[Infinity's POV] Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata dala ang pag-asang sana ngayong araw ay magising na si Rave. I've been praying consecutively for his recovery and I never felt this desperate for him. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong umasang mumulat ito sa tuwing gagalaw ng konti ang kaniyang mga pilikmata. It's been two days. He's been sleeping in his hospital bed for two days. Pakiramdam ko tuloy, maliban sa pagkawala niya -- ito na ang pinakamahabang 48 hours ng buhay ko. Nangibabaw na lamang ang ngiti sa'king maninipis na labi dahil bumungad agad sa'king pagkagising ang maamong mukha ni Rave. Medyo kumirot lang nang bahagya ang aking dibdib dahil umaasa na naman akong makikita ko siyang gising at nakangiti. Pero mukhang hindi pa ito ang tamang oras. I inhale

