CHAPTER NINETEEN
ELIANA
EKSAKTONG ala-una nang hapon nang makarating kami sa isla ng Mariveles. Kasama ang lahat ng tao sa kompanya ay sinalubong agad kami ng malamig na hangin. Nakaka-miss ang lugar na ito. Ngunit napawi ang pagkasabik ko nang maalala ang lahat ng pangyayari rito. Siguro naman ay hindi nila ako makikita dahil wala naman silang pakealam sa akin.
"Are you okay?" Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Lucas. May hawak siyang isang can ng beer. Hindi ko namalayang nakababa na pala lahat ang mga kasamahan ko. Kinapa niya ang aking noo dahilan upang patago akong ngimiti. "Wala ka namang lagnat," komento nito.
"I'm okay, Lucas." Maayos naman ang pakiramdam ko. Hindi lang ako mapakali sa kadahilanang makita ako ng pamilya ko. "Let’s go?" Niyaya ko na siyang pumunta sa lugar kung saan kami tutuloy. Dahil nga sa dito ako lumaki, alam ko na ang pasikot-sikot sa lugar na ito. Nakarating kami sa hotel na tutuluyan namin. Masyado pang maaga kaya hindi maiwasan ng iba naming kasamahan ang matulog.
Ilang kwarto ang kinuha namin. Syempre, hiwalay ang kwarto ng lalaki at babae.
Bakit ba kasi dito pa naisipan ni Lucas gawin ang Team Building?
"Okay ka lang talaga?" Biglang sumulpot si Lucas sa gilid ko. Medyo nag-aalala nga ang kanyang tingin. Hindi ko naiwasang hindi sabihin ang dahilan.
"You’re a strong woman, Eliana. Nandito tayo para maglibang. Don’t mind it." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Matapos noon ay hinawakan nito ang aking kaliwang kamay saka tumungo sa aming mga kasama.
•••
NAGTIPON ang lahat sa gilid ng dagat bandang hapon kung kailan palubog na ang araw. Hindi naging mahirap ang pag gawa ng upuan at lamesa gamit lamang ang buhangin upang doon kami umupo. Sa mesa na gawa sa buhangin ay naroon ang mga alak at pagkain namin habang kami ay nakaupo sa ginawang upuan gamit din ang buhangin na nakapalibot. Lahat ay nawiwili dahil malapit na nga dumilim ang paligid at sisimulan na ang kaganapan.
"Alam mo, kanina ko pa nakikitang pasulyap-sulyap sa iyo si boss." Nanunuksong sabi ni Monica. Ang personal accountant ni Lucas. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Agad akong umiling para itago ang namumula kong pisngi.
"Huwag mong sabihin 'yan, Monica. Baka may ibang tinitignan." Medyo naging malapit na rin ako sa ibang kasamahan sa opisina, at si Monica ang mas may lakas ng loob para kausapin ako.
"Wala. Ikaw talaga tinitignan ni boss. Ang ganda-ganda mo kasi." Mahinang aniya ngunit sapat lang para marinig ko. May kaunting gigil pa nang sabihin niya iyon.
Kaya naman ay sumulyap ako kay Lucas, hindi nga nagkamali ang kasama ko. Nakatitig nga siya sa akin habang may hawak ulit na beer.
"I told you," komento nito na parang proud pa sa kanyang sarili.
"Okay, let’s start! No phones allowed." Bigla akong natauhan nang sabihin iyon ni Bryan, ang baklang empleyado ni Lucas. Magaling ito sa pagsasalita kaya siya ang ginawa naming emcee ngayong gabi. "Let’s start with confession session!" Agad naghiyawan sa narinig ngunit naging alarma ako kasabay ng pagsulyap kay Lucas na hindi ko alam na nakatitig na pala sa akin na agad kong iniiwas.
Unang pumunta sa unahan ay si Gavin, isa sa staff sa kompanya na kasalukuyan nang nagsasalita. Nang matapos si Gavin ay sumunod naman si Monica. Tinapik ko muna ang balikat niya saka pumunta sa unahan.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan dahil alam kong ako na ang susunod.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila dahil wala ako sa wisyo. Parang sinisikmura ang buong pagkatao ko lalo na nang tawagan ng buo ang pangalan ko.
Ngunit pumunta agad ako sa gitna at nagsalita.
"I just want to say thank you to everyone, instead of confessing because I think, I have no words to say that so." I started. Lahat sila ay nakatitig sa akin, ngunit may isang tao ang pumukaw sa aking atensyon.
I gulped. I didn't know what to say.
"Kung hindi dahil sa kanya ay wala ako rito." I smiled. Trying to hide my exaggerated reaction. "I scape with him from a disaster happened to my life." I am looking at Lucas, I'm seeing his weird posture happening at this moment. I know he has an idea that he is the one who I'm talking about. "And that was the great experiences happened to my life." I smiled at him. Seeing him with a wide smile makes my face turned to red. I chuckled. Happening this thing makes me overwhelmed and gives me an opportunity to call out.
"And that's it. He gives me an opportunities to make my life alive even at once. Being in the situation before, I don't experience being a special."
Huminga ako nang malalim bago magsalita. A cold placid breeze embrace my moment and I can feel the warm sensation of the wind at the same time. Para akong niyayakap ng hangin at nagpapa-alalang hindi ako nag-iisa sa bawat hamon ng buhay.
"Sa mga taong nandito. I also want to thank all of you for making me comfortable when I'm in the company. That's a big opportunities I really thank of." I spotted them wearing a big smile through their face.
"Sir Lucas," I said. I don't know why even calling his name is getting awkward.
I don't know if I can say these words in my head. Hindi ko na kailangan pang tignan kung nakikinig ba siya o hindi.
"Thanks again, we couldn't have pulled this off without you." I think Lucas was confused in the middle of what I was saying.
After that, people began to shout and giggling.
Halos mahilo ako sa palipat-lipat kong tingin sa aking mga kasamahan. Lahat sila ay nag-uusap, masaya at nakikiramdam sa susunod na mangyayari.
"Thank you for a warm welcome for me, everyone!"
Nagpalakpakan sila matapos kong magsalita. Nang makabalik na ako sa aking pwesto ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Lucas is staring at me right now. Agad kong nilipat ang paningin ko sa dagat.
Nang matapos ako ay ibinigay ko na sa susunod na magsasalita ang microphone.
Halos lahat ay sobrang saya at nagpasalamat kay Lucas. Ang iba naman ay nagkapatawaran kaya marami ang nagsi-iyakan. Basang-basa na tuloy ang mukha ko.
"Si Boss Lucas naman!" Sigaw ni Hubert. Isa sa staff ng kompanya ni Lucas.
Syempre marami ang nagpalakpakan nang tumayo ito.
I know Lucas is a passionate man.
Lucas cleared his throat. Agad akong napatingin sa kanya. Tumayo ito at pumunta sa gitna. "I have no other words to say tonight." Huminto ito sa pagsasalita saka tumingin sa akin. "I can't imagine my life now without this girl." Lucas cleared his throat again and stared at me like an innocent angel.
A moment of silent was happening right now.
"Eliana..."
He called me?
"I think I'm happily inlove with you."