CHAPTER SEVENTEEN
ELIANA
Masaya ako para kay Lucas. Masaya ako dahil hindi lang isang branch ang magbubukas, at hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa pa.
Ang swerte naman ng magiging asawa niya, kahit hindi na magtrabah---
"Ay kamote!" Napaigtad ako nang may tumama sa aking ulo. Dahan-dahan ko itong tiningnan at isang matikas na katawan ang bumungad kaya dahan-dahan ulit akong napatingala.
Nakangiting lalaki habang nakatingin sa akin. Naalala kong ito yung pumasok at kinausap si Lucas sa office. Siguro mas matangkad ito sa kanya. Siguro tapos na sila mag-usap ni Lucas.
"S-sorry...pasensya na..." Dahil sa sobrang tangkad nito ay sa dibdib bumangga ang mukha ko. Hanep, ganito ang eksena tuwing may napapanood ako sa t.v o nababasa ko sa libro.
He put a smile while looking at me. "Oh, Hi!" Bati niya. Bakit parang ang kwela ng isang 'to? Pinanganak ba siyang bibo sa buhay? "Pupuntahan mo si Lucas sa loob?" Itinuro pa niya ang office kung saan siya lumabas gamit ang hinlalaki.
"Yes, sir." Tumawa ito ng mahina kaya nagtaka ako. "May nakakatawa ba, sir?"
"Ba't mo ako tinatawag na sir? Eh hindi naman ako ang boss mo." Mukha naman siyang mabait, bibo lang talaga unang impresyon ko dahil yun ang napansin ko.
"Just call me Ralph or Lauren." Hindi ko alam kung bakit niya ako kinakausap.
"Sige." Simpleng sagot ko dahilan upang siya'y tumawa nang pagak.
"You're so cold, aren't you?" Hindi ako nagsalita. Lumunok ako ng laway at tumingin sa nakadidistract na matipuno niyang dibdib kahit may suot ito. Nakita kong ngumiti ito at basta nalang
tinitigan ang dibdib ko.
"Bastos ka ah!" Sinadya kong lakasan ang boses ko para may makarinig ngunit nabigo ako. Wala ni isang dumadaan sa labas kung saan kami nanggaling at ginanap ang meeting. Sinadya ata ng tadhana na makasalubong ko ang mokong na 'to. Asan na ba kasi si Lucas?
"Kumusta kayo ni Lucas?" Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko siya kayang tignan sa mukha kaya para akong ewan na nakatingin sa sahig na parang doon ang kausap ko.
"Maayos kami ni Lucas," I said while looking on the floor. Nanatili akong nakayuko nang marinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.
"Would you mind if I invite you to join with me?" Nakaramdam ako ng pag-aalinlangan nang sabihin niya iyon. Nakangiti lang siya habang hinihintay ang sagot ko. May itatanong ako kay Lucas tungkol sa pagbubukas ng ilang branch dito sa bansa kaya sa tingin ko ay dapat ko munang tanggihan ang alok niya.
"Sorry, wala akong oras para samahan ka ngayon."
"But you're actually talking to me right now," "And wait, you said today? So, what if sa ibang araw pwede ka na?" Bakit ba ang kulit ng isang 'to? Tsaka, parang walang preno ang bibig kung magsalita.
Hindi ako kumibo saka walang sabing tumalikod para bumalik sa office ni Lucas. But suddenly I felt an arm grabbing my shoulder.
"I said, I have no time!" Sigaw ko. Nakita ko siyang tulala habang dahan-dahang binibitawan ang braso ko. Napansin kong pinapanood na kami ng mga tao ngunit hindi ako nag-alinlangang hanapin ang isang lalaking handa akong tulungan.
Ngunit nabigo ako. Ni hindi ko makita ang presensya ni Lucas. I have no choice. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito at walang mga mata ang makakapansin sa presensya ko.
"I'm so sorry, Eliana. I didn't mean to scare and harm you--"
"You did!" Seeing him asking for apology makes me more mad. Narinig kong naghiyawan ang mga taong nanonood.
Nasaan ba kasi si Lucas?
"I'm sorry." Tipid nitong sabi. Hindi ko siya pinansin dahil awtomatikong hinanap ng mga mata ko ang presensya ni Lucas ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi siya nagpakita.
Bwisit.
Agad akong natigilan. Bakit ko ba hinahanap ang presensya niya?
"Is something is happening unusual here?"
Malakas ang kutob ko dahil sa pinanggalingan ng boses na iyon. Tila napawi agad ang kalungkutan at kaba ko nang marinig iyon.
"You okay?" Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Lucas. May dilim sa kanyang mga mata at tila nais niyang magwala anumang oras.
"Nothing." Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko na kahit kanina ay siya ang hanap ko.
"Eliana, tell something what happened. Magbibilang ako at kapag nakaabot ito ng lima ay lahat sila ay palalayasin ko at hindi na makababalik." Nanindig ang balahibo ko nang sabihin iyon. Mas lalong naghiyawan ang mga taong nasa paligid. Ang iba ay nagmamakaawa sa akin na magsalita at ang iba naman ay nagagalit sa boss ko.
"Go to my office." Isang maowtoridad na utos niya. Lumunok ako ng laway. Hindi ko napansin na humahakbang na pala ako saka dinala ako ng mga paa ko sa opisina.
"What was all about?" Tanong ni Lucas nang sumunod ito sa akin kahit hindi pa sinasarado ang pinto.
Hindi ako nagsalita. I'm speechless about what happened. Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya napapikit ako at hiniling na sana huwag siyang magwala.
"Sinaktan ka ba ng kaibigan ko?" Umigting ang panga niya. Umiling ako. Napangisi siya saka humakbag palapit sa akin. Ngayon ay nasa harapan ko na siya. Nanlilisik ang mga mata at tila nababalisa dahil sa pagpigil ng kanyang mga kamay.
Pinipigilan niya bang saktan ako?
"Hindi niya ako sinaktan. Masyado ka lang ata nagiging overacting." Tinapunan niya ako ng tingin at nagsimulang maglakad papunta sa kanyang mesa at tila may hinahanap.
"Talaga? Parang nag-enjoy ka pa ata na kasama siya." Sa ngayon ay hindi ko siya maintindihan.
"Hindi naman." Simpleng sagot ko ngunit nanlaki ang mga mata ko nang ihagis nito ang kanyang laptop at nabasag iyon.
Sh*t. Grabe magalit ang mayayaman. Expensive magwala.
"Lucas, calm down. Ano bang kinagagalit mo? Kinausap niya lang ako. Ba't ba ganyan ka kung makapag-react?"
I was too stunned when he grabbed my waist. His look is very serious. Hindi man lang siya kumurap habang nakatitig sa akin.
"Alam mo bang binigyan mo na naman ako ng dahilan para halikan ka," ang sabi niya sa mababang tono ngunit naroon ang diin sa kanyang boses.
Napako lamang ang titig ko nang sabihin niya iyon. Malamang, hahalikan niya na naman ako kahit walang namamagitan sa amin. "Ready ka na ba?" Uminit ang mukha ko sa tanong na iyon. Wala na akong pakialam kung makita niyang nangangamatis na ang mukha ko.
Hindi ako sumagot kaya bahagya siyang natawa. Hawak niya pa rin ang bewang ko nang naramdaman ko na lang ang labi niyang nakadampi sa labi ko. Tell me this is a joke.
His kisses are expensive, aggressive, and delightful. I can't imagine nandito ako para kahalikan niya at hindi secretary lang. Naramdaman kong umuwang ang mga labi namin at nakita ko siyang tila inis. "Can you kiss me back?!" Napalunok ako dahil sa kanyang itsura. Hindi pa ako nakakapagsalita nang sinakop niya na naman ang mga labi ko.
This time, the kiss is soft and free. Sabayan pa ng kanyang malambot na labi na tila may limitasyon. Hindi ito naghahanap, sobrang natural. The kiss is gentle as he handle mine.
Hindi ko namalayang tumutugon na pala ako sa halik. Napapikit ako nang mas lalo nito diniin ang katawan ko sa kanya. Hindi ko maitatangging nagugustuhan ko ang halik ni Lucas. This is heaven.
"Lucas..." sambit ko kaya marahan siyang tumigil. "Gusto ko pa." Hinihingal na sambit ko kaya sumilay ang ngiti na mas nagpabaliw sa akin.
Next thing happen is our lips parted again.