Makeover

2064 Words
"Goodluck, bro! Itaas mo ang bandera ng lalaking, haharot pero hindi magpapapikot!" Binato ko pa kay Jester ang hinubad ko na apron. Lanyang buhay ito! Oras-oras na lang tumawag ang nanay ko! Kung kailan sobrang busy ngayon sa restaurant ay saka pa siya sumabay! Kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya. Hindi na rin ako uuwi ng bahay dahil may dala naman akong damit sa sasakyan ko doon na lang ako magbibihis para mabilis. "Hinding-hindi talaga! Pwede bang magpalit muna tayo ng nanay? Inggit ako sa nanay mo. Kahit isang araw lang," pakiusap ko pa sa kanya. Kaya naman natawa pa siya habang busy sa paghihiwa. "Bro, parang nakikita ko, after ng date niyo ni Eva, Bible na ang hawak mo!" patuloy niyang pambubuska sa akin. Napalingon pa ako ng magtawanan naman sa gilid ko ang iba pa namin tauhan, pati sila ay kasama na rin ni Jester sa pang-aalaska sa akin. "Anong tinatawa-tawa niyo dyan, huh?" galit-galitan kong tanong sa kanila. "Chefy, iniisip kasi namin na pagbalik mo ba rito ay Chefy pa rin ba ang itatawag namin sayo o Pastor Chefy?" At lahat sila ay nagtawanan. Ako na naman ang pulutan ng mga walanghiya! "Mga tarantado! Pagbalik ko rito ay kasama ko na ang mga kapalit niyo!" Sigaw ko pa ngunit imbes na matakot sila ay nagtawanan lang saka nagpatuloy sa pagluluto. "Bless you, brother!" habol pa ni Jester. Hiyang-hiya pa ako nang tingnan ako ng mga tao habang palabas ng restaurant. Kahit kailan talaga ang gagaling nilang mambuska! Si Mama talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito! Inis na inis pa ako habang nagbibihis ng makapasok ako sa loob ng car. Pinapangako ko talaga na after nito ay wala nang date na mangyayari sa pagitan namin ni Eva, I swear! Hinagis ko pa sa likod ang hinubad ko at kinuha ko rin ang belt sa loob ng bag ko. Naglagay na rin ako ng pabango para naman hindi ako amoy ulam. Nang makatapos magbihis ay umalis na rin ako agad upang sunduin si Eva sa bahay nila. Never in my life na may sinundo akong babae, ngayon pa lang kaya naman abot-abot ang inis na nararamdaman ko! Pagtapat ko sa gate nila ay laking gulat ko nang makita ko si Mama na kasama ni Eva at Nanay niya na nag-aabang sa labas. Mukhang naniniguro ang nanay ko kung sisipot ba ako o hindi. Muli kong nahilot ang aking sintido dahil sa inis ko. Hanggang dito ay sinusubaybayan pa rin ako ng nanay ko! Binuksan ko lang ang bintana at hindi na ako nag-abala pang bumababa lalo na at nakita ko ang suot ni Eva, gusto ko pang himatayin sa colour combinations ng damit niya. Kulay purple ang blouse ni Eva na may malaki pang botones at ang palda naman niya ay kulay green na may dots na white! Parang gusto ko na lang maglaho sa sobrang hiya sa suot niya. Hindi naman sa panlalait pero hindi ko talaga kayang makipag-date sa kanya. 2023 na pero bakit ang suot niya parang taon pa ng mga gerilya? Im sure naman na may social media siya at nakikita niya ang mga uso ngayon, pero why ganito pa rin ang suot niya? "Hoy, Zachary! Anong tinutunganga mo dyan? Pagbuksan mo naman ng pinto ang soon to be manugang ko!" mariin na utos ni Mama sa akin. Hindi ko malaman kung anong una ko na gagawin dahil sa nakikita ko ngayon. Kung pipikit ba ako o magtatakip ng mukha dahil sa kahihiyan na aabutin ko kapag tinuloy ko ang date na ito. "Zachary!" bulyaw ni Mama kaya naman nagmamadali pa akong bumaba. "Pambihirang buhay ito!" bulalas ko pa. "May sinasabi ka?" narinig pala ng nanay ko. Pilit pa akong ngumiti. "Wala naman, Ma," kaila ko pero ang totoo ay sasabog na ang itlog ko sa Nanay ko! "Anak, anong masasabi mo kay, Eva? Ang ganda niya di ba?" tuwang-tuwa pang papuri ni Mama. Hindi ko alam kung bulag ba si Mama o malabo talaga ang kanyang mga ma? Eh, kung sabihin ko na mukhang sapin-sapin si Eva, matuwa kaya siya? "Ma, aalis na kami. Let's go, Eva," hindi ko na pinansin ang tanong ni Mama at baka masaktan pa si