CHAPTER 18

536 Words
ELIANA "Ang lalim ng iniisip mo ah. Nag-impake ka na ba?" Nilingon ko siya mula sa pagkakaupo kasabay ng pangangalumbaba. Paano ba naman kasi, yung tungkol kanina. May pahalik-halik pa siyang nalalaman. "Don't tell me, kulang pa rin yung halik ko." Gulat akong tumingin sa kanya kaya naibato ko ang librong nasa lamesa. "Alam mo, isa kang what the f*ck! Hindi iyon ang iniisip ko!" Pagtatanggol ko. "Talaga? Ba't parang guilty ka?" Pinulot niya ang librong ibinato ko sa kanya. Buti nalang at nakailag ito kundi sira na ang mukha niya. Makapal pa naman ang cover nito. "At talagang ang paboritong libro ko pa?" Ngumiwi ako nang magbago ang tono ng pananalita niya habang nakatingin sa libro at tila ipinagpag iyon. Halatang nainis nga siya dahil doon. Hindi ako makagalaw sa aking pwesto. Parang nalagyan ata ng glue ang inuupuan ko. "Hindi naman nasira ah." Totoo naman, baka nga walang gasgas iyon. Kung makapag-react naman siya parang kasing presyo ng bahay ang libro niya. "Do you know how much is this?" At talagang ako pa ang tinanong? Hindi naman ako bumili. Siguro sa tiange niya lang nabili 'yan, o kaya in-order niya sa shopee. "Aba pakealam ko kung magkano 'yan. Inorder mo sa shopee 'yan, 'no?" Kumunot ang noo niya saka lumapit sa pwesto ko. "That's $30.8 million and I don't know what are you talking about." Nakatitig lang ako sa nagsasalitang si Lucas. "Kiss me again or... you'll pay?" Lumunok ako ng laway. $30.8 million?! "And that's not from shopee or what. I brought this in New York." Grabe, iba talaga kapag mayaman. Ako ngang nagrerenta pa ng libro sa may tindahan at nanghihinayang bumili sa National bookstore. Grabe ka, Lucas. Kaya laking tuwa ko nang ibili niya ako ng mga libro. "I said, kiss me again or you'll pay for this?" Naroon na naman ang mapanukso niyang tingin habang ipinakita ang libro. "Anong babayaran, hindi naman nasira ah!" Syempre, kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi hanggang dito ay aapihin ako ng kung sino. "You threw it." Umirap ako sa kawalan. "Kung hindi mo babayaran, edi hahalikan mo ako." Bigla ko siyang tinulak nang bahagya nitong nilapit ang kanyang mukha. "My kiss is expensive!" Hindi ko na maiwasang sigawan siya. He chuckled. "Mayaman din ako, Eliana. I can have what I want. I can buy your kiss. Pero sa kaso mo, mukhang pwede namang libre, 'diba?" Sarap talagang hampasin nitong lalaking 'to! Hindi ko siya pinansin at tumalikod nalang ako para hindi niya mapansin ang namumula kong mukha. Nakakahiya. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman kong palabas na siya ng opisina. "You need to prepare three swim suit for the team building. Mas mabuting mag-impake ka na agad." Iyon na lamang ang huling sinabi nito bago niya isinara ang glass door. Hanep, siya pa ang nag desisyon. Wala ako sa wisyo nang kunin ko ang bag na paglalagyan ko ng mga gamit para sa team building namin bukas. Ba't kasi sinabi niya pa yun? Tsk. Lucas decided that our team building will held tomorrow evening. Kaya kailangan umaga palang naroon na kami. Hindi ko alam kung bakit sumikdo ang puso ko matapos sabihin niyang sa Mariveles kami pupunta. Handa ba akong makita ulit sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD