ELIANA BANDANG ALAS NUEBE na ng umaga nang makarating kami sa syudad. Ramdam ko ang pagod dala ng mahabang byahe ngunit naroon pa rin ang excitement dahil sa wakas ay nandito na kami. Mula sa byahe hanggang ngayon ay walang imik ang kasama ko. “Lucas,” tawag ko dahilan upang mapalingon ito. Halata sa kanyang mga mata ang antok at puyat. Hindi ata siya nakatulog sa byahe at buong byahe niya ata akong binantayan. Sa halip na sumagot ay inalalayan niya akong makababa sa sasakyan niya. “Thank you,” bulong ko, ngunit sapat na iyon upang marinig niya. “Where do you want to stay?” Batid kong napansin niya ang pagkabigla sa aking mga mata sa kanyang tanong, ngunit hindi ko iyon ipinahalata nang humarap ako sa kanya. Akala ko napag-usapan na namin ito. “Ahhh ehhh...hahanap na lang ako ng apa

