"Devy, nakikita mo ba yun lalaki na 'yon?" Sabay turo ni Mel sa lalaking nakaupo mag-isa sa bar counter habang nakatingin sa banda na tumutugtog ngayong gabi.
As usual nasa bar na naman kami ng mga kaibigan ko.
Para sa akin ang pagpunta sa bar ay isa sa stress reliever ko. Ewan ko ba, gustong-gusto ko ang mga lugar na maingay at lahat ay masaya lang.
Yung lugar na bawal ang tahimik at malungkot.
Hindi lang siguro ako ang tao rito sa bar na naghahanap ng panandaliang saya. Sure ako na marami kami na ginagawang hideout ang bar sa mga silent battle namin sa buhay.
Lahat naman tayo ay may mga paraan para takasan panandalian ang lungkot natin sa buhay. At lahat tayo ay pwedeng magtago.
Hindi naman ako stress sa trabaho or what.
Nagtatrabaho ako bilang service crew sa isang coffee shop and at the same time I'm also freelance photographer.
I was born and raised in the Philippines while my parents are working in Australia as nurses. My brother and I were living with my grandparents in Marinduque.
When I finished grade school, my parents brought us to Australia to live with them.
Noong una, mahirap mag-adjust sa maraming bagay. Ibang-iba kasi sa nakasanayan kong buhay rito sa Pilipinas pagdating ko roon. Kultura, salita, pagkain, whether.
At saka namimiss ko ang mga grandparents ko. Sila kasi ang halos nagpalaki sa aming magkapatid.
But unti-unti ay nasanay na rin ako sa malaking pagbabago. Because I have to be.
After I graduate from college there I go back to the Philippines to live alone. And continue my own fuckíng life!
I'm staying here in Q.C. in my small condo unit. Kung saan malaya ako sa lahat ng mga bagay na nais kong gawin.
While my family stayed in Australia. Hindi gusto ni Papa ang umuwi ako sa Pinas pero hindi nila ako napigilan sa gusto ko. 'Malaki na ako' ito ang madalas kong sabihin sa kanila.
We're perfect and happy family until—
Bigla akong napatigil sa pag-iisip nang kalabatin ako ni Mel. "Huh? Im sorry. Anong sabi mo nga ulit?" tanong ko pa.
Saka ko inubos ang laman ng baso na hawak ko.
"Alam ko kung anong iniisip mo Devy—"
"Shut up, Mel," babala ko pa bago ko siya binigyan ng nakakamatay na irap. Sila lang ang may alam kong ano ba ang tunay na pinagdadaanan ko ngayon.
Kaya naman tumawa pa siya dahil sa inasal ko. At kinalabit pa si Hailey.
"Okay, okay. Sabi ko nga, titigil na ako.
So ito nga. Kita mo ba yung guy na 'yon?" Muli kong binaling ang tingin sa lalaking tinutukoy niya. Tama nga si Mel na gwapo nga ito. Pero wala ako sa mood ngayon.
"So?" tanong ko nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Anong so?" tanong naman ni Hailey. "Myged! Devy, may sakit ka ba? Ang tamlay mo for today's vidyow!" pang-aasar niya pa. At sinabayan pa nila ng tawa. Mel and Hailey are my friends. Actually, silang dalawa ang may-ari ng coffeeshop na pinagtatrabahuhan ko. Nakilala ko sila sa Boracay nang magbakasyon ako, last year.
Unexpected na magiging magkakaibigan kaming tatlo. Ayaw nila akong tanggapin bilang crew ng coffeeshop nila pero makulit ako.
Dati na akong nag-part time sa Australia habang nag-aaral ako, kaya pamilyar na ako sa ganitong trabaho.
Hindi naman crew ang turing nila sa akin habang nasa coffeeshop kami.
At ako lang ang nakakaalam ng tunay na relasyon na meron sila. Pareho silang maganda at hindi mo iisipin na may something.
Yes, Mel and Hailey are part of LGBT community. I am very open when it comes sa mga ganitong bagay. I respect them. And for me, tao rin sila na may karapatan na umibig. At sino tayo para husgahan sila? Lahat tayo ay makasalanan. RESPECT is the key.
"Guys, not now—"
"Sayang naman ang tong three days and two nights sa Bohol. Plane ticket, free hotel accommodation…." pang-eengganyo pa ni Mel sa akin. At kitang-kita ko pa kung paano sila ngumisi sa isa't-isa.
"Call!" wala na akong nagawa dahil gusto ko talagang pumunta sa Bohol nang walang pera na nilalabas. Inakbayan pa ni Hailey si Mel.
As always palaging nauuwi sa dare ang pagpunta namin sa bar. Ewan ko ba sa mag-jowa na ito, gustong-gusto na magkajowa ako kahit pa ilang beses ko nang sinabi na hindi para sa akin ang relationships dahil sa huli ay magkakasakitan lang din naman. Mas okay na yung happy-happy lang. Yung wala kayong pakialam after s*x.
Sorry but no sorry, it's my opinion. Kung hindi ganito ang opinyon mo, I don't care.
"Anong dare?" tanong ko.
"Ask him to dance with you." Tumawa pa ako dahil napaka-basic naman ng gusto nila.
"You mean sweet dance? And that's it?" paniniguro ko pa sa kanila.
Sabay pa silang tumango at ngumiti sa akin.
Well, tamang-tamang ang music ngayon. Soft and slow.
Muli akong nagsalin ng alak para kumuha ng lakas ng loob. At mabilis ko itong inubos.
Tumayo ako ay inayos ko pa ang suot kong red dress at tinali ko ang aking mahabang buhok upang ma-expose ang balikat at batok ko.
"Watch me." Sabay kindat ko sa kanila.
"Go, girl!" cheer pa nila habang naglalakad ako papunta sa stranger.
Nang malapit na ako sa pwesto ng lalaki ay nilingon ko pa ang dalawa sa pwesto namin.
Naupo ako sa bakanteng upuan at napatingin pa sa akin si mysterious guy. Ngumiti naman ako at muli kong tinuon ang aking paningin sa bartender.
"One bloody Mary, please," sabi ko pa.
Ngumiti naman siya at nagsimulang timplahin ang order ko. Habang naghihintay ay sinabayan ko ang kanta na tinutugtog ng banda ngayon.
"Nice voice," napangiti pa ako nang marinig kong magsalita ang katabi ko. Nang lingonin ko siya ay nakatingin na pala siya sa akin.
"Oh, thank you," kunwari ay nahihiya pa ako.
"I'm Theo," pakilala niya pa at nilahad pa ang kamay sa akin. Mabilis ko naman itong inabot. "Jessica," pakilala ko pa sa hindi ko totoong pangalan.
"Why do you know that song? That's an old song," tanong niya pa. At tumawa. Kaya naman napangiti rin ako sa kanya.
"Oh, that song reminds me of my grandfather. We used to dance to that song. But now I can't dance with him again. He passed away." Ngumiti pa ako ng pilit. But no kidding that is true.
"Oh, I see." Tumango-tango pa siya.
"I'm sorry if I'm too dramatic—"
Tumayo pa siya at nilahad sa akin ang kanyang kamay. "Would you like to dance?" Nakangiting tanong niya.
Shoot! Bohol get ready with me!
"A-are you sure?" kunwaring tanong ko pa. At tumingin ako sa paligid, hindi na nakakahiya dahil may ilan na ring nagsasayaw.
"Yes, I am.
I'm also Lolo's boy." Tumawa pa siya.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at inabot ko ang kamay niya sabay tingin sa gawi nina Mel at Hailey.
Habang nasa dance floor kami ni Theo ay nagpapakita siya na may interest siya sa akin. Nagtatanong na siya about my personal life.
"Madalas ka ba rito sa bar na ito?" tanong niya.
"Yes, if I want to relax. You?"
"Actually it was my first time." Tumawa pa siya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matutuwa. Kaya pala patingin-tingin lang siya sa paligid.
"But now, I have my own reason to come here again," sambit niya habang nakatitig sa akin sa aking mga mata. Sanay na sanay na ako sa ganitong mga linyahan. Kaya balewala lang sa akin ang makatanggap ng ganito. "Oh, I see…" sabi ko na lang. At nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Hindi ako interesado sa kanya.
Nang makabalik kami sa upuan ay gusto ko na agad bumalik sa dati kong pwesto.
Theo is too gentleman and serious. I'm so bored while we're talking. Hindi ko gusto ang mga lalaking good to be true. Yung tipong papunta na sa Saint. I like someone na hindi boring kausap. Someone can talk under the sun. And sad to say Theo is not one of them.
"Nice meeting you, Theo, I have to leave. I saw the sadness into his eyes. Kasi kapag hindi pa ako umalis ngayon ay isa na akong 'Saint Devy' bago ako lumabas ng bar na ito. Wala talaga ako sa mood. Kahit pa gwapo ang kausap ko.
"Devy, I want to see you again. Can we spend more time next time?" tanong niya pa. Tiningnan ko lang muna siya.
"Or pwedeng lumabas tayo—" hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at sumingit na ako.
"I don't think so, Theo," tugon ko pa. Kunot-noo niya pa akong tiningnan. At tila tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"W-why?" muli niyang tanong sa akin. Mabilis ko munang inubos ang laman ng baso ko. Bago ako sumagot.
"First thank you. Second, I want to be honest with you. Theo, I know na may iba kang gustong iparating sa akin. But hindi kita type. Masyado kang seryoso," diretsang pahayag ko saka ako humakbang palayo sa kanya.
Rule 1.
Mas okay na ang maging honest ka kesa naman maging paasa.