naman nila. "Mas weird ka, ghorl!" buska ni Mel sa akin. Sumimangot pa ako sa kanilang dalawa. "Pero seriously, parang may something kay Theo. Devyboo, take care always. Saka don't forget to lock your door and window. Saka magbilin ka sa guard na wag tatanggap ng bisita without your permission. Wag ka na rin pumunta sa mga bars na hindi kami kasama." Nahilot ko pa ang aking noo dahil sa mga nangyayari. "Ewan ko ba. Sinabi ko naman sa kanya na I'm not interested sa buhay niya at sa kanya. But still, hinanap pa ako," naiirita kong wika. "Just call us if there something wrong, okay?" Tumango lang ako at sako ko nilagok ang tubig sa hawak kong baso. "Boys will be boys!" palatak ko pa habang binubuksan ang box na galing sa stalker ko. "Musical cube box ballerina?" tanong ko pa. "Anong gagawin ko rito?" Tumawa pa ang dalawa nang ipakita ko sa kanila ang gift na bigay sa akin. "Ang ganda kaya!" bulalas ni Hailey. Kinuha ko pa ang card na nasa loob. Hear my soul speak. "Yari ka, Devyboo, nagsalita na ang soul!" pang-aalaska ni Mel. " Kinikilabutan ako," sabi ko pa sabay irap. What am I gonna do?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD