Kamusta ang date niyo ni Eva?” kaagad usisa ni Jester pagdating ko kinabukasan. Nagkibit balikat lang ako saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Lumapit pa siya sa table ko para lang kulitin ako. Ayaw ko na ngang maalala ang mga nangyari kagabi dahil pakiramdam ko ay isang masamang panaginip. Nagulat pa ako nang tapikin niya pa ako sa balikat.
“Ano? Magkwento ka naman. Para ka namang others dyan! Nakailang dasal kayo—aray!” daing niya pa ng batukan ko siya ng malakas. Halos mabingi na nga ang tenga ko sa nanay ko kagabi dahil sa akin niya binuhos lahat ng galit niya sa mag-ina na ‘yon. Nasira pa tuloy ang pagkakaibigan nila ni Aling Mary. Pero ayos lang at chismosa naman pala siya.
Saka sabihin niyo na pangit ang nanay ko, wag lang matanda at talagang magkakagulo kayong dalawa!
Imbes na mapayapa akong uuwi sa condo ko kagabi ay nasabon muna ako ng ilang oras bago nakauwi. Mangkukulam din yang nanay ni Eva! Siya ang dahilan ng kaguluhan kagabi!
“Wala! Gulo lang ang nakuha ko. Mantakin mong nakipag-away si Mama sa Nanay ni Eva.” Umiling-iling pa ako.
“Bakit? Akala ko ba ay tinutulak ka ni Tita kay Eva?” usisa niya pa.
“Oo, nga. Bro, alam mo bang naging fairy godmother lang naman ako ni Eva kagabi.
Imagine mo ang suot niya sa date namin, colorful!
Tapos sasabihin pa ako ng mga masasakit na bagay! Ako na nga ang tumulong para makaalis siya sa mga hilera ng kakanin! Myged!” himutok ko pa dahil hindi makatarungan ang ginawa nila sa aking mag-ina. What if hindi ko tinulungan si Eva sa road to mukhang babae siya, sure akong ipipilit siya sa akin ng nanay niyang mangkukulam!
Tumawa pa nang malakas si Jester habang hinahampas pa ang mesa. Kaya naman tiningnan ko pa siya ng masama.
“B-bro, s-seryoso ka b-ba? A-as in? Shìt!” pautal-utal pa siya sa pagsasalita dahil sa kakatawa sa sinabi ko. Kahit kailan talaga ay pang -asar ang kumag na ito.
“Shut up, bastard! Kung alam mo lang ang stress ko sa kanila, mapapamura ka na lang!” Inis na inis pa rin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari kahapon.
“Alam mo, bro, kung ako sayo, I will find a girl na same kami ng gusto, I mean yung no label pero yung pangmatagalan, para naman hindi ka na hanapan ni Tita ng ibang Disney Princess.” Tinapik niya pa ako sa balikat. “What do you mean?” kunot-noo ko pang tanong sa kanya habang nilalaro ko ang hawak kong ballpen.
“Gusto mong malaman?” Tara!” yaya niya pa habang hinahagis-hagis ang susi ng kanyang kotse sa ere habang may kakaibang ngiti sa gilid ng kanyang labi.
“Huh? Saan? Anong trip mo, gagó?” nagtataka kong tanong at natawa pa ako. May kakaibang trip na naman ito. May babae ba na katulad ng sinasabi niya?
Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas.
“May ipapakilala lang ako sayo, ito yung pangmatagalan.” Sabay kindat niya pa.
Kaya wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya at baka nga naman may sense ang kanyang plano.
“Guys, kayo muna ang bahala rito, gala ko lang muna ang Disney Princess natin, sad, eh!” Nagtawanan pa silang lahat sa kitchen. Ako na naman ang kanilang pulutan!
“Gagó!” mura ko pa. “Hindi tayo pwedeng umalis—” napahinto ako sa pagsasalita ng ilagay niya ang kanyang hintuturo sa labi ko. “Bigyan natin ng solusyon ang problema mo! Kaya, let's go!”
Naiwan pa akong napapailing dahil sa mga naiisip niya.
Parang hindi ako sure kung solution ba talaga ang dala niya o problema? Bahala na nga! At sumunod na rin ako sa kanya sa labas.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko habang binabaybay namin ang highway.
“Secret, chill ka lang, bro. I got you!” Humalakhak pa siya habang nasa kalsada ang kanyang atensyon.
Hindi naman kami nagtagal at huminto na ang sasakyan namin sa tapat ng isang coffee shop. “Akala ko ba, solusyon? Hindi ko kailangan ng kape, fûck you!” muntik ko na siyang batukan dahil sa inis! Ang dami ko nang problema sa buhay, dumagdag pa siya! “Kape talaga ang naisip mo na solusyon sa problema ko?” pang-uuyam ko pa sa kanya at napahilot na lang ako sa noo.
“Chill. Ikaw naman ay highblood agad. Tara na! Bumaba ka na dyan! At ito na ang solusyon!”
Napatingala na lang ako dahil sa frustration ko. Kagabi pa ako hinahabol ng malas. Pati ba naman ngayon?
Pagpasok namin sa loob ay iilan pa lang ang tao. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng shop, infairness, maganda at maaliwalas. Agaw atensyon din sa akin ang isang wall na puno ng mga larawan. Nang muli kong tingnan si Jester ay napansin ko pa na parang may hinahanap siya dahil palinga-linga siya sa paligid. “Sinong hinahanap mo?” tanong ko pa habang sinabayan ko siya sa paglalakad.
“Si Angel,” sagot niya pa. “Nasa lupa tayo, wag kang mahahanap ng angel!” Okay waley, next!
“Joke ‘yan? Katawa.” Tumawa pa siya ng peke.
Naupo kami sa may pangalawang mesa habang may hinahanap pa rin si Jester. Hinayaan ko muna siya at tinuon ko muli ang atensyon ko sa mga litrato na naka-display. Napansin ko na magaling ang photographer na siyang kumuha ng mga litrato. I'm impressed.
Maya-maya pa ay lumapit na sa amin ang crew. “Good morning, sir!” masayang bati niya pa at saka siya yumuko sa amin. Inabot niya ang dala niyang menu book kay Jester.
Kinuha ni Jester ang menu book at inabot sa akin upang pumili na ng kape. Hindi na kailangan pa ni Jester tumingin sa menu dahil adik siya sa kape, halos memorize na niya lahat ng klase ng kape.
Hindi ako coffer lover kaya madalas ay black americano lang ang inoorder ko kaya ito na lang ang ulit ang inorder ko. Samantalang caramel macchiato naman ang order ni Jester.
“Anything else, sir?” magalang na tanong ng crew.
“That's all, thank you,” nakangiti kong sagot. At saka ko muling ibinalik and menu book sa kanya. Tumikhim pa si Jester saka tumingin sa crew.
“Hi, wala ba ngayon si Ms. Devy?” tanong niya. Sino naman kayang Devy ang sinasabi niya? Napatingin pa ako sa crew ng tumawa siya. “Ah, si Ms. Devy po ba? Nasa office po. Later pa po siya bababa. Bakit, sir? Kilala niyo po ba siya?” Umiling-iling naman si Jester saka ngumiti. “Nope. Last time kasi ay siya ang nasa counter niyo—” Naks! Parang may something!” buska ko pa habang pasimple naman natawa ang crew sa amin.
“Sir, hindi na po bago sa amin ang ganyan, araw-araw po talaga ay laging hinahanap si Ms. Devy ng mga customers namin,” sabi niya pa.
“So, may something talaga sa Devy na ‘yon?” mahinang bulong ko pa.
Naramdaman ko pa ang pagsipa ni Jester sa paa ko sa ilalim ng mesa.
“Mga what time kaya siya bababa?” muling tanong ni Jester. Tumingin pa sa suot niyang relo ang crew. “After 1 hour pa siguro, sir,” sabi niya pa saka magalang nagpaalam.
“Hey! Don't tell me, na hihintayin natin yang Devy mo for 1hr? No way!” kontra ko pa. Maraming trabaho sa restaurant at hindi kami pwedeng magtagal dito sa labas. “Gusto mo lang naman pa lang makita ang crush mo, isasama mo pa ako!” palatak ko pa.
“Relax. Hindi natin siya hihintayin, uubusin lang natin ang kape natin pero malay mo naman ay bumaba na siya.” Kinindatan niya pa ako.
“Saka akala ko ba ay solusyon ang ibibigay mo sa akin? Bakit kape? Para magising ako sa katotohanan na hindi lang ako gwapo, masarap din ako?”
“What the heck!” Tumawa pa si Jester.
“Bro, kapag nakita mo si Devy, tapos na ang problema mo?”
“How? Anong kinalaman niya rito?”
Kelan pa naging solusyon ang Devy na ‘yon sa problema ko? Adik ba siya?
“Bro, save mo na lang yang mga sasabihin mo, kasi baka bawiin mo lahat ng sinasabi mo ngayon kapag nakita mo si Devy, tsssk.”
Hindi na ako umimik pa sa mga sinabi niya. Mas lalo tuloy akong na-curios about kay Devy. Pati tuloy ako ay parang na-excite na makita siya mamaya. Sumandal muna ako saka ko pinag-krus ang aking braso. Muli akong nagmasid sa kabuuan ng shop. Ang ganda talaga. “Sino kaya ang photographer nila?” wala sa loob kong tanong. Bakit bro?” tanong ni Jester.
“Wala naman. Sobrang lupit kasi ng mga shots niya,” buong paghanga kong sambit.
“Si Devy.” Napalingon pa ako kay Jester.
“Really? Wow! How did you know?” nanliliit pa ang mga mata ko. “Narinig ko lang. Isa sa binabalik-balikan ng mga tao rito ay ang pagkuha niya ng litrato ng libre. Nakikita mo ba yung wall na ‘yon?” Turo niya pa. Tumango lang naman ako habang hindi ako makapaniwala na siya pala ang kumuha ng mga litrato rito.
“Where's Devy! Where is she??!!!!!” Sabay pa kaming napalingon ni Jester nang may sumigaw. Isang lalaki ang nagsisigaw at hinahanap ang babaeng hinihintay rin ni Jester.
“Pre, mukhang may kaagaw ka na,” biro ko pa.
“Devyyyyy!” Malakas niyang sigaw. Kaya naman lumapit na ang ibang crew sa kanya upang kalmahin ang lalaki.
“Sir, wag mo kayong manggulo rito. Tatawag po kami ng police kapag hindi kayo umalis!” Sigaw pa ng crew.
“Palabasin mo si Devy at hindi ako manggugulo!” Sigaw niya pa at nakikita ko pang nakakaramdam na ng takot ang mga tao sa loob.
Nakita ko pa na dali-daling tumakbo ang isang crew sa taas. At ilang saglit pa ay may nakita na akong babae na kasama na nito na kasabay maglakad. At sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nagkatinginan pa kaming dalawa at mabilis naman niyang binawi ang tingin. “Shít!” Napamura pa ako habang inaalala ko ang magandang mukha niya. Tama nga ata si Jester, she's deadly gorgeous!