Eva. Ang mahalaga ay hindi ko na siya makaka-date, ever! Sumpa man! Nagulat pa ako nang paluin ako ni Mama sa braso nang malakas at tila kinikilig pa. "Gustong-gusto mo talagang masolo si Eva!" sambit niya pa. My god! Kung pwede nga lang na mawala ako kahit ngayong araw ay baka ginawa ko na! Tapos sasabihin pa na gustong masolo? Gusto kong mag-solo talaga kesa makipag-date kay Eva. Nang malapitan ko siya ay ang kapal pa ayos ng kilay niya, idagdag mo pa ang colour ng lipstick niya at putok na putok niyang blush on! Sino bang make-up artist niya? "Hi, Zachary," bati niya sa akin. Tumango lang naman ako at mataman ko siyang tinitigan. "Eva, buhay pa na ang make-up artist mo?" wala sa loob kong tanong. "H-huh? B-bakit?" tanong niya at maging si Mama you naki-usisa na na rin sa amin. "Bakit, anak?" Tumingin ako kay Mama. "Ma, kulang pa ang blush-on niya," sarkastiko kong saad habang umiling-iling. Hinawakan pa ni Eva ang magkabilang pisngi niya. "Next time, papadagdagan ko lang, pasensya ka na," sabi niya pa. Kaya naman ilang mura pa sa isip ang nabitawan ko. At talagang may balak pala siyang maging cover ng queso de bola? Nahilot ko ang tungki ng aking ilong sa labis na stress. At bago pa ako tuluyang mabaliw ay pinagbuksan ko na siya ng pinto upang makaalis na kami. Hindi ko na kaya pa na magtagal, bahala na ang kahihiyan ko! Wala kaming imikan ni Eva habang nasa biyahe, patingin-tingin lang siya sa paligid. Tumikhim ako saglit upang kunin ang atensyon niya. "Eva, wala ka bang boyfriend? O suitor man lang?" tanong ko pa. Mabilis naman siyang umiling-iling sa akin at kimi pang ngumiti. "Wala. Hindi ko nga alam kung bakit, sagot niya pa. Sino ba naman magbabalak na ligawan siya? Eh, kulang na lang ng pamaypay sa kanya at mapagkakamalan na siyang tropa ni Tandang Sora at dating niligawan ng mga katipunero! "Alam mo kung bakit, Eva?" tanong ko ulit sa kanya. "Bakit? Dahil ba kulang ang blush on—" "Dahil mukha kang manang, I'm sorry, huh. Pero kung babaguhin mo ang pananamit mo, sure akong maraming manliligaw sayo," awang pa ang bibig niya habang nakatingin sa akin. I'm sure na nasaktan ko siya pero kailangan niyang malaman ito. I'm sure na makakatulong ito sa kanya. "A-ano bang mali sa suot ko?" "Lahat. From head to toe. Saka yung makeup mo, papunta na sa clown. Kung conservative ang family mo, gets ko. Pero may ibang damit naman na hindi ka magmumukhang manang," tuloy-tuloy kong saad. Bigla naman siyang natahimik dahil sa sinabi ko. Sana naman ay wag na niyang ipilit ang date na ito. Paano kung may makakita sa akin? Paano ko ipapaliwanag sa kanila na utos lang ito ng Nanay ko? "Hindi ba maganda ang suot ko? tanong niya pa ulit. "Hindi," sagot ko. Tumawa pa siya ng mahina kaya naman muli akong napasulyap sa kanya. "Tama nga sila," sabi niya pa. "Alam mo, Zachary, hindi ko rin naman gusto ang ganito pero dahil sa nanay ko ay napipilitan lang akong pumayag sa gusto niya. Saka hindi naman talaga kita gusto dahil babaero ka at walang respeto sa mga babae," halos maubo ako sa mga sinabi niya. Masakit pala kapag galing sa ibang tao, bed shít! At ang plano naming date ay nauwi na lang sa makeover niya para naman hindi siya pinipilit ng nanay niya na makipag-date kung kani-kanino tulad ng nanay ko rin. Una ko siyang dinala sa parlor dahil mukha na siyang white lady sa buhok niya. Mabait naman si Eva at alam kong may lalaking darating para sa kanya. At hindi ako 'yon. Hinayaan ko lang ang stylist na bahala sa kanya. Naupo lang muna ako sa sofa habang nagbabasa ng magazine. Mas okay na dito kami pumunta kesa sa restaurant pa. Mas lalong hindi ko kayang makipag-date lalong-lalo na sa suot niya. At nang tanongin ko siya ay sa restaurant ko pala nagpa-reserve ang nanay ko para sa date namin ngayon. Muntik na naman akong maisahan ng Nanay ko kung nagkataon. At baka wala rin akong mukhang ihaharap sa mga walanghiya kong kaibigan at mga tauhan. Bakit ba nawala sa isip ko na tanungin ang nanay ko kung saan ang restaurant? Palibhasa ay hindi ako interesado sa date na ito ay hindi ko na inaabala pa ang sarili ko noon na usisain sila sa mga bagay na sila lang ang nagkakaintindihan. At palagi akong labas sa usapan nila. Matapos ang ilang minuto ay tapos na rin sila sa paggugupit sa buhok ni Eva. Nagulat pa ako nang makita ko ang bagong hairstyle niya. Nag-thumbs up pa ako bilang tanda na approved ang ayos niya. Matapos sa parlor ay dinala ko naman siya sa isang boutique upang palitan naman ang pinakaluma niyang damit. Nagmistulang tuloy akong fairy godmother niya, langya! "Wow! Ako ba ito?" bulalas niya pa. "Oo, ikaw yan. Siguro naman ay nakadagdag na ng self confidence mo ang makeover na ginawa nila sayo. Alam mo, Eva, wag na wag mo na ulit isuot ang damit mo kanina, kung ayaw mong ma-turn off ang mga lalaki sayo, tsssk," pangaral ko pa sa kanya habang binubuhay ko ang makina ng aking sasakyan. "Salamat, Zachary, don't worry, hindi na mauulit ang pamimilit nila ng date sa ating dalawa. Maraming salamat sa makeover ngayong araw. Tatanawin ko itong utang na loob!" masayang bulalas niya pa habang hinahaplos ang kanyang maikling buhok. At napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. May kabutihan din naman pala ako sa buhay! Nang maihatid ko si Eva sa bahay nila ay naroon pa rin ang nanay ko, nagulat pa sila nang makita kami ni Eva. Maging ang nanay niya ay hindi makapaniwala sa naging ayos ni Eva ngayon. Malayong-malayo sa ayos niya kanina. "Maraming salamat, hijo, sa wakas ay nag-mukhang tao na ang anak ko!" bulalas niya pa. Maging si Mama ay hindi makapaniwala sa bagong ayos ni Eva. "Ma, hindi ko gustong makipag-date kay Zachary," sabi pa ni Eva kaya naman napangiti pa ako. Pakiramdam ko ay tapos na ang problema ko sa kanya, sa wakas makakahinga na rin ako! "Oo, anak, naiintindihan kita. Wag kang mag-alala at ayaw ko rin naman maging manugang ang lalaking babaero! Halos lahat ng babae ay gustong tikman!" Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Mama. Parang kelan lang ay halos ibenta niya na sa akin ang anak niya tapos ngayon ay puro panlalait ang nakukuha ko! "Hoy, Mary! Ang sakit mo naman magsalita sa anak ko! Kung hindi dahil kay Zachary ay hindi magiging mukhang tao ang anak mo! Mag-ina nga kayo, mukha kayong luma!" Bulyaw ni Mama sa mag-ina at bago pa kami makuyog ay nagmamadali akong lumapit kay Mama upang ayain na siya sa labas bago pa sila magkagulo. At dito na matapos ang pagkakaibigan nila dahil sa mga panlalait sa kani-kanilang mga anak! "Mas matanda pa ako sayo, Delia! Pero mas mukha ka pang matanda sa akin!" banat naman ng nanay ni Eva kaya naman napalingon pa ang aking nanay at mabilis niyang sinugod si Aling Mary, lanyang buhay ito! "Anong sabi mo! Ako matanda?! Ipapakita ko sayo kung sino ang matanda!" Galit na galit na sigaw ni Mama. "Matanda ka naman talaga!" Sigaw naman ng nanay ni Eva. Bakit ba sila nag-aaway, eh, same naman silang matanda talaga? "Ma, naman. Bakit kasi nakipag-away pa kayo? Paano kung makarating ito sa school niyo? Nakakahiya,"pagalit ko pa kay Mama nang makapasok kami sa loob ng sasakyan. Tiningnan lang ako ni Mama at kitang-kita ko ang inis sa mukha niya kaya kahit gusto kong matawa ay hindi ko magawa. Hindi palaaway si Mama, ngayon lang siya napikon nang ganito. "Ako pa ang sasabihin niyang matanda? Eh, sino ba itong mukhang lumang gamit sa baul?" Inis na inis pa rin na sambit ni Mama. "Kaya ikaw, wag mong i-date yang si Eva. Hindi ko akalain na may pagka-bruha pala yan si Maria! Palasimba pero chimosa!" nanggagalaiti pa rin si Mama. Kaya naman lihim na lang akong natawa at baka ako ang balingan ng galit niya. "Ikaw naman kasi, babaero!" Napaawang pa ang bibig ko at ito na nga ba ang sinasabi sa hula! Mahaba-habang sermon ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD