Cheater

2365 Words
Matapos ang confrontation ko kay Theo ay hindi na siya nagparamdam pang muli sa akin. At tumigil na rin siya sa pagpapadala ng kung anu-anong mga bagay sa bahay ko. At thankful naman ako, tahimik na rin ang buhay ko sa wakas. Nabawasan an ang isipin ko na hindi naman dapat. Una pa lang ay sinabi ko na sa kanya na wala siyang mapapala sa akin, hindi ko si type. Pero siya itong pilit sinisiksik ang sarili sa akin. Kaya mas gusto ko ang mga lalaking ayaw din ng commitment, less hassle para sa aming dalawa, no dramas at all. After we satisfied ourselves, goodbye. Easy and simple. Unlike sa mga katulad ni Theo, hindi ko yata kayang mabuhay kung siya ang magiging boyfriend ko! Wala akong freedom. Pero isang bagay lang ang naintindihan ko sa ginawa ko sa kanya, walang lalaki ang tatanggap sa akin ng buo. I mean lalaking paninindigan ako at tatanggapin kung ano at sino ako. But it's okay, wala naman akong plano na pasukin ang mundo ng mga taong naging tanga sa pag-ibig. I'm good na kung ano ang gusto ko sa buhay. No serious relationship, no problem. Napapailing na lang ako habang kumakain ng breakfast dito sa hotel kung saan ako may event na gagawin. Isang prenup photoshoot sa isang anak daw ng Mayor. Biglaan lang ang raket na ito dahil may sakit ang photographer sana ng event na ito at hindi niya kayang gawin ang photoshoot. Kaya ako ang ni-refer niya dahil hindi raw siya mapapahiya if ever na ako ang sasalo ng event na ito. Malaki raw ang tiwala niya sa kakayahan ko. Hindi ko pa rin na-meet ang mga clients ko sa personal dahil hindi pa raw tapos ang pag-aayos sa soon to be bride. Kaya naman dito nila ako pinatuloy sa room para raw makapag-rest pa ako kahit paano. Iba talaga ang mga mayayaman, sa hotel room ka agad dadalhin para pakainin. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang pancake at bacon na kinakain ko sa gutom ko na rin siguro. Naalala ko na hindi pala ako kumain ng dinner last night kaya ganito ko kabilis naubos ang pagkain. Saka infairness masarap ang pancake nila, soft and fluffy. Kinuha ko muna ang phone ko para i-check muna ang aking social media kung ano na ba ang ganap sa mundo. Nang makita ko na puro ka-sweetan ang nasa wall ko ay nawalan na ako ng gana mag -phone, ang sakit nila sa mata! Kinuha ko na lang ang camera ko upang i-check ko ito. Mamaya lang kasi ay mag-start na ang photoshoot kaya dapat nasa kondisyon at walang aberya sa camera ko dahil nakakahiya kapag nagkataon. Nature theme nga pala ang napili nila at ang ganda ng napiling location dito sa Tagaytay. First time ko lang makarating dito at masasabi ko na isa na rin ito sa mga lugar na napuntahan ko na amaze ako sa ganda. At also yung weather nila rito is parang katulad ng weather sa Baguio. Bigla tuloy akong na-excite sa photoshoot later. I'm sure na maganda ang kalalabasan nito. I will give my best para sa event na ito para naman hindi talaga mapahiya si DJ sa pag-refer sa akin. Malaki rin ang offer nila kaya mas lalo akong natuwa. Binaba ko muna ang camera ko at nagpunta na ako sa toilet upang mag-freshen up muna. Tinali ko na rin ang buhok ko upang hindi maging sagabal. Inayos ko rin ang suot ko, kailangan ay komportable ako sa bawat galaw ko. Kinuha ko rin ang cardigan ko upang panlaban sa lamig although sanay naman ako sa malamig na lugar kaya hindi ako masyadong bother pero iba na rin yung handa. I need to give my 100% focus sa shoot na ito. Maybe ito na ang maging way upang makilala ako ng ibang tao. Kaya gagalingan ko pa lalo. Ilang saglit pa nga ay bumaba na rin ako nang sabihin ng assistant ng kliyente ko ba okay na raw ang lahat. At nasa location na ang magkasintahan. I'm super excited na makita ang bride to be kasi hindi kami masyadong nagkaroon ng pagkakataon na magkita kundi via video call lang. Now lang kami magkikita ng personal. Nang makarating ako sa location ay mas lalo pa akong namangha sa ganda lugar. Pakiramdam ko ay isa akong diwata sa Paraiso. Na-imagine ko na lahat ng gagawin naming photoshoot mamaya. Abala pa nga sila sa pag-uusap kaya hindi nila napansin ang pagdating ko. Pero ang excitement ko ay biglang napilitan ng gulat sa isang tao na hindi ko inaasahan na muli kong makikita. At kliyente ko pa pala, what small world! Ni hindi ko magawang magsalita nang makaharap ko na sila ng tuluyan. Pakiramdam ko pa ay natuyo ang laway ko at nalunok ko ang aking dila. Hindi ko inaasahan na sa makikita ko si Theo at siya pala ang fiancée ng anak ni Mayor! Ikakasal na siya?! At lalong hindi na single! Maging siya ay nagulat din nang makita niya ako sa kanyang harapan. Hindi rin niya magawa na magsalita man lang at nanatili siyang nakaawang ang bibig. Ang walanghiya, gagawin pa akong kerida,mistress, homewrecker! Pakiramdam ko tuloy ay biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa aking nalaman. Pilit na pilit ko pang ngumiti at pinilit ko pa na maging professional sa harap nila. Maging siya ay halos hindi makapaniwala at hindi niya magawang tumingin sa akin, bigla siyang namutla at pinagpawisan. "Hon, si Miss Devy nga pala, our photographer today. Nakalimutan kong sabihin sayo na may sakit si DJ kaya she can't afford para gawin ang photoshoot with us. And I can't cancel na ang place and everything," malungkot niyang saad. "O-oh—" "But I'm glad na may kaibigan siya na ni-refer sa atin! Thank you, Miss Devy, I heard a lot of things about you. Dj, kwento lang. You studied abroad pala," Tumawa pa siya. At kung masaya si Ms. Jacel ay mukhang gulat na gulat naman si Theo nang makita ako. Daig niya pa ang nakikita ng ghost kahit hindi November! Mabuti na lang talaga at hindi ako gaga! At hindi niya ako nadala sa mga gifts at kung anu-ano pa na galing sa kanya. Ngumisi lang ako sa kanya habang umiling-iling ng bahagya. Pilit na pilit pa siya na ilahad sa akin ang kanyang kamay upang kamayan ako. "N-nice meeting you, M-ms D-devy," mahina niyang pagpapakilala. "Nice meeting you too," tugon ko. "Hon, are you okay? Namumutla ka? Why?" usisa pa ni Ms. Jacel kay Theo. Kahit naman siguro ay talagang mamumutla kapag nakaharap mo ang nililigawan mo sa harap pa mismo ng fiancée mo. Ang kulay ni Theo ay biglang naglaho sa takot. Panay rin ang punas niya ng noo dahil sa butil-butil niyang pawis. Hindi pa kami nagsisimula ay pawisan na agad siya. "I'm o-okay, h-hon," gusto ko lang matawa nang mautal siya. Gagawa ng kalokohan pero hindi kayang lusutan! "You know what, Ms. Jacel—I know your fiancée…" Namilog pa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Really? How? Classmates?" Nang tapunan ko ng tingin si Theo ay bigla siyang hindi mapakali. "Hon, paano mo nakilala si Miss Devy?" natutuwa pang usisa ni Ms. Jacel "H-hon, sa—" "Sa bar. And you know what, Ms. Jacel, ang thoughtful ng fiancée mo. Pero a friendly reminder lang, find a man na loyal at may respeto sa karelasyon—unlike dyan sa fiancée mo. "W-what do you mean?" "For no reason I don't know kung bakit nag-hire pa siya ng detective para lang sundan ako, padalhan ng kung anu-ano, right, Theo?" Ngumisi pa ako. Akala niya yata ay tatahimik lang ako. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ni Ms. Jacel sa aming dalawa ni Theo. "After I talked to him, tumigil na rin siya sa kakapadala ng kung anu-ano, but who knows na may iba siyang biktima, so think about it hundred times. At kung kaya mo bang matali sa ganyang lalaki?" dagdag ko pa saka ko pinagkrus ang aking braso. Hindi ko sinisira ang relasyon nila, I'm trying to save Ms. Jacel from him. Kesa naman may isang babae na naman ang magdusa sa ganitong mga tao! I can't imagine kung paano niya nagawa na sundan ako, tapos may fiancée pala! Tama nga sila na 'don't judge the book by it's cover' dahil kung titingnan mo si Theo ay hindi mo iisipin na manloloko siya. Masyadong tahimik pero mapanganib pala. Kaya siguro napunta sa akin ang raket na ito dahil may dahilan. Sa pagkakataon talaga na hindi mo inaasahan ay saka may mangyayari na hindi mo kontrolado. "W-what do you m-mean…? P-prank ba i-ito? H-hon!" Hinarap niya pa si Theo. "H-hon…let me explain—" nagulat pa ako sa isang malakas na sampal na binigay niya kay Theo. Maging ang mga tao sa paligid ay napatingin na rin at nagbubulungan buhat sa kanilang nasaksihan sa dalawa. Nagsimula na rin umiyak si Ms. Jacel sa galit habang nagmamasid lang ako sa kanila. "G-gaano mo na ako katagal niloloko?! Ilang babae na ang pinasundan mo?! Ilan!!! B-bakit mo ginagawa sa akin ito?! Bakit!" Malakas na sigaw ni Ms. Jacel habang sinusuntok sa dibdib si Theo at patuloy na sumisigaw. "A-alam mo ba— na ayaw kong maniwala sa mga naririnig ko, dahil mas may tiwala ako sayo?! W-why?! Why!" At tuluyan na siyang humagulhol ng iyak. Ito ang hindi naiintindihan ng mga taong walang pakundangan kung magloko sa mga karelasyon nila, hindi lang naman tiwala ang nawawasak sa kanila, kundi buong pagkatao nila. Dumarating sila sa punto na mapapatanong sila sa kanilang mga sarili kung may kulang ba sa kanila? Kung may mali ba? Hindi ba sila sapat? At kung anu-ano pang mga tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isip nila. At hindi nila masagot. Cheating is not a mistake, it's a choice. Kung nagloko ay choice mo 'yan dahil hindi ka kontento sa karelasyon mo. I don't care kahit magkagulo pa silang dalawa at least alam niyang manloloko ang pakakasalan niya. Naisip ko na nang iwan silang dalawa. Akma na sana akong tatalikod ng may maalala ako, "One more thing, Theo, kung may something na may mangyari sa akin na hindi maganda, ikaw lang ang maaari nilang pagbintangan. Kaya ngayon pa lang ay binabalaan na kita," saad ko pa. At hindi man lang niya nagawang magsalita. "Ms. Jacel, I'm leaving, I can't do this. And please—don't waste your tears over that p****k na lalaki, you deserve someone a much better than him," dagdag ko pa saka ako naglakad palayo sa kanila na may ngiti sa labi. Blessings na rin pala ang raket na ito, may na-save akong isang babae sa manloloko! Men are men! Mabuti na lang habang maaga pa ay nakita na niya ang totoong ugali ni Theo kesa kapag kasal na sila. At mas mahirap 'yon. The earlier, the better. Nagsisigawan pa rin sila habang naglalakad ako pabalik ng hotel kung nasaan ang mga gamit ko "Dj, cancelled ang photoshoot," pagbabalita ko sa kanya nang makabalik ako sa hotel room upang kunin ang aking mga gamit. Mabuti na lang talaga at hiniram ko ang sasakyan ni Mel kaya makakauwi rin ako agad. Dahil may tension na rito, narinig ko pa sa mga tao sa ibaba na dumating daw ang tatay ni Ms. Jacel. Napitlag ako nang muling magsalita si Dj sa kabilang linya. "W-what? Why? I mean anong nangyari? Care to share," sabi niya pa. Inipit ko pa ang phone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko habang pinapasok ko sa bag ang iba kong mga gamit. "I don't know na yung stalker ko at fiancée pala ni Ms. Jacel ay iisa, imagine that. Ang kapal ng mukha! Muntik pa akong maging kabit niya!" naiinis kong sabi pa. "O-oh! Don't tell me na—sinabi mo?!" usisa niya pa. "Yes! Why not? Saka cheater ang fiancée niya. Mas mabuti nang alam niya. He looks mabait and gentleman, but he's a freaking babaero. He deserved it," sambit ko habang dinadamot ko iba kong gamit. Saka ko muling hinawakan ang aking phone. "I'm leaving na rito sa hotel. Ayaw kong masali sa eksena nila. I'm tired." Kinuha ko ang aking backpack at naglakad na ako palabas. "I'm sure na nasa news ito." Huminto ako sa paghakbang buhat sa sinabi ni DJ. "I don't care. I will call you later. DJ, bye." Habang pababa nga ako ay naririnig ko pa ang bulungan tungkol kay Ms. Jacel at Theo. Tuloy-tuloy akong naglakad ng biglang may humablot ng braso ko. At nang lingonin ko ito ay galit na galit na mukha ni Theo ang nakita ko. "Don't touch me," sabi ko pa. Pero mas lalong humigpit ang kamay niya sa braso ko. "What is your problem, huh?!" asik niya pa sa akin. Pilit kong inaalis ang kamay niya ngunit mas lalo niya pa akong hinawakan kaya naman ubod lakas ko siyang tinulak. "I don't have a problem, bastard! Ikaw ang may problema! At idadamay mo pa talaga ko, huh? Ang kapal ng mukha mo!" singhal ko pa at pilit kong kinakalma ang aking sarili at baka may magawa pa ako sa kanya. "I'm not done with you! You ruined my life, b***h!" Sigaw niya saka naglakad palayo. Ngumisi lang ako at hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa banta niya sa akin. Siya ang dapat matakot at hindi ako. Nang makarating ako sa unit nina Mel at Hailey ay kaagad kong sinabi lahat ng nalaman ko. "OMG! Ikakasal na pala siya! At balak kang gawing reserba!" Napapailing na sambit ni Hailey. Inabot naman sa akin ni Mel ang isang baso ng water saka siya naupo sa tabi ni Hailey. "Mas natatakot tuloy ako para sa'yo," bakas pa ang pag-aalala niya sa mukha. "Ano ka ba, puro banta lang yan si Theo. And I'm sure na hindi niya gagawin 'yon," sabi ko pa saka ako uminom. "Pero nakakatawa lang kung iisipin na talagang sa prenup photoshoot pa kayo nagkita!" Sabay-sabay pa kaming natawa. "Yeah. Who knows na sa harap pa mismo ng fiancée ni Theo!" sabad naman ni Mel. At muling tumawa. "Well, Karma is like 69, you get what you give." Tumango-tango pa sila habang natatawa pa rin. What a day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD