ELIANA “Hey, hey, what‘s wrong?” “Kung hindi ba ako dumating, makiki-balikan ka sa kanya? Gano’n ba, Lucas?” Diniinan ko ang pagkasabi sa kanyang pangalan. He immediately grabbed my hand. Stop it, El. Hindi ka niya mahal. Wala lang yung nangyari sa Mariveles. What happens in Mariveles, stay in Mariveles. “No, that’s not what I mean.” Pagdedepensa niya. Dahan-dahan kong binawi ang mga kamay ko. Agad siyang natigilan nang gawin ko iyon. “Eliana, mahal kita. Hindi na siya ang mahal ko. I don’t love her.” Nakakunot ang noo niyang sabi, ramdam ko rin ang sensirong tono galing sa kanya. Ilang beses akong napabuntong-hininga sa harap niya. Hindi ko namalayang nakayakap na pala siya sa akin. “I do love you, Eliana. Bakit mo naman nasabi ‘yan?” Rinig ko ang pagtibok ng puso niya at ramdam

